KABANATA 21

71.1K 1.7K 306
                                    

KABANATA 21:

Ysabel Martinez

      ✎ SUMUNOD lang ako kay Palermo nang makalabas na kaming dalawa sa office library niya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero napansin kong palabas kami sa malaking bahay na ito.

Hindi rin mawala-wala ang matamis niyang pagkakangiti at panakaw-nakaw pa siya ng tingin sa akin.

Kung hindi ko lang talaga siya kilala at hindi siya gwapo ay tiyak na iisipin kong baliw na siya dahil sa panay ang pag-ngiti niya sa akin. Hindi rin nakaligtas sa akin ang labis na pagtataka ng mga bodyguards niya nang makita nila si Palermo.

Bakit? Ngayon lang ba nila nakitang ngumiti ang kanilang amo? Kahit si Ocampo na naghihintay sa amin sa labas malapit sa pool area ay bakas ang pagtataka sa mukha niya habang nakatingin dito kay Palermo.

"Nakahanda na ba lahat?" nakangiting tanong ni Palermo kay Ocampo nang tuluyan kaming nakalapit sa gawi niya.

"Yes po, Don Palermo. Nakahanda na ang dinner date niyong dalawa ni Miss Ysabel," magalang na sagot ni Ocampo sa kanya.

"Good to hear that." nakangiting turan ni Palermo bago niya ako tignan.

"Let's go," aya niya at muli akong hinatak.

Napa-shrugged lang ako ng balikat kay Ocampo dahil nakita ko sa mukha niya na tila nagtatanong sa akin kahit na hindi siya nagsasalita.

Hindi na rin namin kailangang lumabas ng gate dahil may hagdanan naman dito pababa patungo roon sa white sand at karagatan.

Halatang pribado talaga ang villa resort ni Palermo dahil kami lang ang mga tao rito. Kanina pa lumubog ang araw pero dahil may mga nakakabit na ilaw rito sa iba't-ibang bahagi ng villa resort ni Palermo ay nagkaroon pa rin ng liwanag ang buong paligid namin kahit gabi na.

Mula sa di-kalayuan ay natatanaw ko na ang dalawang upuan at isang lamesa na punong-puno ng mga pagkain. Napaka-romantic pa nitong tignan. Meron pang mga decorations na nakapalibot sa paligid ng lamesa tulad na lamang ng mga kandila.

Magkahugpong ang kamay namin ni Palermo nang lumapit kami roon habang may mga red rose petals pa na nakakalat sa nilalakaran naming dalawa.

Kung may ibang tao ang nakakakita sa amin ay tiyak na iisipin nilang mag-boyfriend girlfriend kaming dalawa. Pero ang totoo, wala naman kaming kahit na anong relasyon ni Palermo.

"Dinner date at the beach?" tanong ko.

Nginitian niya ako ng matamis, "Yeah, dinner date at the beach para mas romantic tignan." sagot niya.

"Gusto ko talaga na hinding-hindi mo makakalimutan ang kauna-unahang dinner date mo," aniya kaya tinawanan ko lang siya.

"But wait, nakipagdate ka na ba sa ibang lalaki?" he suddenly asked.

Nakita ko naman kung paano ngumunot ang noo niya habang nakataas ang isa niyang kilay sa akin. Bigla na lang din  may pumasok na kapilyuhan sa utak ko. Mabiro ko nga siya.

Nginisian ko siya, "Yup. Ilang beses na akong nakipag-date sa ibang lalaki," pagsisinungaling ko pero ang totoo ay ito palang ang unang beses na nakipag-date ako sa isang lalaki.

Sa kanya pa lang talaga ako makikipag-dinner date ng ganito at to be honest? Siya pa lang ang lalaking hindi ko tinanggihan sa alok na makipag-date sa akin. Wala kasi akong time noon para sa mga ganyang bagay.

Actually, ilang beses na may nagyaya sa aking makipag-date pero tinatanggihan ko lang. Mas naka-focus kasi ako sa trabaho ko at talagang wala akong oras para sa date na 'yan.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon