KABANATA 34

56.7K 1.4K 160
                                    

KABANATA 34:

Ysabel Martinez

          NAKABALIK na rin kami sa wakas ni Palermo sa Maynila at ngayon ay papunta na kami sa Mansyon ni Samael. Naisipan kasi ni Palermo na doon na lang muna kaming dalawa na pansamantala na tumuloy para naman hindi na namin kailangan ni Palermo na mag-check in sa Hotel.

At saka mismong si Samael na rin ang nag-offer sa amin na doon muna kami tumuloy para naman daw may magbabantay sa akin na mga tauhan nila para makasiguro silang safe ako. Nalaman din niya kasi ang nangyari sa amin sa villa resort na may nagpadala sa akin ng mga patay na daga.

Kaya naman gusto niya na doon muna kami tumuloy sa Mansyon niya para sa gayun ay walang makakapanakit sa akin lalo na't hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung sino ang salarin na nagpadala ng box na iyon sa akin.

Tumulong na rin si Samael para mahanap ang nag-deliver nung box at baka daw ay may nagbabanta sa buhay ko kaya merong picture ko na may ekis sa aking mukha. Hindi naman ako sure kung si Criselda ba ang may pakana nun dahil siya lang ang naisip kong nakaaway ko sa villa resort ni Palermo.

Pero sana naman ay mahanap na kung sino man ang nag-deliver nung box na yun at para malaman na rin namin kung ano ang dahilan kung may nagpadala sa akin ng mga patay na daga. Nababala tuloy ako para sa sarili kong buhay. Paano nga kung may nagbabanta sa buhay ko? Paano kung may gustong manakit sa akin pero hindi namin alam kung sino?

Ewan, hindi ko alam. Pero pinapanalangin ko na sana walang masamang mangyari sa akin at pati na rin sa mga mahahalagang tao na nakapaligid sa akin lalo na itong si Palermo. Ayokong mapahamak siya. Ayokong malagay sa peligro ang buhay niya dahil lang sa akin.

"Nandito na tayo," rinig kong salita ni Samael na nakaupo sa tabi ng driver seat.

Si Palermo naman ay nakaupo lang sa tabi ko at hawak-hawak rin niya ang isa kong kamay. Napansin ko naman na pumasok sa malaking gate itong sinasakyan namin na nagsundo sa amin kanina sa airport.

Hindi ko naman napigilang mapa-wow sa isipan ko nang bumungad sa akin ang isang malaki at mala-palasyong bahay. Nakita ko rin na may mga lalaking armado ang nagbabantay sa buong lugar at sa tingin ko ay mga tauhan ito ni Samael. Mukhang ito na rin ang Mansyon niya.

Pagkahinto ng sasakyan ay agad kaming bumaba ni Palermo sa kotse. Medyo nakakaramdam ako ng takot at kilabot dahil puro armado talaga yung mga tauhan ni Samael dito sa Mansyon niya katulad ng mga tauhan ni Palermo.

Kahit saan ako tumingin ay merong mga nagbabantay. Meron pa ngang nasa veranda at sa itaas ng balkonahe na mukhang sila ang nagsisilbing look out kung sakaling may kaaway na biglaang dumating o sumugod.

Oo, marunong nga akong humawak ng baril subalit hindi ko pa rin maiwasang makadama ng takot. Nakakatakot dahil may mga baril sila na iba't-ibang klaseng kalibre, maliit man o malaki. Sabagay, galing pala sa isang Mafia family itong sila Palermo at Samael kaya meron silang mga tauhan na mga armado.

Kahit nga itong si Palermo ay merong nakasuksok na baril sa bandang likod ng tagiliran niya. Kung ibang babae lang siguro ang nasa posisyon ko, tiyak na tumakbo na siya palayo dahil sa matinding takot.

Pero dahil mahal ko na si Palermo ay tatanggapin ko siya kahit ano o sino pa man siya. Huwag lang sana niya akong bibiguin at sisirain ang ibinigay kong tiwala sa kanya dahil once na lokohin lang niya ako, hinding-hindi ko siya mapapatawad.

"Let's get inside, may naghihintay sa atin sa loob." ani Palermo na nagpakunot sa noo ko.

"Mag naghihintay sa atin sa loob? Sino naman?" tanong ko dahil sa labis na kuryosidad.

IDLE DESIRE 7: MARKED BY A MAFIA (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now