Chapter 32: Preparation

606 33 2
                                    

Kassandra's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng isang di-kalakihang salamin na napapalibutan ng mga ilaw. Kakapasok lang namin sa isang room ng hotel na ito kung saan gaganapin ang debut ng anak ng gobernador. Ako lang mag-isa dahil lumabas muna sina Axel, ang kambal na Brian at Brial at si Clixto upang bumili ng mga pagkain. Mamayang alas sais pa ng gabi ang simula ng piging at ala una pa lang ngayon ng hapon.

Si Gobernador Franco Chua pala ang gobernador dito at ang anak niyang si Lalaine Chua ang magde-debut. Medyo magara rin ang pagtitipon dahil 60th anniversary rin daw ng Lola at Lolo ni Lalaine.

Hmm, amoy expensive.

Ibinaling ko na lang ang atensyon sa hawak na cellphone. Napansin ko naman ang mensahe mula kay Nathan na naging dahilan ng biglaan kong pagngiti.

NathanMyLobes

Nathan:
Hi!

Nagsimula na kayo?

Kassandra:
Wala pa eh, mamaya pang alas 6.

Nathan:
Hmm, kumain ka na?

Kassandra:
Kakain pa lang.

Nathan:
You should.

I got to go, tawag na ako ng manager ko eh.

Basta kumain ka ha.

You got this!

I love you. o_<

I smiled.

Kassandra:
Yeah, thank you.

Ingat!

-Seen-

Sa sandaling pagte-text namin ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Mas naging close tuloy kami maging sa chat kesa noon na halos 'di na siya nagte-text dahil sa mga schedules niya.

Sa ngayon ay abala siya sa mga photoshoot para sa iilang cover magazine na kinuha siya bilang model. Iba kase talaga ang hatak ng isang Nathan Vargas.

Hehex.

Napaangat ako nang tingin sa kisame at iniisip ang lagay ni Mccoy. 'Di ko pa kase siya nababatukan sa huling pagkikita namin noon sa paaralan. Sa totoo lang ay hindi pa rin ako makapaniwala kung paano niya nakausap si Nathan para samahan ako.

Ngingiti na sana ako at kikiligin nag biglang bumukas ang pinto. Eksaktong dumating na sina Axel dala ang mga pagkaing binili nila at tinawag ako upang kumain.

-

"Ayaw ko nga kase ng red, gusto ko ng violet." Sumimangot naman sina Adeline at Edeline sa sinabi ko. Napatitit lang ako sa kaharap kong salamin at tinitignan ang repleksyon nila mula rito habang nakatayo sila sa likuran ko.

"Gurl, hindi bagay." Ani ni Adeline habang nakakunot ang noo.

"Magmumukha kang baliw, 'no." Hirit naman ni Edeline.

Napahilamos ako ng mukha. Nandito ang kambal dahil sila ang napili ni Dominique na mag-make up sa akin. Magaling naman talaga sila sadyang ayaw ko lang ng mga bright color. Hayst.

"Sige na nga." Sagot ko kahit pa sobrang labag sa loob ko.

Muling naglakad si Adeline patungo sa likod ko at tinatapos ang pagcu-curl ng buhok ko habang si Edeline naman ang abala sa paglalagay ng kaunting blush-on and any other beuty products sa aking face.

"Anyways, good luck para mamaya huh." Nakangiting saad ni Adeline.

Sa totoo lang ang awkward ng sitwasyon ngayon kase parang bumait sila. Halata rin sa tono ng pananalita nila ang sinseridad.

"Kaya mo na 'yun." Ani rin ni Edeline.

"S-Salamat." Wika ko habang nagpipilit nang ngiti.

Ngumiti rin sila pabalik at muling itinuloy ang kanilang ginagawa. Bumaling naman ang tingin ko sa kaharap kong tumbler.

"Alam mo, bagay sayo 'yung light pink. Ito na lang kaya?" Tanong ni Edeline at itinaas pa ang hawak na pink lipstick.

Napatingin naman si Adeline rito saka ibinaling rin sa akin.

"Bagay, pink na lang." Hirit niya.

"Oks lang?" Tanong ni Edeline.

"O-Oo, okay lang no." Sagot ko.

Muli akong napatitig sa tumbler. 'Yun ang kulay purple na tumbler na ibinigay sa akin ni Dominique, kalahati na lang rin ang laman nun kaya napangiti ako sabay kuha at bukas nun para inumin. Nasa kasagsagan ako nang paglagok ng inumin, masarap ito. Sa totoo lang, napangiti talaga ako kagabi. At dahil lang 'yun sa tumbler, kulay lila kase, ang fave kong kulay. Pero duh, ba't pa ba siya nag-abala.

Pero infairness hindi mo malalasahan ang anghang ng luya, matamis na presko ito sa lalamunan-

"Sa tingin ko talaga may gusto sa 'yo si Dominique." Bulalas ni Edeline na naging dahilan ng biglaang pag-ubo ko. Mabilis ko namang isinara ang takip ng tumbler at nagsalita.

"A-Alam mo, napaka-imposible nang sinasabi mo uy."

Nagsitawanan lang ang dalawa sa sinabi ko. Umayos muli ako ng upo at napatitig sa sariling repleksyon sa salamin. Sa mga mabubuting ginagawa ni Dominique.

May ginawa ba talaga siyang mabuti?

Napaisipi muli ako sa sinabi nila.

Tsk.

Imposible talaga 'yun.

-

"Ang ganda!" Tili ko habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng malaking salamin. Kita ang buong katawan ko rito habang suot ang damit na binili ni Dominique mula sa shop na pinuntahan namin sa araw ng kaarawan ni Nanay kahapon.

Sulit talaga ang kaba at pagka-inis ko sa araw na iyon dahil sa damit ko ngayon.

Nakasuot ako ng isang trumpet gown na kulay light purple. Kurbang-kurba ito sa katawan ko, off-shoulder din ito, kumbaga ay na-eexpose ang mga peklat ko sa katawan. Ayaw ko sana kaso dim lights daw ang gagamitin mamaya kaya 'di raw mapapansin ang mga peklat ko kaya ayun, pumayag si ako. Nakadesinyo ito ng mga bulaklak at iilang crystal. Back-less ito kung kaya't ang mga nakaburdang bulaklak gamit ang mga mini crystal ata ito at fabric ang siyang sumusuporta rito.

"You are so pretty."

"Gorgeous."

"Elegant."

"Hanep.

"Lodicakes."

"Werpa."

Wika nina Adeline, Edeline, Axel, Brian, Brial, at Clixto habang nakatitig sa akin.

"Kayo naman, parang mga tanga." Nahihiya kong wika.

Nakasuot din sina Axel, Clixto, Brian at Brial ng light purple suit na bagay na bagay talaga sa kanila. Ang guwapo rin nilang tignan ngayon. Mukha silang dadalo ng kasal.

Light purple ang theme ng event kaya bet na bet ko.

"So shall we go-?"

Lahat kami ay biglang napalingon sa bandang pintuan ng kuwarto at nadatnan roon si Dominique na kakarating lang.

Napansin ko ang suot nitong tuxedo na loght purple rin, parehas lang naman ito sa suot ng kabanda niya pero kase sa bandang dibdiban niya kung saan nakalagay ang small pocket ay may burda rin ng isang bulaklak na wala sa mga small pocket nina Axel. Kumbaga tweenie kami ni Dominique na may burdang bulaklak. Umiwas na lang ako nang tingin at ipinagsawalang-bahala ang nakita.

"You are so unique today." Ani niya at napa-iwas nang tingin.

Maging ako ay napa-iwas din. Parang may kung anong kabayong namumuo sa loob ng dibdib ko't hindi ito tumitigil sa pagbilis ng tibok. Maging sa bandang tiyan ko ay nagsimulan na namang magsi-talunan ang mga tipaklong ko rito.

"T-Tara na." Dagdag pa ni Dom at iniabot sa akin ang kamay niya.

Kinuha ko naman ito saka siya nginitian.

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now