KABANATA 17

68.2K 1.8K 259
                                    

KABANATA 17:

Ysabel Martinez

SA sobrang pagod sa biyahe namin kanina ay hindi ko namalayang nakatulog ako. Napasarap at napahaba-haba rin ang pagkakatulog ko dahil na rin sa malamig dito sa kwarto at sobrang lambot pa ng kamang kinahihigaan ko. Pati 'yung mga unan ay malambot din kaya sarap na sarap ako sa pagyakap nito.

Malaya rin na nakakapasok 'yung sariwang hangin sa labas dahil na rin sa nakabukas 'yung pinto sa balkonahe at ang sarap sa pakiramdam 'yung ambiance rito.

Magaan at nakaka-relax.

Alas kuwatro na rin ng hapon nang magising ako. Pagkagising ko ay agad akong dumiresto sa balcony para tignan ang dagat na kulay esmeralda. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na mapangiti at mamangha sa ganda ng lugar dito sa villa resort ni Palermo.

Mula rito sa balkonahe ay talagang tanaw na tanaw ko ang kagandahan sa ibaba. Ang white sand, 'yung malinaw na kulay esmeralda na karagatan at sa kalayuan naman ay natatanaw ko rin ang iba't-ibang mga klaseng sasakyang pang-dagat tulad na lamang ng mga naglalakihan na cruise ship at mga mararangyang yate.

Hindi na rin masyadong tirik ang araw, hindi katulad kaninang tanghali na sobrang taas ng tirik ng araw kaya sobrang init kanina. Medyo hindi na rin maalinsangan ang panahon 'pag ganitong oras kaya kahit papaano ay malamig-lamig ang hampas ng hangin at hindi masakit sa balat.

Kahit na nandito ako sa itaas ng balkonahe ay rinig na rinig ko pa rin ang malalakas na hampas ng naglalakihang alon. Ang sarap pakinggan sa tainga, isabay pa 'yung huni ng mga ibon na tila mga nagkakantahan sa himpapawid

Sayang lang dahil hindi ako marunong lumangoy. Hindi tuloy ako makakapag-enjoy nitong makaligo sa dagat. Siguro hanggang gilid lang ang aabutin ko nito, baka kasi matangay pa ako ng alon at malunod kung tatangkain kong magpunta sa pinaka-ilalim na parte ng dagat.

May swimming pool nga rin dito, hindi ko rin naman mapagliliguan dahil nga sa wala akong kaalam-alam sa paglangoy. Hanggang gilid lang ang kaya ko.

Isa na nga yata ako sa mga taong tatanda na hindi pa rin marunong lumangoy. Takot din kasi ako na baka malunod ako kahit na mababaw lang 'yung tubig.

Bumuntong-hininga ako bago ako bumalik sa loob. Hindi ko pa pala nalilibot itong kwarto, mas inuna ko kasing matulog kanina dahil na rin sa sobrang antok at pagod.

Actually, maganda ang pagkaka-ayos at disenyo nitong kwartong kinaroroonan ko ngayon. Black and white ang interior design. May mga iba't-ibang klase rin na paintings ang nakasabit sa bawat dingding.

Mukha rin na mamahalin ang mga paintings na ito. May bed side table, lampshade na nakatayo sa magkabilang gilid ng headrest ng kama. May malaki pa na flat screen TV.

Meron rin na nakatayong bookshelf na nakasandal sa pader na naglalaman ng maraming mga libro at isang coffee table na babasagin. 'Yung bedsheet naman ng kama ay puti habang ang unan at kumot ay kulay itim.

Nang pasukin ko naman 'yung loob ng banyo ay literal akong napa-wow. Malawak sa loob kahit pa na isa itong banyo! May shower, kumpleto rin sa mga kagamitan, malinis na lababo at inidoro pero ang higit na nakapukaw ng atensyon ko ay ang malaking bathtub!

The heck! Sobrang ganda at mabango rin sa loob! Mas malawak pa ang banyo na ito kaysa sa kwarto ko ro'n sa bahay namin sa Batangas! Nakakamangha naman dito.

Isang beses na rin akong nakapunta at nakapasok sa isang magara at mamahalin na Hotel dahil one time ay nagbakasyon kami ng mga katrabaho ko kasama ang amo naming si Chester.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now