KABANATA 50

60.1K 1.5K 283
                                    

KABANATA 50:

Ysabel Martinez

          NAKANGITI kong tinignan ang aking wedding gown. Punong-puno ng pagkamangha ang aking mukha. Kakatapos lang ito kahapon na gawin at ngayon ay pinakita na sa akin nung designer yung wedding gown ko na talaga nga namang gustong-gusto ko ang pagkaka-desinyo.

I can't believe na makakapagsuot ako ng ganitong klaseng gown at susuotin ko pa ito mismo sa araw ng kasal naming dalawa ni Palermo. Hindi ko tuloy maiwasang ma-excite dahil isang linggo na lang ang natitira at ikakasal na kaming dalawa sa simbahan.

"Nagustuhan mo ba ang wedding gown mo, iha?" nakangiting katanungan sa akin ni Mrs. Maribel.

Siya ngayon ang kasama ko sa pagtingin nung wedding gown ko dito sa sikat na shop na ang pangalan ay Marlyn's Retro Temptation. Isang sikat na fashion designer at dating modelo ang mismong gumawa ng wedding gown ko kaya sobrang saya ko na makakapagsuot ako ng ganitong klaseng kaganda at mamahalin na wedding gown sa pinaka-importanteng araw na magaganap sa buong buhay ko.

Ang aking kasal.

Hindi lang naman mga gown ang binibenta rito sa shop na 'to, kundi pati ang ilang mga mamahaling damit tulad ng dress kaya marami-raming mga costumer ngayon dito sa shop para mamili.

Talagang sikat ang Marlyn's Retro Temptation na ito. Nakakatuwa lang din dahil yung gumawa ng wedding gown ko ay yung taong gumawa nung gown sa pangbato naming Miss Universe noon. Feeling ko tuloy ay isa akong VIP costumer niya.

"Yes po, Mrs. Maribel. Talagang nagustuhan ko po itong wedding gown ko," nakangiti at masaya kong sagot sa Mommy ni Palermo. Nginitian naman niya ako at hinawakan ang aking kamay.

"I told you, tawagin mo na lang din akong Mommy okay? At masaya ako na nagustuhan mo ang wedding gown mo." nakangiti niyang turan kaya lalo akong napangiti ng wagas.

Sobrang saya ko dahil talagang tanggap ako ng magulang ni Palermo kahit pa na hindi nila ako ka-level pagdating sa estado ng buhay. Sobrang yaman nila, samantalang ako ay kailangang kumayod ng kumayod para may makain sa pang-araw araw.

Pero kahit na ano pa man ang naging nakaraan ko at maging kung sino pa man ako ay tinanggap pa rin ako nila Mrs. Maribel para sa anak nila. Mas excited pa nga sila sa kasal namin ni Palermo kaysa sa akin. Sila pa nga itong nagmamadali na magpakasal na kami ni Palermo kaya naman agas naming inasikaso itong kasal namin para mapabilis na rin.

Two weeks na rin ang nakakalipas mula nang may mangyaring mainit na digmaan sa aming dalawa ni Palermo. Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang isuko at buong puso kong binigay kay Palermo ang sarili ko.

Oo, sobrang bilis ng araw. Hindi ko talaga napansin ang mabilis na paglipas ng araw. Next week na lang ay ikakasal na ako sa lalaking pinakamamahal ko kaya naghahalo na ang emosyon ko sa sobrang excitement. Halos hindi na nga ako makatulog sa gabi dahil hindi na rin ako makapaghintay na dumating ang araw ng kasal namin.

Hinihiling ko lang talaga na sana walang masamang mangyari sa araw ng kasal namin ni Palermo. Hindi ko rin naman kasi masabi kung ano ang pwedeng mangyari sa kinabukasan lalo pa't alam kong isang Mafia Boss si Palermo at maraming nakakaaway ang pamilya nila.

Ganun naman pagdating sa mga pamilyang Mafia, hindi ba? Especially sila Palermo na may dark organization pa at kilala rin ang kanilang pamilya. Pero himala na walang gumagambala at gumugulo sa amin.

Tama nga siguro ang kwento sa akin noon ni Butler Giovanni, walang nagtatangkang masama sa pamilyang Lazarus dahil na rin takot sa kanila ang mga kaaway nila. Alam ng mga nakakakilala kila Palermo kung paano magalit ang mga Lazarus.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now