KABANATA 18

66.9K 2K 215
                                    

KABANATA 18:

Ysabel Martinez

       ✎ LUMABAS ako agad ng kwarto matapos kong makapag-half bath at makapagbihis ng damit. I'm glad na nagkasya itong dress sa 'kin ngunit hapit naman sa katawan ko kaya kitang-kita ang maganda at seksing kurba ng aking katawan.

Mabuti na lang din ay hindi ako naligaw sa mala-mansyon na bahay na ito nang magpasya na akong lumabas ng kwarto. Kaya naman agad ko rin na nahanap 'yung hagdanan na inakyatan namin kanina ni Butler Giovanni hanggang sa makababa ako.

Ang tahimik. Walang katao-tao sa sala nang makababa ako. Kulang na lang ay mabingi ako sa sobrang tahimik dito sa villa resort ni Palermo!

     And speaking of Giovanni.

Agad ko naman siyang nakita na may kausap na dalawang lalaki sa labas. Gawa kasi sa glass 'yung mga wall dito kaya naman kitang-kita ko 'yung labas pati na rin ang malaking pool area.

Kahit na nandito ako sa sala ay nagagawa ko pa rin na matanaw 'yung dagat na nasa 'di kalayuan. Meron rin na mga nakatayo at nagbabantay na mga bodyguards sa kung saan-saang bahagi nitong villa resort.

Literal pa akong napalunok dahil malalaking tao itong mga tauhan ni Palermo at may mga baril pa na nakasuksok sa mga tagiliran nila.

Mukhang mahirap biruin ang mga 'to, baka mamaya bigla na lang silang magpaputok ng baril o 'di kaya'y bigla na lang din may mapasugod na mga kaaway nila Palermo rito at paulanan nila kami ng bala.

Hindi naman talaga ako takot sa baril, takot lang ako na mabaril. To be honest, I know how to use a gun. Si papa kasi ay minsan nang nagtrabaho sa mga gun shop at shooting range. Kaya may alam din ako sa paggamit ng baril.

My father knew how to use different caliber guns and he was the only one who taught me how to shoot a gun kahit pa na bata pa lang ako noon. Kaya nga kung mayroon lang talaga ako na sariling baril ay baka matagal ko na tinuruan ng leksyon siba Teresita at ang dalawa niyang anak.

Kaso nga lang, hindi naman ako gano'n kademonyo at mas lalong hindi rin ako masama kagaya nila. Hindi ko kayang pumatay pero hinding-hindi ko naman magagawang kalimutan 'yung mga ginawa nilang pananakit at pang-aalila sa akin mula bata ako. Walang kapatawaran ang ginawa nila sa akin kahit pa na mag-sorry pa sila.

Inalila nila ako na parang katulong.

Tapos pisikal pa nila akong nasasaktan 'pag hindi ko nagagawa o nabibigay ang mga gusto nila. Matinding pang-aabuso ang ginawa nila sa akin kaya hindi ko sila mapapatawad kahit na humingi sila ng tawad, umiyak ng dugo o kaya'y lumuhod pa sila sa harapan ko. Aba, nakaka-trauma kaya kapag pinagmalupitan ka!

"Aba, bongga!" rinig kong malakas na salita ni Butler Giovanni kaya para akong nabalik sa reyalidad.

"Wow, ang ganda! Bagay na bagay pala sa 'yo 'yang floral dress!" aniya na nakangiti.

Nakita ko naman siyang papalapit na sa akin, sa tingin ko ay kakatapos lang niyang makausap 'yung dalawang lalaki sa labas dahil wala na ang mga ito. Nginitian ko lang siya at nagpasalamat sa papuri niya.

Hindi pa siya nakuntento at talagang inikutan pa niya ako habang nakatingin siya sa suot kong dress. Dahil sa dress na ito ay nakikita na rin tuloy 'yung mapuputi at mahahaba kong legs. Nakakatuwa dahil ang ganda ko sa damit na 'to.

"Sino pala 'yung kausap mong dalawang lalaki sa labas?" curious kong tanong sa kaniya.

"Ah, sila 'yung nagdala ng picture frame mo at nagkabit doon sa dingding. Ayun oh," aniya sabay turo banda sa likod ko kaya napalingon ako.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now