KABANATA 14

71.7K 2K 501
                                    

KABANATA 14:

Ysabel Martinez

      ✎ NATAGPUAN ko na lamang ang sarili kong nakasakay na sa private plane ni Palermo. Masyado akong natulala at nawala sa sarili dahil sa ginawang paghalik at pagpapak ng gwapong Mafia na 'yun sa leeg ko.

Buti na lang ay sa leeg lang kaya hindi pa nawawala ang first kiss ko, 'yon nga lang ay grabe siya makasipsip at makahaplos sa 'kin. Para siyang isang bampira na uhaw at takam na takam dahil grabe siya kung kumagat at sumipsip sa balat ko.

Dahil sa nangyari kanina sa loob ng limousine niya ay literal na napasunod niya ako.  Hindi na lamang ako nag-reklamo nang sumakay kami sa private plane niya.

Kaya heto, kasalukuyan na kaming papunta ngayon sa Siargao para manatili kami roon Hindi ko naman alam kung ilang araw kaming mananatili ni Palermo sa villa resort niya. Wala rin naman siyang sinasabi kung hanggang kailan kami ro'n.

Bumuga ako ng hangin bago ko mariin na tinignan ang sarili kong repleksyon sa salamin na nasa harapan ko. Nandito ako sa loob ng banyo nitong private plane para maligo habang isa-isa kong tinitignan 'yung mga pulang pantal na nasa leeg ko.

Sobrang rami nito! Para akong kinagat ng mga lamok dahil sa rami ng pulang mga pantal sa iba't-ibang bahagi nitong leeg ko. At alam kong galing ito sa pagkagat at pagsipsip ni Palermo kanina habang nakasakay kami sa sasakyan.

Hindi talaga siya tumigil hangga't hindi niya nalalagyan ng mga kiss mark ang aking balat. May bakas pa nga ng ngipin doon maski sa aking balikat at panga. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin sa balat ko 'yung malambot niyang labi pati ang mainit niyang haplos.

Hindi ako makapaniwala na hinayaan ko lang siya na gawin 'yon sa taksil kong katawan. Pero aaminin ko, nadala ako sa tukso at nagustuhan ko naman iyon. Aba, hahayaan ko ba siya sa kapangahasan niya kung hindi ko iyon nagustuhan?

Napabuntong-hininga na lang ako.

Nakakahiya tuloy kung haharap ako nito kay Palermo pati na rin sa ibang mga taong narito sa private plane niya. Paano kung makita nila ang mga kiss mark sa leeg ko? Wala pa naman akong dalang concealer para kahit papaano ay matakpan ko ito.

Huminga ulit ako ng malalim bago ako naghubad ng damit para makaligo na ako. Mabuti na lang ay nadala ni Ocampo 'yung ilan sa mga damit ko na hindi nasira o nagunting kaya may pamalit pa rin akong damit ngayon.

Si Ocampo kasi 'yung nag-impake ng mga gamit ko na maayos-ayos pa at pwede ko pang mapakinabangan dahil nga dinala na ako agad ni Palermo rito sa private plane niya para raw hindi ko siya matakasan kung sakali man na magbalak daw akong takasan siya.

As if naman na tatakasan siya ng asawa.

Hindi pa sinasabi sa 'kin ni Palermo kung ano ang ginawa nila ro'n kila Teresita at sa dalawa niyang anak. Curious din ako kung bakit may bahid ng dugo 'yung gloves na suot niya kanina nang lumabas siya sa bahay namin.

'Di bale, tatanungin ko rin siya pagtapos kong maligo rito. Mabuti na lang din ay kumpleto sa kagamitan ang banyo rito sa private plane ni Palermo. May sabon na, may shampoo pa at halatang mahal ang bili rito dahil iba ang mga brand nito.

Ngayon lang din ako nakakita ng shower dahil tabo at timba lang ang ginagamit kong pampaligo. Talaga nga namang mayaman si Palermo, halata naman dahil siya ang nagmamay-ari nitong private plane.

Kanina nga ay nakapila at inaabangan kami ng mga makakasama naming crew nitong private plane niya. Magalang pa siyang binati lalo na 'yung Captain at tinawag pa nila siyang Don Palermo.

Hindi talaga biro ang pagiging mayaman ng poging Mafia na 'yun! Kaya pala ang lakas ng loob niyang sabihin na kaya niya akong buhayin! Eh 'di siya na ang mayaman at hindi siya pinagdamutan pagdating sa pagkakaroon ng marangyang buhay.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now