KABANATA 42

55.1K 1.4K 355
                                    

KABANATA 42:

Ysabel Martinez

          AT dahil mainit sa loob ng bahay namin dahil sa wala kaming kuryente ay naisipan na lang namin na kumain ng tanghalian sa likod ng bahay kung saan dati itong bakuran na ginawang pasugalan nila Teresita. May kaliitan lang ang bakuran namin dito, may iilang mga halaman at bulaklak na talagang inalagaan ko at ngayon ay malinis na rin ang mga ito.

Siguro ay pati itong bakuran ay inayos rin dahil malinis na rin dito at wala na yung mga lamesa na ginagamit nila Teresita para makapag-tong its sila. Napag-alamanan ko kasi na si Palermo pala mismo ang bumili ng bahay namin kasama na ang lupa para kay papa.

Si Palermo rin ang nakaisip na ipa-renovate ang bahay at lagyan ng second floor. Hindi talaga ako makapaniwala na siya ang bibili nitong bahay pero masaya ako dahil kahit papaano ay hindi na mahihirapan si papa na maghanap ng pera para may maipang-bayad sa renta ng bahay.

Iisipin na lang niya ngayon ay makapaghanap ng trabaho dito sa Batangas para meron daw siyang panggastos sa bahay at pangbayad sa kuryente at tubig. Buti na lang talaga ay naalala ko yung VetClinic ni Chester.

Sa tingin ko ay mas mabuting doon na lang mamasukan si papa. Sabagay ay kulang pa sa trabahador si Chester sa VetClinic niya. Hindi rin naman masyadong mabigat ang trabaho doon. De bale, kakausapin ko si Chester para sabihin sa kanya na balak kong ipasok si papa sa VetClinic niya. For sure ay tatanggapin niya si papa dahil masipag naman ang aking ama. Kahit anong trabaho ay hindi siya nagre-reklamo.

"Ay pak! Ang sarap niyo naman pala magluto, 'tay!" nakangiting puri ni Butler Giovanni nang tikman niya ang lutong adobong manok ni papa na may halo pang kaonting anghang.

"Aba'y salamat naman at nagustuhan mo ang luto ko eh!" nakangiting sagot ni papa sa kanya bago siya tumingin sa direksyon ni Palermo na ngayon ay tahimik lang na kumakain.

Pansin ko naman sa gwapong mukha nitong asawa ko na nasarapan rin siya sa luto ni papa. Ganitong-ganito rin ang itsura niya kapag kinakain niya ang mga niluluto kong pagkain para sa kanya.

"Nagustuhan mo ba iho ang luto ko?" rinig kong tanong ni papa kay Palermo.

Medyo nagulat pa si Palermo nang kausapin siya bigla ni papa. Hindi niya siguro inaasahan na tatanungin siya ng papa ko. Nginuya niya muna ang pagkain na nasa bunganga niya bago ito nilunok. Inabutan ko naman siya ng tubig na pinag-pasalamat lang niya at ininom ito. Maya-maya lang ay nginitian din niya ang papa ko.

"Opo, sir. Ang sarap niyo po magluto. Ngayon alam ko na kung saan nagmana itong si Ysabel," sagot niya na ikinangiti ko naman ng matamis. Naramdaman ko pa ang paghawak niya sa kamay ko na nakapatong lang sa aking hita habang si papa ay natawa ng mahina.

"Aba'y oo naman. Nagmana itong anak ko sa akin 'no! Ala eh nung binata pa ako ay binalak ko din na mag-aral ng Culinary Arts, pangarap ko kasi na makapagtayo ng restaurant noon. Pero dahil sa kapos sa pera ay hindi man lang ako nakapagtapos sa kolehiyo kaya mula nang makilala ko ang ina ni Ysabel at naging asawa ko ay mas pinagtuonan ko na lang sila ng pansin. Yun nga lang, sadyang mapaglaro naman ang tadhana sa amin." ani papa.

Kahit pa na nakangiti si papa ay napansin ko pa rin na nagkaroon ng lungkot sa mga mata niya. Marahil ay naalala lang niya si mama at nanumbalik sa kanya ang masaya nilang alaala kung saan magkasama pa sila noon.

Sayang, hindi ko man lang nakasama ng matagal si mama. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makasama man lang ang sarili kong ina kahit na ilang taon lang sana. Hindi ko rin nasilayan ang kanyang mukha. Maaga kasi siyang nawala at lumisan sa mundong ito.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now