Epilogue

63.3K 1.6K 870
                                    

This Epilogue is dedicated to: joyfabor

Epilogue

Ysabel Martinez

          MARIIN akong napapikit ng mata nang marinig ko ang walang tigil at kapaguran na pagtatalo nila Zeev at Perseus. Naririndi na rin ako sa mga boses nila, jusko! They are here now in our house, nakatambay dahil wala daw silang magawa at kakatapos lang rin daw nila na tapusin ang mga trabaho nila sa kanilang hinahawakan na kompanya.

Ilan lang ang mga kaibigan ni Palermo ang narito sa bahay namin at heto namang si Zeev at Perseus, jusko po! Nagtatalo sa pasalubong ni papa na Jollibee! Para akong maagang tatanda nito nang dahil sa kanila!

First time lang ni Perseus na makatikim ng pagkain ng jollibee habang si Zeev naman ay pangalawang beses na daw niya itong makakain at gustong-gusto nila pareho yung lasa nung chicken joy.

Kaso nga lang, iisa na lang yung manok at iyon ang dahilan kung bakit nagtatalo itong dalawang mokong na 'to. Jusko po! Para silang mga bata kung magtalo!

Pasalubong sa akin ni papa yung Jollibee dahil kakagaling lang rin ni papa sa trabaho, pero itong dalawa yung lumantak sa nga pasalubong niya para sa akin. Dinalaw lang din ako ni papa dito sa bahay namin ni Palermo para kamustahin ang kalagayan ko at dahil na rin sa kabuwanan ko na.

Malapit-lapit na akong manganak.

Gusto rin kasi ni papa na nasa tabi niya ako kapag niluwal ko na ang first baby namin ni Palermo. Yup, siyam na buwan na akong nagdadalang-tao. At anytime ay pwede na akong mag-labor.

Isa rin yun sa dahilan kung bakit naririto itong makukulit na mga kaibigan ni Palermo sa pamamahay namin. May importante lang kasi na pinuntahan na meeting si Palermo.

Balak niya sanang i-cancel yun pero pinilit ko siya na umattend dahil importante din yun. Pero patapos na siya sa meeting niya at pauwi na rin siya dito sa bahay. Binilin lang rin niya ako kila Zeev na bantayan ako dahil baka bigla akong mapaanak dito sa bahay at wala pa akong kasama.

Mahirap rin pala ang pagbubuntis at sobrang laki na rin ng tiyan ko. Biruin mo nga naman, ang bilis ng araw. Parang kailan lang nung nag-aagaw buhay pa si Palermo dahil sa pagbaril sa kanya at ako pa mismo ang nakakita nun.

Parang kailan lang nung first encounter naming dalawa, pero ngayon? Kasal na kami, asawa ko na siya at dala-dala ko na ang magiging anak naming dalawa. Manganganak na ako kaya hindi ko mapigilang ma-excite na makita na ang baby namin ni Palermo.

"Hoy kayong dalawa, mahiya nga kayo dito sa papa ni Ysabel! Ang kakapal talaga ng mga pagmumukha niyo eh. Dito pa talaga niyo piniling magtalo!" suway ni Conan sa dalawa bago niya lantakan yung burger steaks.

Actually, lahat sila ay kinakain yung jollibee na pasalubong sa akin ni papa. Pero busog pa ako at kakatapos ko lang kumain kaya pinakain ko na lang kila Conan yung jollibee. At maliban kay Zeev, halos lahat sila ay first time nilang makakain ng jollibee! Kitang-kita ko pa nga kung paano matakam si Lucian sa chicken sandwich.

Nakakunot pa ang noo habang kumakain. Buti walang ginagawa ang Triplets na ito kaya sumama sila kina Zeev na magpunta dito sa bahay namin ni Palermo para i-double check ako. Natatakot kasi si Palermo na baka biglang pumutok ang panubigan ko habang wala siya. At alam ko na rin kung ano ang pinakatinatagong sekreto ng Hellion Triplets.

Hindi ako lubos makapaniwala na sa iisang babae lang sila nagkagusto. Iisang babae lang din ang napangasawa nila Lycus. Nag-eexist sa pamilya nila ang polyamory relationship. And I already met her at my wedding. Si Aeliana at maganda siya. Mabait pa, palangiti at jolly. I also like her attitude. Hindi siya plastik. Nung kasal nga lang namin ni Palermo ko nalaman na ang fiancé pala ng kapatid nila Chester na si Hannah ay pinsan pala ni Aeliana! Si Priamos at nakilala ko na rin siya. Bukod pa dun, malapit din siya na kaibigan nila Palermo. Grabe, ang liit talaga ng mundo.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon