Chapter 63: Ticket

457 39 4
                                    

Kassandra's POV

Makalipas ang isang taon...

"Hoi, seryoso. Hahabol ka ha?" Naiinis ngunit kinakabahan kong tanong mula sa kabilang linya ng tawagan namin.

"Hindi ko pa talaga sure, Pangga, eh. Sobrang higpit ng schedules ko for todays videow." Sagot nito.

Mariin akong napatawa sa sinabi niya pero hindi pa ito sapat para mawala ang pangungulila ko sa presensya niya.

Narito kami sa Davao City ng pamilya ko. Limang araw kami rito at pang-apat na araw na namin 'to. Galing pa kami sa Island Garden City of Samal para magbeach at ngayon ay nag-iimpake na kami ng mga pinaggamitang gamit para bumyahe patungo sa hotel. Hinihintay ko na lang ang tawag nila para lumabas na ako sa cottage ko.

"Sige. Pero 'pag may free time ka na o baka saglit lang, dumalaw ka naman. Okay lang ba? Pero hindi talaga kaya-"

"No. Pipilitin ko, ni worries. Okay?" Sumilay ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi niya.

"O-Okay. Bwesit ka talaga." Ani ko pa habang pinipigilan ang ngiti.

Hoi tabang!

"Kass! Tara na, pupunta pa tayo sa sementeryo." Napalingon kaagad ako sa lalaking tumawag sa akin.

"Opo, Pa! Wait lang po." Ani ko saka tumango siya at sumilip pa muna.

"Dominique, ayusin mo anak ko. Makaka-tikim ka talaga 'pag sinaktan mo uli 'yan!" Sigaw pa niya.

Narinig ko naman malakas na pagtawa ni Dominique sa kabilang linya dahilan para i-loud speaker ko ito para marinig ni Papa Ethan. Nang marinig iyon ni Papa ay tumawanna rin siya.

"Pakasalan ko na po ba?" Natigilan ako sa biglang pagsasalita ni Dominique.

Binaling ko kay Papa ang tingin at tumango lang siya bago nagsalita.

"Sige! Basta mahalin mo ng higit pa sa buhay mo, minsan ka lang makakuha ng bituwin, 'wag ka nang maghanap pa ng bato." Ani ni Papa saka ako kinindatan.

"Salamat po- este, salamat, Pa!" Nagsitawanan sila matapos magsalita ni Dominique.

Mga siraulooo, mamamatai na ako sa kilig oh!

"Oh siya, mamaya na 'yang landian. Byahe muna tayo. Bye!" Sigaw pa ni Papa at hindi na hinintay ang sagot mula kay Dominique saka ito naunang umalis.

Bumuntong-hininga ako nang masiguro kong wala na si Papa at muling nakipag-usap kay Dominique.

"Anong kabulastugan 'yun Mr. Dominique Balderama?" Kunwaring naiinis kong wika.

"Wala naman po, Mrs. Kassandra Ylores-Balderma." Vcit!

Natigilan ako bigla.

Napa-hilamos na lang ako ng mukha saka inayos ang boses para hindi ako mahalata.

"Bahala ka na nga. Patayin ko na 'to, bye. Love you."

"Byee! I love you more than my life- no. I love you lang pala kase you're my life."

Hindi na ba siya titigil? T^T

"Bahala ka na talaga!" Kagat-labi kong wika saka pinatay ang tawag saka ako humagalpak sa kama at nagpagulong-gulong.

Jusko, Dominique!

-

Matapos ang ilang oras ng biyahe ay nasa sementeryo na kami. Dumeritso kami sa puntod ni Tatay saka kami nagtirik ng kandila.

Death Anniversary na naman ni Tatay ngunit ngayon, buo kaming dadalaw sa kaniya.

Tatlong kandila ang itinirik namin. Isa sa 'kin, kay Nanay at kay Papa Ethan. Isang taon na ang lumipas, kay bilis ng panahon.

My Ugly Little Ehu GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora