KABANATA 29

64.8K 1.7K 411
                                    

WARNING: SPG! Read at your own risk!

KABANATA 29:

Ysabel Martinez

      ✎ SAGLIT ko lang na pinasadahan ng tingin si Palermo na ngayon ay prenteng nakahiga sa kama ko. I was also lying next to him and I was a little bit nervous. Oh shit! Why can't I sleep?! Well, sino ba naman kasi ang hindi kakabahan kung isang Mafia boss ang katabi mong matutulog sa iisang kama?

At saka first time ko rin na may makatabi akong lalaki sa pagtulog! My ghad! Ang gwapo at ang bango pa! Baka mamaya mahalay ko ito ng wala sa oras! Ang lakas pa ng loob ko na sabihan siya na baka tsansingan niya ako habang natutulog ako, tapos biglang ako pala itong hindi namamalayang tsumasansing na sa seksi niyang katawan.

Mukhang kailangan ko yata ng mahaba-habang pagdarasal para hindi ko siya mahalay! Ang hot pa naman niyang nilalang!

And I can't believe I'm going to sleep with the hottest guy I've ever met in the same bed! Sa iisang kama talaga as in! Halos hindi nga rin ako makagalaw rito at iniiwasan ko rin na huwag siyang madikitan. Kulang na lang pati paghinga ko ay pigilan ko na rin.

"Why are you nervous?" biglang salita ni Palermo sabay tawa ng mahina, "Wala naman akong gagawing masama sayo," aniya at kahit na lampshade lang ang nakasinding ilaw namin dito sa kwarto ay nagawa ko pa ring makita sa gilid ng mata ko ang paggalaw ng kanyang ulo para tignan ako.

Tumikhim muna ako saglit, "H-Hindi lang ako s-sanay na may katabi akong lalaki na matutulog sa iisang kama. Ito rin kasi ang kaunaunahang beses na matutulog ako na may katabi at lalaki pa," utal ngunit walang kahiya-hiya kong pag-amin sa kanya.

"Hindi ka ba komportable na katabi ako? Kung gusto mo sa sofa na lang ako matutulog," wika niya dahilan para taasan ko siya ng kilay at tumingin sa kanya.

"Sa tingin mo ba magkakasya kang matulog sa sofa? Eh ang tangkad-tangkad mo? Can't you see na mukha kang kapre?" turan ko na ikinangiti naman niya.

"Nag-aalala ba sa akin ang soon to be misis ko?" tila nang-aasar niyang tanong kaya inirapan ko siya pero hindi ko pinahalatang may kakaiba akong naramdaman dito sa puso ko nung sabihin niyang soon to be misis niya ako.

"Ayoko lang na sisihin mo ako kung bakit nanakit 'yang katawan mo kapag sa sofa ka natulog," pagdadahilan ko na lalo lang niyang ikinagisi.

"Okay sige, sabi mo eh." tanging nasambit niya kaya muli kaming binalot ng katahimikan.

Parehas lang din kaming nakatitig sa kisame at animo'y nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Out of the blue ay bigla ko na lang naalala 'yung sinabi ni Criselda kanina no'ng sumugod siya rito sa villa resort para komprontahin ako.

Ako ang sinisisi niya kung bakit pinutol na ni Palermo ang pakikipag-transaction niya sa Daddy niya at ako raw ang nag-utos samantalang wala naman akong ideya tungkol doon pero makapagbintang naman si Criselda sa akin ay wagas.

"Curious lang ako, bakit mo pala pinutol 'yung pakikipag-transaction mo sa Daddy ni Criselda?" lakas-loob kong tanong dahil hindi na ako makatiis.

"Dahil ayokong magkaroon tayo ng problema. At saka ininsulto ka ni Criselda sa harapan ko so I gave her a lesson." wika niya na nagpakunot sa noo ko.

"Ha? Hindi kita ma-gets. Ano'ng ibig mong sabihin na ayaw mong magkaroon tayo ng problema?" naguguluhan kong sabi. Hindi ko naman kasi talaga na-gets ang ibig niyang sabihin.

"Dahil ayokong isipin mo na babae ko si Criselda. Ayokong magkaroon tayo ng problema at hindi tayo magkaintindihan. Ayoko rin na iniinsulto ka at tinatapakan ang pagkatao mo. Isa yun sa dahilan kung bakit pinutol ko na ang pakikipag-transaction ko kay Mr. Hui. At saka, sa tingin mo ba lahat ng mga Mafia boss na may dark organization ay masasama?" mahaba niyang sabi at this time ay naguluhan naman ako sa huli niyang sinabi.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora