KABANATA 39

51.3K 1.5K 209
                                    

Warning: This chapter contains scenes of violence, sexual assault and etc. which may be triggering for some readers. Please be warned.

• • •

KABANATA 39:

Ysabel Martinez

          UMIIYAK lang ako sa takot.

Hindi ko na rin alam ang gagawin ko dahil nangangatog na ang buo kong katawan sa matinding kaba at takot. Pero nagagalit ako. Nagagalit ako ng sobra kay Criselda at sa mga alipores niya! She's really crazy! Sira na talaga ang tuktok ng ulo niya. Bakit niya ba ito ginagawa sa akin? Ano bang kasalanan ko sa kanya?! Gusto niya bang makapag-higante dahil sa ginawa kong pagtutok ng baril sa kanya? 'O baka naman sadyang may iba pa siyang malalim na dahilan?

"So, siya na ba yung tinutukoy niyong babae na asawa daw kuno ni Palermo?" narinig kong tanong nung isang lalaking hindi ko naman kilala. Nakaupo lang siya sa single na sofa bago siya humithit ng hawak niyang sigarilyo.

Nakangisi lang rin siya at mariin na nakatingin sa direksyon ko. Tila kinikilatis niya ang aking mukha at hindi rin nakaligtas sa akin kung paano humagod ang kanyang tingin sa aking katawan. Feeling ko ay hinuhubaran na niya ako sa paraan ng tingin niya sa akin.

Napaubo pa ako ng bahagya dahil sa usok ng sigarilyo nila na ngayon ay umiikot sa buong kwarto na kinaroroonan namin. May mga kasama rin siyang apat na mga kalalakihan at hindi ko maiwasang makadama ng kaba dahil may sinisinghot sila na kung ano sa center table. Ano kaya yung sinisinghot nila? Sa itsura nito ay para itong tawas pero mukhang hindi ito tawas.

Mas nakadagdag pa sa kaba ko yung mga itsura nila na halatang hindi mapagkakatiwalaan. Namumula at mapungay ang kanilang mga mata. Nangingitim rin ang ilalim ng mga mata nila na animo'y mga ilang araw yata silang hindi natulog. Para din silang mga high na high na ewan.

Teka nga lang? Drugs ba yung sinisinghot nila doon sa table? What the fuck? Pero yung lalaking nakaupo sa single sofa, bakit parang pamilyar yata siya sa akin? I think nakita ko na siya somewhere pero hindi ko lang siya matandaan. Sino kaya 'to?

Hindi ko rin alam kung saang kwarto ito pero alam kong narito pa rin kami sa Hotel. Basta na lang akong dinala nila Criselda dito matapos niya akong walang kahirap-hirap na ipabuhat sa mga kasama nilang kalalakihan.

Natatakot na ako. Sa sobrang takot ay hindi ko na napigilang manginig at maiyak. Jusko po! Sana naman ay mapansin ni Palermo na wala ako sa ladies restroom. Sana makatunog siya na nawawala ako sa venue. Naniniwala rin naman ako na hahanapin ako ni Palermo at alam kong matalino siyang lalaki.

Nakakatiyak ako na ipapahanap niya ako sa mga tauhan niya. Sigurado akong mapapansin niya kung bakit ang tagal ko sa restroom at sana maramdaman niyang may masamang nangyayari sa akin ngayon.

"Alam niyo na ang gagawin niyo sa kanya kaya kayo ng bahala sa bwisit na babaeng 'to," ani Criselda na nagpa-kunot sa noo ko.

"What are you talking about? At saka bakit niyo ba ako dinala dito?! Pakawalan niyo nga ako!" asik ko gamit ang matapang na boses. Kailangan kong lakasan ang loob ko at hindi ko dapat ipakita sa kanila na natatakot ako. Pero shit lang, kahit na gawin ko pang matapang ang boses ko ay nanginginig naman ang buo kong katawan.

"Manahimik ka! Dito na magsisimula ang kalbaryo sa buhay mo kaya maghintay ka! Masisira ka na, Ysabel. Pandidirihan ka ni Palermo!" pagalit na singhal ni Criselda sa akin at nagsingisian naman ang mga alipores niya. Yung babaeng flight attendant na nakilala ko noon ay napaiwas ng tingin sa akin at napayuko ng ulo.

"A-anong ibig mong sabihin na pandidirihan ako ni Palermo?" utal at kinakabahan kong katanungan.

Anong tinutukoy niyang pandidirihan ako ni Palermo? Pakiramdam ko ay may gagawin silang hindi maganda sa akin kaya mas sinakluban ako ng matinding kaba sa dibdib. Kaya ba nila ako dinala dito sa kwartong 'to? Shit lang! Mukhang hindi ako ligtas. Baliw na itong sila Criselda! Binigyan naman ako ni Criselda ng isang nakakalokong ngisi. Parang isang ngising demonyo at tila may binabalak na gawin na masama sa akin. Kitang-kita ko rin kung paano manlisik ang mga mata niya.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon