KABANATA 36

59.1K 1.5K 572
                                    

KABANATA 36:

Ysabel Martinez

          SUNOD-SUNOD akong napalunok dahil sa kaba. Nasa harapan ko na ang magulang ni Palermo! At nagtatanong na ang Mommy niya kung ako ba si Ysabel kaya dumoble ang kaba ko. Napahawak tuloy ako sa kamay ni Palermo para mabawasan ang kaba ko. And I think, nahahalata ni Palermo na kinakabahan ako. Kulang na lang ay mahimatay na ako sa kaba.

"Yes, Mom. She's Ysabel, my beautiful wife." sambit ni Palermo sa Mommy niya bago niya ipulupot ang malaki niyang braso sa balingkinitan kong beywang.

Mariin namang tumingin sa akin yung magulang ni Palermo at kahit na kinakabahan ako ng bonggang-bongga ngayon ay nagawa ko pa rin silang nginitian. Nakakatakot ang presensya nila. Sa itsura nila ay parang sila yung tipo ng magulang na sobrang istrikto sa kanilang anak.

Jusko! Sana naman ay hindi ako magaya sa mga napapanood ko sa mga teleserye. Sana matanggap nila ako para sa poging anak nila!

"Oh, so it's you." wika nung Mommy ni Palermo na ngayon ay tumingin sa aking mga mata.

"I'm glad I finally met you, young lady. Ikaw pala ang maswerteng nakasungkit sa puso ng nag-iisa naming anak," salita pa nung Mommy ni Palermo sa akin na hindi man lang ngumingiti sa akin. Kumabog pa ng sobrang lakas ang puso ko nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa ko. Sinusuri rin niya ang katawan at mukha ko. Hate na ba niya ako?

"What do you think, Tita Maribel? She's just beautiful, isn't she? But she's nothing compared to me. Baka nga kayamanan lang ng anak ninyo ang habol ng babaeng yan eh," biglang pagsabat nitong si Criselda sa pinag-uusapan namin.

"Watch your words," tila may pagbabanta naman sa boses ni Palermo nang madiin niyang sabihin yun.

Namumuro na sa akin ang babaeng 'to eh! Kanina pa siya! Kaonting kalabit na lang niya ay tiyak na sasabog na naman ako. Baka hindi na naman ako makapagpigil nito, narito pa naman kami sa importante nilang gathering at ayokong magkaroon ng eskandalo. Ayokong dalhin sa kahihiyan si Palermo at mas lalong ayoko naman na mapahiya siya nang dahil sa akin.

Baka mamaya dumilim na naman ang mga mata ko at baka tutukan ko na naman siya ng baril kapag hindi pa siya tumahimik. Sumasabat, hindi naman kinakausap! Wala talagang galang ang babaeng ito. Hindi ko masikmura ang ugali na meron siya.

"Why? Totoo naman ah? She's just nothing compared to me. Is it my fault if I'm just spitting the facts?" maarteng sambit ni Criselda kaya bumuntong-hininga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"But she's more beautiful compared to anyone," turan ng Daddy ni Palermo at tipid niya kaming nginitian. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang mabait naman itong Daddy ni Palermo at nginitian pa niya kami kahit papaano.

"I'm happy for my son. Nakasungkit siya ng isang magandang dalaga," dagdag pa niyang sabi kaya parehas kaming napangiti ni Palermo.

"Thanks, Dad. And yes, she's beautiful compared to anyone. She is the apple of my eye. She is the gorgeous and hottest girl I have ever met and seen in my entire life." nakangiting turan ni Palermo at harap-harapan pa niya akong hinalikan sa aking noo.

"Kaya nga nakuha nitong si Ysabel ang atensyon ng mga bisita natin lalo na ang mga kalalakihan." nakangiting sagot nung Daddy ni Palermo at nang tumingin kami sa paligid namin ay nasa akin nga nakatuon ang tingin ng mga tao lalong-lalo na ang mga boys.

"But she's poor, Tito Avenido. Ginagamit lang niya si Don Palermo para umangat siya sa buhay niya. Hindi ba't ayaw niyo sa mga kagaya niya na mahirap? Baka nga spy ang babaeng yan sa ibang pamilya para manmanan kayo," nakakunot-noong pagbibintang ni Criselda dahilan para mapayukom ang kamao ko sa sobrang inis. Pero hindi dapat ako basta manahimik lang dito at hayaan siya na pagbintangan ako.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now