KABANATA 32

59.5K 1.4K 246
                                    

KABANATA 32:

Ysabel Martinez

      ✎ ISANG linggo na pala ang nakakalipas mula nang ibinigay ni Palermo sa 'kin ang engagement ring naming dalawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang pumayag na ako sa kanya na magpakasal.

Siguro nga ay may sira na rin ang tuktok ng ulo ko dahil kahit na hindi pa naman kami lubusang magkakilala at wala rin kaming relasyon dahil hindi ko naman siya boyfriend pero pumayag akong magpakasal sa kanya.

Pinagkatiwalaan ko siya at hinayaan ko ang puso ko na magpaanod sa bugso ng damdamin ko. Sa loob din naman ng isang linggo ay ipinakita ni Palermo sa akin kung gaano siya ka-sincere at katotoo ang nararamdaman niya para sa akin. Nakita ko kung paano niya ako alagaan at mahalin.

Dahil doon kaya sobrang saya ko.

Ang saya ko at walang makakapantay sa nadarama kong saya 'pag kasama ko si Palermo. Sa loob ng isang linggo ay halos iginala lang niya ako sa buong resort niya para sa gayun ay hindi ako ma-bored. Minsan naman ay dinadala rin niya ako sa kabilang isla para makapag-date kaming dalawa.

Halos hindi na nga rin kami mapaghiwalay at kahit sa pagtulog ay magkatabi na rin kaming dalawa. At hindi ko akalain na sa paglipas ng mga araw na kasama ko si Palermo ay natutunan ko siyang mahalin.

Oo, minahal ko siya.

Mabilis man pero nahulog talaga ako sa kanya kahit sa maikling panahon lang at hindi ko rin ine-expect na mahuhulog ang loob ko sa katulad niyang isang Mafia boss na may dark organization. Hindi ako lubos makapaniwalang mamahalin ko rin siya at mai-inlove ako sa kanya.

Nakuha niya ng buo ang tiwala ko. Pero 'yon ang nararamdaman ko at sinisigaw nitong lintek kong puso. He makes me fall in love with him! Hindi man lang siya nahirapan na mahulog ang puso ko sa kanya at hindi naman ako nagsisisi na nahulog ang loob ko sa kanya.

Bagkus ay hinayaan ko ang puso ko na ma-in love sa kanya. Oo nga't masyadong mabilis pero hindi naman kasi mahirap mahalin si Palermo. Meron sa pagkatao niya na ipinapakita lang niya sa akin na hindi niya madalas ipinapakita sa ibang tao.

Katulad na lamang ang pagiging sweet at romantic guy niya. Sinong mag-aakala na ang isang tulad niyang Mafia Boss na delikado ay may pagka-romantiko pala? Sa akin lang din siya madalas ngumingiti habang ang seryoso naman niya kapag humaharap siya sa iba.

"Wow! Mukhang busy na busy ang misis ni Don Palermo ah?" Nabaling naman ang aking atensyon sa nagsalita.

Napangiti naman ako nang makita ko si Butler Giovanni na bihis na bihis at mukhang may lakad siya ngayong araw. Naka-lipstick at blush on pa ang bakla! Saan naman kaya siya pupunta? Don't tell me na may date siya?

"Wala kasi akong magawa, kaya naisipan ko na lang na mag-bake ng cupcakes para kay Palermo." nakangiti kong sabi sa kanya.

Wala ngayon si Palermo rito sa villa resort. Nagpaalam siya sa akin na meron siyang importanteng meeting na kailangan niyang daluhan. Syempre, sino ba naman ako para pigilan siya? Importanteng meeting niya 'yun at paniguradong tungkol lang iyon sa business niya. Kaya heto, naisipan ko na lang na mag-bake ng cupcakes.

Sabagay ay wala naman akong ginagawa ngayon. Mga ilang oras na siyang wala rito at nag-text naman si Palermo sa akin na matatagalan pa siya sa meeting niya.

Bumalik na rin sina Thorn sa Maynila no'ng nakaraang araw dahil may naghihintay pa sa kanilang trabaho kaya naging tahimik na naman dito sa mala-mansyon na bahay ni Palermo.

Halos tatlong oras ko rin ka-video call sina Maria kanina dahil nagkamustahan lang naman kami. Nalaman na rin ni Chester na narito ako ngayon sa Siargao. I'm glad na hindi siya nagalit sa akin dahil may iniwan akong trabaho sa VetClinic niya. Ako pa naman ang taga-linis at madalas na nag-aalaga sa mga pet niyang pasyente.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt