KABANATA 25

66.7K 1.7K 221
                                    

KABANATA 25:

Ysabel Martinez

      ✎ "YSABEL," rinig kong tawag ni Palermo sa pangalan ko nang makababa na kami sa kotse pero hindi ko siya nilingon at tinangka man lang na pansinin.

Nagkunwari lang din ako na parang walang narinig kahit na rinig na rinig ko naman ang pagtawag niya sa akin.

Malalim pa siyang bumuntong-hininga nang wala na naman siyang natanggap na sagot mula sa 'kin. Kahit pag-sulyap man lang sa kanya ay hindi ko ginawa. Actually ay kanina pa niya ako tinatawag kahit na nasa sasakyan pa lang kami pero hindi ko siya kinakausap.

Nakauwi na rin kami ngayon sa villa resort niya kaya dire-diretso lang akong pumasok sa loob. Nawala ako sa mood dahil sa nangyari kanina. Halos hindi ko nga rin nagalaw ang pagkain na inorder niya kanina sa restaurant.

Umiinit talaga ang ulo ko sa tuwing may tumatapak sa pagkatao ko. Oo, mahirap ako pero hindi naman ako papayag na basta-basta na lang akong insultuhin ng kung sino-sino!

Aba, kung war freak lang siguro ako ay baka nasampal ko na ang Criselda na 'yun para naman pumantay ang kanyang blush on sa mukha. 'O 'di kaya ay nakalbo ko na siya. Nakakainis talaga ang babaeng 'yun! Mapagkamalan ba naman niya akong katulong nina Palermo!

At talaga harap-harapan pa niya akong ininsulto! Parang pinapamukha pa niya sa akin na mahirap lang ako at kawawang namamalimos sa kalye. Ano'ng tingin niya sa akin? Hindi marunong mag-trabaho? Ghad! Pasalamat ang Criselda na 'yun na nakapagtimpi pa ako.

"Ysabel, let's talk. Please." muling pakiusap ni Palermo pero nagkunwari pa rin akong walang naririnig.

Binilisan ko pa ang paglalakad ko para hindi niya ako maabutan lalo na't naririnig ko na ang mabibigat niyang hakbang na nakasunod lang sa akin.

Nakita ko pa nga si Butler Giovanni na mag-isang sumasayaw ng zumba sa sala pero hindi ko na lang siya pinagtuonan ng pansin kahit alam kong may pagtataka sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin.

Siguro ay nahalata niyang wala ako sa mood lalo na't hindi na rin maipinta ang aking mukha habang itong si Palermo ay patuloy pa rin akong tinatawag.

Para tuloy akong pusa na hinahabol ng makulit na aso. Halos takbuhin ko na nga rin ang pag-akyat ko sa hagdanan para lang makarating ako agad sa kwarto ko.

"My goodness, Ysabel! Stop running! Baka mahulog ka!" sigaw ni Palermo sa akin nang kamuntikan na akong mapatid sa kakatakbo ko paakyat sa hagdanan pero hindi ko siya pinakinggan.

"Pwede bang mag-usap muna tayo? Please, Ysabel." pagsusumamo niya kaya lihim akong napairap.

"Kausapin mo sarili mo! 'O di kaya makipag-one night stand ka sa ibang babae!" asik ko sa kanya hanggang sa nakarating na ako sa itaas.

Napataas naman ang isa kong kilay nang marinig kong bigla siyang natawa pero hindi pa rin ako tumigil sa paglalakad nang mabilis para makarating lang ako sa kwarto ko. Bakit siya tumatawa? Mukha bang may nakakatawa sa sinabi ko?

"Nagseselos ka ba kay Criselda?" natatawa niyang tanong kaya napangiwi ako.

"We are nothing, okay? Don't believe what she says, she's a liar. So please, let's talk." he added.

"Ako? Nagseselos? Sa mukha ng babaeng 'yon?!" di-makapaniwala kong tanong sabay turo sa aking sarili.

Gusto niya ba na tadyakan ko siya sa bayag niya?! I have never been jealous in my life! At saka magseselos ako kay Criselda? Ano bang dapat kong ikaselos sa kaniya, eh samantalang mas maganda ako kaysa sa kanya?

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now