3

77.2K 1.9K 309
                                    

YSABEL MARTINEZ

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kaming dalawa ni Chester sa Vet Clinic niyang bukas na. Pinarada lang muna niya ang kanyang kotse bago kaming dalawa na bumaba at nagtungo sa loob.

"Good morning po, sir!" masiglang bati ng babaeng assistant ni Chester na si Maria.

"Good morning din sa iyo," bati rin ni Chester sa kanya.

Crush na crush ni Maria ang amo namin at hindi iyon lingid sa amin. Lahat kami dito ay alam naming may gusto ang assistant ni Chester sa kanya, pero dinedema lang nitong amo namin ang beauty niya.

Malawak pa ang kanyang pagkakangiti, halatang good mood siya. Ngiti lang ang isinukli ko nang nginitian din ako ni Maria. Nakakolorete pa siya, obvious na nagpapaganda talaga siya para mapansin siya ni Boss.

Sabagay, gwapo talaga si Chester. Kahit sinong babae ay nagpapa-cute sa kanya, maliban nga lang sa akin. Siya at ang mga kapatid niya ay masasabi kong may itsura. Sigurado ako na maganda ang bunso nilang kapatid kahit hindi ko pa ito nakikita. Kaya nga sila sikat na sikat dito at maraming mga babae ang nagkakandarapa sa kanila.

Ang kapatid niyang isa na si Amir ay isang chef at meron na itong napatayong restaurant. Ang isa na si Miles ay may naipatayo na rin na sariling business, habang ang panganay nilang kapatid na si Eros ay isang gobernador dito sa Batangas.

Medyo misteryoso nga lang ang panganay nilang kapatid dahil wala kaming masyadong alam tungkol kay Governor Eros. He is secretive, kaya wala kaming alam about sa love life niya.

Tahimik at bihira lang ngumiti, pero mabait naman siya at approachable. Talagang maaasahan siya dahil tuwing may lalapit sa kanya para humingi ng tulong ay agad siyang nariyan para tumulong.

"Na ihanda mo na ba ang mga naka-schedule na pupunta mamaya rito sa Vet Clinic para magpa-check up?" tanong ni Chester sa kanyang assistant.

Imbis na pakinggan ang pag-uusap nila ay ginawa ko na ang dapat kong gawin. Isa akong taga-linis sa Vet Clinic na ito, at isa rin akong pet feeder. Taga-pakain ako ng mga aso't pusa, o kahit na anong klaseng hayop na naiiwan sa Vet Clinic ni Chester para maobserbahan niya ang kanyang mga pasyente.

All around ang trabaho ko at hindi naman ako nag-iinarte dahil kahit papaano ay malaki ang sinasahod ko.

Isa ako sa mga gumagawa ng mahirap na task sa Vet Clinic. Wala naman akong ibang choice, kailangan kong magtrabaho para mapunan ang mga pangangailangan ko kahit na ilang beses na akong nakagat ng mga pasyente ni Chester.

Malaki ang takot ko sa mga aso lalo na ang mga malalaking aso. Mas okay pa sana kung maliit at cute na aso tulad ng mga Shih Tzu, pero ang mga asong katulad ng Rottweiler? Tatakbo na lang talaga ako sa sobrang takot. Hindi lang mga aso o pusa ang ginagamot ni Chester sa Vet Clinic niya, pati na rin mga ahas at bayawak na higit kong kinatatakutan.

Buti na lang ay hindi pa ako nahihimatay sa takot. Ako rin minsan ang inuutusan niya na humawak sa mga hayop na tuturukan niya kaya ayun, nakakagat nila ako o kinakalmot sa kamay kahit pa na may suot pa akong handling gloves.

Nakailang turok na rin ako ng anti-rabies, kaya sa kabutihang palad ay hindi pa ako naulol. Masaya ako na habang tumatagal ay nakasanayan ko na rin ang trabaho ko sa Vet Clinic. Mababait din naman ang mga kasama ko sa trabaho.

Habang tinutulungan ko si Maria na ihanda ang mga kailangan ni Chester ay napansin ko sa labas na lumiliwanag na at unti-unti na rin sumisikat ang araw.

"Good morning, madlang people!" biglang bati ni Brian na kapapasok lang sa Vet Clinic.

"Good morning din, animal trainer!" bati naman pabalik ni Maria kaya natawa kami. Animal trainer ang tawag niya kay Brian dahil trainer naman talaga siya ng iba't ibang klase ng pet.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now