KABANATA 31

62.4K 1.6K 278
                                    

KABANATA 31:

Ysabel Martinez

HALOS ilang oras na rin kaming naririto sa malaki at mamahaling yate ni Palermo. Nakahinto rin itong yate sa gitna ng dagat kaya malayang nakakaligo ang mga kasama namin sa dagat.

Tuwang-tuwa pa nga sina Perseus nung tumalon sila sa dagat kahit na wala silang kahit na anong suot na life vest.

Jusko! Buti pa sila marunong lumangoy, samantalang ako ay hanggang tingin na lang sa kanila. Pinapanood habang namamatay na ako sa inggit

Sana all marunong lumangoy.

Nag-snorkeling pa nga silang magkakaibigan. Mukha rin na sanay na sanay silang lumangoy kahit pa na nasa ilalim pa sila ng dagat. Good luck na lang sa kanila, huwag lang sana silang makakita ng sharks.

Si Palermo lang ang hindi sumama sa kanila dahil wala raw akong kasama rito sa yate kaya mas pinili na lang naming dalawa na mag-jacuzzi, at least dito ay hindi ako malulunod.

Nakaka-relax din 'yung tubig. Hindi ito sobrang lamig at hindi rin naman mainit. Maligamgam lang ito at saktong gustong-gusto ko ang temperatura ng tubig dito sa jacuzzi na nagpapa-relax sa buo kong katawan.

"Did you like it?" nakangiting tanong ni Palermo sa 'kin.

Nginitian ko rin naman siya ng matamis bago ako marahang tumango sa kanya.

"Sobrang ganda rito, nakaka-relax at sariwa pa ang hangin." pag-amin ko sa kanya.

"Mabuti naman at nagustuhan mo rito. Ito lang talaga ang naisip kong paraan para hindi ka mabored sa villa resort ko," aniya kaya mas lalo tuloy akong napangiti sa kanya.

Bakit ba ganito ang lalaking ito?

Bakit mas inuuna pa niya akong isipin kaysa sa sarili at trabaho niya? Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano bang meron sa akin at bakit nagkagusto sa akin si Palermo na mayaman, gwapo at ubod pa ng kakisigan?

I mean, hindi naman kasi ako tulad ng ibang babae na mayaman at maganda tulad na lang ni Criselda na may mga porselas pang sinusuot sa katawan at seksi pa. Minsan nga ay hindi ko maiwasan ja maramdaman na hindi kami nababagay ni Palermo sa isa't-isa dahil magkaiba kami ng mundo.

Mayaman siya, mahirap ako.

Isa 'yun sa dahilan kung bakit pinipigilan ko ang sarili ko na huwag mahulog ang loob ko kay Palermo. Wala akong maipagmamalaki sa kanya. Ano na lang ang iisipin ng ibang taong nakakakilala sa kanya kung maging asawa niya ako at malaman nilang mahirap ako?

Paano na lang kung mapahiya si Palermo nang dahil sa akin? Hindi ko talaga kakayanin kung muling may tumapak sa pagkatao ko, laiitin ako at insultuhin. Sobrang sakit kaya!

Kahit hindi man ako nakapagtapos ng kolehiyo, sapat na sa akin na marunong akong rumespeto sa kapwa ko. Iyon ang palaging pinapaalala sa akin ni papa no'ng bata pa ako. 'Di bale nang mababa ang pinag-aralan ng isang tao, basta marunong rumespeto.

Kasi kahit na mag-aral ka pa sa isang magandang eskwelahan at kung gaano pa kataas ang edukasyon ng isang tao ay hindi naman daw 'yon nasusukat ang pagkatao dahil kung marunong kang rumespeto, tiyak na dinaig mo pa ang edukado.

At saka kung totoong edukado ang isang tao ay hindi ito nanglalait ng ibang tao. 'Yon ang palaging sinasabi ni papa sa akin na hinding-hindi ko kinakalimutan.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah," dinig kong salita ni Palermo kaya nabalik ako bigla sa reyalidad.

Bumuntong-hininga muna ako ng malalim bago ko siya tignan, "Palermo, bakit sa dinami-rami ng babae riyan bakit ako pa?" tanong ko sa kanya.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now