KABANATA 35

57.9K 1.4K 237
                                    

KABANATA 35:

Ysabel Martinez

          SINURI ko agad ang sarili kong itsura gamit ang malaking salamin na nasa harapan ko. Mabilis lang rin na humagod ang tingin ko sa kabuuan ng aking katawan hanggang sa napangiti ako ng matamis. Bagay na bagay sa akin itong gown na mismong si Butler Giovanni ang bumili at pumili.

Isa itong tube red ball gown na may slit pa banda sa kaliwa kong hita. Nung una ko talaga itong nakita kagabi ay sobra akong namangha sa sobrang ganda nito. Simple lang ang gown na ito at hindi na rin kinailangan pa na lagyan ng mga palamuti na design para mangintab ito sa sobrang ganda.

Sapat na ang gown na ito sa akin. Hindi ko naman kasi akalain na engrande pala yung dadaluhan namin ni Palermo na gathering kaya kailangan nakasuot ako ng gown para naman hindi ako magmukhang kalait-lait sa itsura ko. Baka kapag nagpunta ako doon ay akalain pa nila na isa akong nawawalang namamalimos sa kalye.

"Wow! You look stunning and beautiful, Mrs. Lazarus!" namamanghang anas ni Butler Giovanni nang makita niya ang ayos ko.

Napangiti naman ako sa kanya at nagpasalamat. Kakatapos lang rin akong ayusan nung mga make-up artist na kinuha ni Palermo. Light lang ang nilagay nilang make-up sa akin pero litaw pa rin ang kagandahan ko.

Nakalugay lang din ang mahaba kong buhok na kinulot pa ng bahagya. Kuntento na ako sa ayos kong ito, hindi rin naman kailangan na magpabongga ako ng ayos at pananamit. At least mukha akong tao at hindi ako mapagkakamalan na naligaw lang sa gathering mamaya.

"For sure ay luluwa ang mata ni Don Palermo once na makita ka niya! Paniguradong mas mai-in love sayo yun at magagandahan siya sayo lalo!" kinikilig na turan ni Butler Giovanni at halata ko kanyang boses na excited na siya na makita ako ni Palermo.

Kahit ako rin naman ay nae-excite na makita kung ano ang magiging reaksyon ni Palermo kapag nakita niya ako. Magugustuhan kaya niya itong ayos ko? Magagandahan kaya siya sa akin? Hindi ko alam pero nae-excite na ako.

"You also look good in your suit. Bagay na bagay sayo," nakangiti ko namang puri sa kanya bago ko siya hinarap.

"Ay wow! Salamat sa compliment!" aniya na matamis pang nakangiti kaya mahina ko lang siyang tinawanan.

He was wearing a tuxedo but his neck tie was pink. Nakaayos lang rin ang kanyang buhok at gwapo siya sa kanyang itsura. Sa unang tingin ay hindi talaga mapapansin na isa siyang bakla. Sabagay ay medyo may pagka-macho itong si Butler Giovanni at magandang lalaki pa kaya nakakasiguro ako na maraming babae ang maloloko at mahuhumaling sa kanyang itsura mamaya pagdating namin sa gathering. Tapos wala rin siyang nilagay na make-up kaya nakakatiyak ako na marami ang mababaliw sa kagwapuhan niya.

Narinig naman namin na may kumakatok bago bumukas ang pintuan. Niluwa nun si Palermo na sobrang gwapo sa suot niyang dark turtleneck with formal suit. Pakshit na malagkit! Bakit naman ganito siya kagwapo at ka-hot?

Nakakainis lang dahil hindi niya kailangang magsuot ng mamahaling tuxedo para magmukhang gwapo. Simpleng damit lang ang suotin niya ay gwapo na siya! Paniguradong takaw-atensyon siya mamaya sa gathering dahil sa angkin niyang kagwapuhan.

"Wow," bulalas ni Palermo habang nakatingin siya sa akin. He even looked at me from head to toe. I can also see the amusement in his two eyes. Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti sa kanya.

"The fuck? Why are you so fucking stunning and insanely gorgeous, il mio amore?" puno ng pagkamangha niyang tanong sa akin bago siya lumapit sa gawi ko. Taas-noo ko naman siyang nginitian para mas ipakita ko sa kanya ang itsura ko. Nakaka-proud dahil manghang-mangha siya sa akin.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now