KABANATA 43

54.4K 1.3K 312
                                    

KABANATA 43:

Ysabel Martinez

          SUMAPIT ang gabi na tanging mga kandila lang ang nagbibigay na liwanag sa amin dito sa buong kabahayan dahil wala pa kaming kuryente. Bukas pa daw kasi ng umaga ang dating nung magkakabit nung kuryente dito sa bahay namin kaya magtitiis muna kami ngayong gabi.

Mabuti na nga lang ay hindi masyadong maalinsangan ang panahon dahil gabi na. Kahit papaano ay malamig-lamig dito sa bahay dahil na rin sa hinayaan lang namin na nakabukas ang mga bintana para malayang makapasok ang malamig na hangin.

May katol naman kaming sinindi para iwas sa pagkagat ng lamok. Kakatapos lang rin naming kumain ng hapunan kaya hindi hassle nung sabay-sabay kaming kumain kanina.

Bitbit ko ang tasa na may kandila sa loob nang bumaba ako sa hagdanan. Kakatapos ko lang maligo para mapreskuhan ako at para naman maging masarap ang tulog ko ngayong gabi. Nacheck ko na rin yung mga kwarto kanina sa itaas, maganda naman at kompleto na rin sa mga kagamitan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang may second floor na kami at sa amin na ang bahay na ito na dati lang ay inuupuhan lang namin. Hindi ko tuloy alam kung paano ba ako makakabawi nito kay Palermo sa lahat ng mga naitulong niya sa akin at kay papa.

Feeling ko kasi ay hindi sapat yung pasasalamat lang. Sobrang dami na niyang nagawa at naitulong. Gusto kong makabawi sa kanya ngunit hindi ko naman alam kung ano o papaano ako makakabawi sa kanya. Nahihiya rin akong magtanong kung anong gusto niya.

De bale, ipagluluto ko na lang siya bukas ng agahan namin. May pera naman ako dito dahil hindi naman niya ako nakalimutan na bigyan ng pera bilang sahod ko nung nasa villa resort kami. Mag-iisip na lang siguro ako kung anong regalo ang pwede kong bilihin at ibigay sa kanya na mapapakibangan niya.

Syempre, dapat espesyal.

Pagkarating ko sa sala ay naabutan ko si Butler Giovanni na hayahay lang ang buhay. Prente lang siyang nakahiga sa sofa, ni hindi man lang siya nagpatinag kahit na kandila lang ang nagsisilbi naming ilaw dito habang marahan siyang naglalagay ng puting peel mask sa kanyang mukha.

Sabagay, puro pangpapaganda pala ang inaatupag ng baklang 'to kaya wala ng bago. Tiyak na Made in Korea yung mga ginagamit niyang mga beauty products. Pero bakit siya lang yung nandito sa sala? Nasaan sila Palermo?

"Nasaan pala sila papa?" tanong ko.

"Ay putanginang hindot ka!" gulat niyang bulalas. Mahina naman akong natawa sa naging reaksyon niya, literal talaga siyang nagulat nung magsalita ako. Hindi ko alam na magugulatin pala ang baklang ito.

"Jusko naman, Ysabel! Kung may sakit lang ako sa puso, aba baka natigok na ako sa matinding gulat!" aniya at mabilis na tumayo para hampasin ang braso ko.

Umaray naman ako dahil medyo napalakas yung paghampas niya sa braso ko. Mabuti na lang talaga ay sanay na ako sa kanya. Sa tuwing kinikilig nga siya ay may kasama pang pahampas-hampas sa akin.

"Nagtatanong lang naman. Nasaan ba sila papa? Bakit ikaw lang yung tao dito sa sala?" taka kong tanong sa kanya.

Huminga pa muna siya ng malalim bago siya bumalik sa pagkakahiga sa sofa at maarteng inayos ang peel mask sa mukha niya.

"Nasa likod yata ng bahay niyo. Narinig ko kanina na niyaya ng papa mo sila Don Palermo at si Ocampo na uminom ng alak," sagot niya.

Niyaya ni papa sila Palermo na uminom ng alak? Nagkibit-balikat na lang ako. Well, hindi naman ako tutol dun. At saka minsan lang naman uminom ng alak si papa. Bonding na rin niya siguro yun kina Palermo.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα