9

80.6K 1.9K 423
                                    

YSABEL MARTINEZ

Tiningnan ko saglit si Palermo, seryoso niyang kausap ang mga kaibigan niya na nasa labas habang nandito ako sa loob ng ward room niya at prenteng nakaupo sa dulo ng hospital bed.

Nakatingin lang ako sa gawi nila at hinihintay ko silang matapos. Hindi ko rin marinig kung ano nga ba ang pinag-uusapan nila.

Bukod kasi sa medyo malayo sila at nasa labas pa sila nitong kwarto ay ang hina pa ng mga boses nila. Nagbubulungan nga lang silang magkakaibigan ngunit ang seryoso ng mga mukha nila.

Sa tingin ko ay seryoso rin ang pinag-uusapan nila. Gusto ko sanang makisali at pakinggan kung ano ba ang pinag-uusapan nila, pero baka mapagkamalan pa nila akong chismosa kaya 'di bale na lang.

Pansin ko rin na pinagtitinginan na sila ng mga babae sa labas, mapa-nurse man o pasyente na kahit napapadaan lang ay hindi nila maiwasan na mapatingin sa kanila.

Hindi ko sila masisisi kung para silang kiti-kiti na kinikilig at halos malusaw na itong sina Palermo dahil sa paraan ng titig sa kanila ng mga babae.

Walang patapon sa kanila. Wala talagang tulak-kabigin dahil kung gwapo 'yung isa ay gwapo rin 'yung iba.

Wala rin akong ideya kung tungkol sa ano o kung saan ang pinag-uusapan nila, marahil ay baka tungkol sa bumaril kay Palermo?

I heard na tinambangan si Palermo, pati ang mga kasamahan niya. Hindi ko alam kung sino ang mga kasamahan niya pero narinig ko kanina na tauhan daw 'yon ni Palermo.

Pinapatay na ako ng matindi at labis na kuryosidad kung bakit may gustong pumatay sa kanya.

Base rin sa itsura at pananamit ng mga kaibigan ni Palermo ay mahahalata ko agad na mayaman sila. Ang iba sa kanila ay mukhang galing pa sa trabaho dahil sa suot nilang pang-office attire.

Tahimik lang akong naghintay kay Palermo hanggang sa wakas ay natapos na rin sila. Gusto ko na rin umuwi at bumalik sa bahay pero ayaw naman pumayag nitong si Palermo hangga't hindi siya kasama.

Sinubukan ko pa na umalis kanina habang nakatalikod si Palermo pero malakas yata ang pakiramdam niya dahil mabilis pa rin niya akong nahuli at agad akong pinasok dito sa loob ng ward room para hindi ko siya matakasan.

Pagod na rin ako at wala akong lakas para makipag-patintero o makipag-hide and seek sa kanya. Wala rin akong maayos na tulog at gusto ko na rin magpahinga.

Siguro ay bukas ko na lang siya tatakasan kapag sapat na ang lakas ko. Inaantok na talaga ako, wala na akong sapat na energy at bumibigat na rin ang talukap ng aking mata ngunit nilalabanan ko pa ang antok ko hangga't kaya ko pa.

Habang tulala ako sa kawalan at iniisip ko pa rin hanggang ngayon 'yung offer ni Palermo sa 'kin kung sasama ba ako sa kanya sa villa resort niya sa Siargao ay hindi ko namalayang tapos na pala makipag-usap si Palermo sa mga kaibigan niya. Nakita ko na nga lang ang pag-alis ng mga kaibigan niya.

"Teka, wala man lang ba na maiiwan sa mga kaibigan mo para bantayan ka rito?" tanong ko nang pumasok na si Palermo sa loob ng ward room niya. Kahit 'yung pinsan niya ay umalis na rin.

"May importante lang silang gagawin. Meron din kasi silang mga trabaho na kailangang asikasuhin kaya walang maiiwan para bantayan ako," sagot niya bago niya sinara ang pintuan.

"Pero may trabaho rin ako bukas."

"Umabsent ka na muna. Alagaan mo muna ako at bantayan hangga't hindi pa sinasabi ng Doktor na pwede na akong lumabas ng ospital," sagot niya sabay abot sa akin ng isang card.

"Ano naman ito?" tanong ko.

"It's a watcher pass. Pinakuha ko 'yan sa Nurse Station, medyo mahigpit ang regulation dito sa ospital at isa lang ang pwedeng magbantay sa pasyente."

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now