Chapter 26: Report

776 47 2
                                    

Kassandra's POV

Lunes.

Narito ako sa labas ng bahay at inaabangan ang pagdating ni Mccoy.

Hanggang ngayon ay 'di pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa nangyari kagabi.

Nanalo kami!! >\\\<

Yes, kami ang grand champion.

Muli akong napangiti at tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay dulot na rin ng kilig na nararamdaman ko ngayon.

Geeez!

"Sasakay ka o hindi?" Mabilis akong napaayos ng tayo at nakita si Mccoy na nakaangkas sa motor niya.

"Hehe, nandiyan ka na pala." Ani ko't napakamot ng ulo.

Sumakay na ako sa kotse at akmang isu-suot ang helmet nang muling nagsalita si Mccoy.

"Gusto mo munang bisitahin si Nathan, sa pagka-kaalam ko ay may sakit siya." Bulong nito.

Napahinto ako.

Si Nathan.

-

Papasok kami ngayon ni Mccoy sa isang village, maraming mga magagarang bahay at tahimik dito.

"Here we go!" Bulalas ni Mccoy.

Unti-unting bumagal ang takbo namin kung saan sa harap nito ay may isang natatangi sa gandang mansion.

May fountain ito sa harap at napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak. Ito na ata ang bahay nila.

Nang tumigil ang motor ni Mccoy sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang isang itim na kotseng papalabas na ata. Medyo nakaawang ang bintana nito at kaagad kong nakilala ang isang babaeng nakaupo sa likod ng passenger's seat na dahan-dahang sinusuot ang hawak niyang itim na sunglasses.

Si Claire.

"Tara na, Kass." Pagpitik ni Mccoy sa noo ko.

"Oo, tara na." Ani ko.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa malaking mansion at mabilis naman kaming pinatuloy dahil kilala nila si Mccoy.

"Tita Claudette." Sabi ni Mccoy sa isang babaeng katangkaran. Maputi pa sa singit ko ang kutis niya at medyo may kasingkitan. Maganda ito, lalo na ang kumikinang at mahabang buhok niya. Sa tingin ko mga nasa 30's pa si auntie.

Nakasuot ito ng pulang dress na hanggang tuhod at isang pulang 3 inches na heels.

Gunthe.

"So you are Kassandra, right?" Bumalik ako sa ulirat nang tawagin niya ang pangalan ko.

"O-Oo po." Sagot ko.

Ngumiti siya't inanyayahan kaming maupo sa sopa. Ipinaghain din kami ng tsaa ng isa sa mga kasambahay niya.

"You are indeed a pretty one." Dagdag na ani niya.

"S-Salamat po." Sa throat lang, kinakabahan ako.

"Si Nathan po pala?" Tanong ni Mccoy.

Hay mabuti naman at natuon na kay Mccoy ang atensyon niya. Shocks.

"Hayun, kakabalik niya lang sa pagtulog kase kakabisita lang din ni Claire eh." Sagot ng babae.

Sabi ko na nga ba.

"Pero okay na ang anak ko," dagdag nito.

Bumilog bigla ang mga mata ko sa sinabi ng babae.

Ito ang nanay ni Nathan?

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now