KABANATA 47

63.5K 1.5K 322
                                    

KABANATA 47:

Ysabel Martinez

          NAGISING ako kinabukasan na nakayapos sa aking balingkinitang beywang ang malaki at maskuladong braso ni Palermo. Inaantok pa ako pero mas pinili ko pa ring idilat ang aking mga mata at bumungad naman sa akin ang sobrang makalat na kwarto.

Nang iikot ko ang tingin ko sa buong paligid ay parang may dumaan yatang bagyo dito sa kwarto naming dalawa ni Palermo dahil sa mga unan na nagkalat sa sahig.

Magulo rin yung bedsheet ng kama at tanging iisang kumot lang din ang nagtatakip sa hubad naming katawan ni Palermo. Hindi lang rin mga unan ang mga nakakalat sa sahig, pati na rin yung mga damit namin ni Palermo.

Napasapo pa ako sa ulo ko nang makita ko yung lingerie ko na shoot na nakapatong sa flower vase. Nang tignan ko ang nakasaradong bintana ay kapansin-pansin na maliwanag na rin sa labas at mataas na rin ang tirik ng araw.

Chineck ko naman ang orasan, pasado alas-diyes na nang umaga. Magtatanghali na pala. Anong oras na kasi kaming nakatulog ni Palermo. Malalim pa akong napabuntong-hininga nang mapansin ko yung side table na medyo nagulo din.

Pati yung mga nakasabit na picture frame sa dingding ay hindi na pantay ang pagkakasabit, yung iba ay malapit ng malaglag. My ghad, hindi ko akalain na magiging ganito ang kwarto namin.

Sunod ko namang tinignan si Palermo. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko habang yakap-yakap ang aking beywang. Syempre, hindi ko naman makakalimutan yung mga mainit na digmaan na nangyari kagabi sa pagitan naming dalawa ni Palermo.

Hinding-hindi ko makakalimutan yun dahil iyon ang pinaka-the best na hindi ko pwedeng kalimutan. Binigay ko sa lalaking mahal ko ang buo kong sarili. Pinaramdaman rin sa akin ni Palermo na babae ako at buo ako nung angkinin niya ako kagabi.

Malinis ako at wala naman akong kahit na anong bahid na pagsisisi. Wala akong pinagsisisihan na isinuko at binigay ko kay Palermo ang sarili kong Bataan. Bagkus ay masaya pa ako, masaya ako na siya ang nakakuha sa pagka-birhen ko. Napangiti tuloy ako ng matamis, sobrang saya ko rin dahil mahal rin namin ang isa't-isa ni Palermo.

Biruin mo nga naman ang tadhana, masyado siyang mapaglaro. Maski ako ay hindi lubos makapaniwala na mahuhulog ang puso ko sa isang gwapong Mafia boss. Hindi ko talaga ine-expect na ang gwapo at makisig na nilalang na niligtas ko lang noon sa gitna ng kalsada ay siya palang mamahalin ko ng lubos. Para akong nananaginip ng gising pero hindi, totoo lahat ng ito.

"Why are you so beautiful?" isang baritonong boses ang aking narinig na biglang nagsalita. Pagtingin ko kay Palermo ay doon ko lang napagtantong gising na pala siya at malamlam ang kanyang mata na nakatitig sa akin.

He sweetly smiled causing my heart to beat faster and faster, "You're insanely gorgeous, il mio amore. Mas maganda ka pa sa maganda. Gusto kong gumising sa umaga na ikaw agad ang mabubungaran ko," salita pa niya dahilan para mapangiti din ako ng matamis at sobrang lapad.

Jusko po, nagwawala na naman ang tibok ng puso ko. Dumadagundong ito sa sobrang bilis at siya lang ang bukod tanging nakakapagpabilis nito. May paru-paro rin akong nararamdaman sa puson ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at saglit niya akong kinantilan ng masuyong halik sa aking labi. Ramdam ko sa halik niya na puno ito ng pagmamahal.

"Good morning, my beautiful wife." bati niya sa akin na ikinatawa ko ng bahagya.

"Good morning din, mister kong Mafia." sagot ko na ikinatawa lang din niya, "At happy birthday ulit sayo." dagdag ko pa.

"Thank you for last night, Ysabel. That was the best gift I received from you. And I will never forget what happened between us last night. Thank you for making love with me, il mio amore." mahaba niyang pasasalamat sa akin na ikinangiti ko lang ng malawak.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon