Epilogue

1.2K 58 4
                                    

Unknown Person's POV

Tahimik at masarap ang ihip ng malamig ng hangin dito sa Baguio. Wala masyadong usok at malamig.

Sa tingin ko need ko nang lambing, charot!

Dahan-dahan akong bumaba mula sa kwarto ko saka sumilip sa labas ng bintana at nakita ang Lola Mary at Lola Marites ko na namimitas ng mga presa mula sa likod ng bahay namin. Si Lolo Pancho naman ay naghahanda ng mga basket na paglalagyan nito dahil mukha marami-rami ang makukuha nila.

Umalis ako mula sa pagsilip at tumungo sa kusina kung saan ay may ulam at kanin na na nakahain dito para sa akin na kaagad ko namang kinain.

Matapos kong gawin iyon ay tumungo muna ako sa kwarto ko upang maligo at magbihis.

Maligamgam na tubig ang iniligo ko dahil hindi naman ako si Elsa na kakayanin ang lamig ng tubig dito.

Nagtoothbrush din ako saka sinuklayan ang hanggang bewang kong buhok. Ang ganda ko talaga!

Bumaba muli ako sa kwarto saka kinuha ang Ipad ko saka umupo sa sopa.

Akmang bubuksan ko na ang Ipad upang maglaro ng Mobile Legends ng biglang bumuka ang bunganga ng Godzilla kong Mama.

"Dominique!" Sigaw nito saka umikot-ikot sa apat na sulok ng bahay namin.

Nang hindi nito nakita si Dada ay napatingin siya sa akin na may nanlilisik na mga mata. Mama ko ba talaga 'to? Para kase niya akong kakainin anumang oras. -,-

"Nakita mo ba ang Dada mo?" Kunot-noong tanong nito.

"Ma, kung alam ko po, malamang kanina ko pa sinabi sa 'yo kung saan siya ngayon." Sagot ko saka ngumiti.

Nanliit ang mga mata nito saka napahilamos sa mukha.

"Napaka-pilosopa mo talaga, pasalamat ka't mahal kitang bata ka-" hindi na natapos ni Mama ang sasabihin nang sumulpot na mula sa likod niya si Dada.

"Malamang, kanino pa ba 'yan magmamana, aber?" Ani ni Dada saka yumakap kay Mama.

Hayst, napa-iling ako saka ibinaling muli ang atensyon sa Ipad.

Ako si Yandra. Isang songwriter ang Dada Dominique ko at singer naman ang Mama Kassandra ko. Maglalaro na sana ako ng biglang lumabas sa likod ng kaharap kong sopa ang nakababata kong kapatid na lalaki na si Nikki. May dalawa akong Lola sina Lola Mary at Lola Marites. May dalawa rin akong Lolo, sina Lolo Ethan at Lolo Pancho. May kambal akong Tita na sina Tita Adeline at Tita Edeline na nasa Paris para sa modeling nila. Marami rin akong mga Tito na ngayon ay nasa world tour concert nila, sina Tito Mccoy, Tito Axel, Tito Brian at Brial na jowabels ng kambal kong Tita at si Tito Clixto. May mga jowabels din sila.

"Huwag mo akong mayakap-yakap Dominique kung ayaw mong humimlay sa oras na ito." Bulyaw ni Mama.

"Bakit na naman ba?"

"Ano 'to, huh?" Napalingon ako sa gawi nila at nakita ang hawak ni Mama na kahon na may kwintas.

"Para sa'yo malamang!" Anang Dada.

Galit na galit pa rin si Mama habang nagpapaliwanag na si Dada. Hindi ko sila pinansin at pinabayaan ba lang, hindi naman sila maghihiwalay eh, halos araw-araw na kaya sila nag-aaway sa maliit na bagay at ang ending ay magkakabati ang ang sweet na naman pagkatapos.

Hinila ko Nikki at ipinatabi sa akin dahil alam kong gusto lang nitong manood sa laro ko.

At dahil mahal ko ito, hindi ko siya panonoorin. ^.^

"Sige, maghiwalay na lang tayo!" Napalingon ako sa sigaw ni Mama.

Hindi pa rin ako takot.

"Sige!" Sigaw rin ni Dada.

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now