2

86.8K 2.1K 519
                                    

YSABEL MARTINEZ

5 a.m pa lang ay gising na ako para maghanda sa pagpasok ko ngayon sa trabaho. Bumangon na ako at dumiretso agad sa maliit naming banyo upang gawin ang morning routine ko. Naligo, mag-toothbrush, nagbihis at nag-ayos ng sarili.

Wala akong pasok ngayon sa Mall, pero may pasok ako sa Vet Clinic na pagmamay-ari ng kapatid ng aming gobernador dito sa Batangas, si Chester Angeles. Siya ang aking mabait at gwapo na amo.

Sikat ang pamilyang Angeles dito sa lugar namin. Dati rin na gobernador ang lolo nina Chester at isa sila sa pinaka-mayaman na pamilya rito sa Batangas. Marami rin silang pagmamay-ari na mga pananiman at ektarya. Higit sa lahat ay marami rin silang natulungan.

Sikat din si Chester sa baryo namin maski na rin ang mga kapatid niya. Sa pagkakaalam ko ay lima silang magkakapatid, apat na lalaki at isang babae na bunso.

Nag-aaral sa Maynila ang bunso nilang kapatid. Ano nga ulit pangalan ng eskwelahan na 'yon? Usap-usapan kasi 'yon dito sa baryo namin dahil prestigious school iyon.

Sana naman balang-araw ay makapag-aral din ako at makapagtapos ng pag-aaral. Sa ngayon kasi ay nag-iipon pa ako para kung sakaling may sapat na akong pera para makapag-aral ulit ay agad akong mag-e-enroll para tapusin ang kurso kong Culinary Arts na hindi ko natapos dahil sa evil stepmother ko at sa dalawa niyang anak.

Sana ay dumating na rin sa akin ang swerte at makaalis ako sa mga nararanasan kong paghihirap.

'Oh, Lord. Sana naman po ay may dumating na swerte sa akin,' taimtim kong dalangin sa aking isipan.

Puro kamalasan na lang ang nangyayari sa akin simula nang dumating sa buhay namin sina Teresita.

Pero may tiwala ako, darating din ang araw na ako naman. Darating din ang swerte sa akin at magiging masaya rin ako. Sa ngayon ay kailangan ko munang magtiis at kumayod.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay saka ko binitbit ang aking bag at lumabas na sa kwarto. Naabutan ko ang maliit naming sala na ganun pa rin ang ayos tulad ng naabutan ko kahapon. Makalat at magulo. Pati ang mga damit nina Ryzza ay kung saan nakakalat.

Bakit hindi man lang sila magkusa na maglinis ng bahay? Wala talaga silang pagkukusa. Hinayaan lang din nila na nakatambak ang mga labahan nila sa laundry basket at punong-puno na rin iyon ng mga labahan nila.

Parang dalawang buwan silang hindi naglaba ng damit nila. May na isusuot pa ba silang damit nito?

Paano na lang kung may bisitang pumasok dito sa bahay namin at nakita nila na ganito kakalat ang bahay namin? Sobrang malaking kahihiyan iyon. Ganoon na ba talaga kakapal ang pagmumukha nila at hindi na sila tinatablan ng kahihiyan? Parang hindi na yata tao ang nakatira rito, kung 'di mga daga na.

Inis kong pinagpupulot ang mga damit nilang nakakalat bago ko ito padabog na inilagay sa laundry basket.

Kay aga-aga ay umiinit na naman ang ulo ko. Bukod sa pagiging batugan at palamunin, burara pa sila, makalat at tamad.

Kung inatake lang ako ng topak, baka sinunog ko na itong mga damit nila para wala na talaga silang maisusuot.

I sighed in annoyance.

Pumasok ako sa kusina, pero tuluyan akong nawalan ng lakas nang makita ko ang lababo na puno ng mga hugasin. Wala man lang kahit isa kina Teresita na nagtapon ng kanin-baboy na nilalangaw na? May mata ba sila? Hindi ba nila nakikita ang mga dapat nilang linisin habang wala ako dito at nagtatrabaho?

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now