KABANATA 12

66.6K 1.9K 393
                                    

KABANATA 12:

Ysabel Martinez

        ✎ KAHIT papaano ay matiwasay naman kaming nakarating sa bahay namin. Hindi ko alam kung papaano niya nalaman kung saan ako nakatira pero mukhang pina-imbestigahan din niya kung saan ang bahay namin.

At dahil sa mamahalin itong black limousine ni Palermo ay agaw pansin tuloy itong sasakyan niya.

Ang mga kapitbahay namin ay naging mala-giraffe na dahil nagsisihabaan na ang kanilang mga leeg para makiusyo at mag-tsismisan.

Ang mga bata naman ay literal na nagsihintuan sa pakikipaglaro para tignan lang itong magarang sasakyan kung saan kami nakasakay.

Mas lalo namang lumakas ang mga bulungan ng mga tao nang bumaba kaming dalawa ni Palermo sa itim niyang limousine.

Ang iba sa kanila ay hindi lubos makapaniwala na ako ang makikita nilang bumaba sa mamahalin na sasakyan na 'yun habang ang mga mala-men in black naman na bodyguards ni Palermo ay nagsibabaan doon sa itim na Van na naka-convoy lang sa amin kanina para i-guide at protektahan kami.

Well, it is obvious that they are protecting their Boss. Ang amo nilang isang Mafia.

"Ito na ba ang bahay mo?" tanong sa 'kin ni Palermo sabay nguso kung saang bahay ako nakatira.

Marahan ko naman siyang tinanguan bago ako naglakad papunta sa gate ng bahay namin ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalapit doon nang bigla namang nagsilabasan sina Teresita kasama 'yung dalawa niyang batugan na anak.

Wow! Hindi ko alam na nakalaya na pala ang magaling kong stepmother at ang anak niyang si Ryan. Saan naman kaya nakakuha ng pampiyansa itong si Teresita at ang anak niya? Saan kaya sila nakautang?

"Walanghiya kang babae ka! Talagang may gana ka pang umuwi ah!" nanggagalaiting asik ni Ryzza sa akin at hindi naman ako agad naka-react nang mabilis niya akong sinugod at malakas na sinabunutan ang aking mahabang buhok.

"A-aray! Ano ba! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kaniya ngunit hindi siya nakinig.

Napaigik pa ako sa sobrang sakit nang hatakin pa niya lalo ang buhok ko. Feeling ko ay matatanggalan ako ng buhok nito sa lakas ng pagkakasabunot ng babaeng ito sa akin! Grabe, siya pa ang may ganang manabunot!

"Tarantado ka! Bakit hindi ka nagpakita sa amin?! Hinayaan mo lang talaga ang mama ko na makulong sa bilangguan 'no?! Wala ka talagang kwentang babae ka! Napakadamot mo pagdating sa pera! Dahil sayo kaya muntik nang manirahan si mama sa kulungan!" galit na galit na asik ni Ryzza sa akin.

Suminghap ako nang muli niyang hatakin ang aking buhok. Jusko naman! Balak yata ng babaeng ito na kalbuhin ako! Parang may nakadikit tuloy na mighty bond dito sa buhok ko! At dahil sa inis ko ay gumanti na rin ako sa kanya.

Gumawa ako ng paraan para maabot ko rin ang kanyang buhok at syempre, nagtagumpay naman ako. Siya naman ngayon ang napaigik sa sakit nang ubod kong lakas na sabunutan siya at malakas na hinatak din ang kanyang buhok. Mukhang hindi niya inaasahan na sasabunutan ko rin siya.

     Lintek lang ang walang ganti!

"Eh bakit ako ang sinisisi mo sa pagkakakulong ng sugarol mong ina?! Kayo dapat ang gumawa ng paraan para makapag-piyansa siya dahil kayo naman ang mga anak niya at hindi ako!" galit ko ring asik sa kanya.

Syempre hindi ko rin aaminin sa kanila na ako ang nag-request kay Chester na ipa-raid ang likod ng bahay namin kaya ayun, nahuli tuloy ng mga parak 'yung ginagawa nilang pagsusugal sa likuran ng bahay namin kaya nadala sila sa presinto at nakulong.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon