Chapter 36: BaldeRampa

525 37 6
                                    

Kassandra's POV

"Kayanin mo, Dom. Jusko." Natatawang turan ni Axel.

"Ganda mo pala pre." Anang Clixto.

"Shawty." Si Brian at Brial.

"Daig mo pa ata ang mga babae sa kagandahan mo." Si Edeline.

"Mas maganda ka pa sa 'kin." Singit naman ni Adeline.

Sunod-sunod pang turan nila habang nilalagyan nila ng kolorete ang mukhang ni Dominique. Naka-upo ngayon ang lalaking nakasimangot sa isang silya na nakaharap sa isang salamin kung saan nakapalibot roon ang iilang piraso ng ilaw.

Nakasuot siya ngayon ng red two-piece swimwear na isang kulay pulang bandana lang ang tanging nakatampal sa longganisa nito. Suot din niya ang isang kulay blonde na wig na abot hanggang bewang niya. Red lips, and colored eyeshadow ang nasa mukha niya na nagpapaganda sa anyo nito.

Heto lang ako sa gilid at pinagmamasdan siya. 'Di ko makakailang na maganda nga si Dominique sa hapong ito. Mas maganda pa nga siya sa babae.

"Kainis." Wika niya sa isang baritonong boses.

"Umayos ka nang pagsasalita, 'pag tayo natalo, pepektusan kita." Angal ni Axel. Sa grupo talaga, si Axel ang napakapasaway.

"Guys ready na, start na ng contest in 5 minutes." Sigaw ng bekeng sa tingin ko ay ang siyang host dito.

Nagsitayuan namin kami saka lumapit sa gawi ni Dominique.

"Kaya mo 'to, Dom." Wika nila saka nagsi-alisan na. Nag-thumbs up lang si Dominique saka tumingin sa salamin.

"Ganda ko nga." Bulong nito.

"Sana mapanalo natin." Wika ko habang nagpipigil ng tawa. Napatingin siya sa akin at nirolyo ang mga mata niya.

"Ayoko nga." Wika nito habang iniipit ang boses dahilan para maging boses beki siya. Nagcross-hand din ito sa akin.

"Baliw, basta galingan mo." Ani ko't tinapik-tapik ang kanang braso niya.

"Labas na ako, aabangan ko ang introduction mo ha." Hindi kase namin na rehearse ang intro niya kaya parang kinakabahan kami.

"Mapapanalo ko 'to!" Sigaw pa niya ng makaalis na ako. Umiling-iling ako bago ako kumaway sa kaniya.

-

"Ayusin niyo nga ang paghawak diyan." Usal ni Adeline.

Tig-iisa kami ngayon ng hawak ng mga banner na yari sa cartolina. Ito 'yung mga cartolinang binili ko sa araw na pumunta si Dom sa bahay. Kase 'di ba, susuportahan ko siya. 'Yun lang.

Anyways, nakaupo kami ngayon sa likurang bahagi ng gym. May kalayuan pero oks lang para makita namin ang buong stage. Sa unahang bahagi naman nakaupo ang mag limang judge.

Bale sa narinig kong chika ay kilala sila sa iba't ibang larangan. Nandoon si Ms. Vicks Bello, isang surgeon, si Mr. Ronald Duck isang attorney, si Mr. Piolo Pascua isang bitiranong aktor, si Ms. Jessica Sujo isang aktress mula sa South Korea at si Ms. Quirina Sanchez isang reporter. Lahat ng pangalag nabanggit ay mga matatalik na kaibigan ng principal sa school kaya sila ang napili bilang mga judge.

Lumabas na ang host sa patimpalak at sinimulan na niyang ipakilala ang mga contestant. Masasabi kong magagaling ang mga kalaban ni Dominique at grabe kung makahakot ng hiyawan at palakpakan. Nakikita rin namin na halos silang lahat ay shawl ang gamit na abot hanggang tuhod habang kay Dominique ay panyong bandana lang na abot hanggang legs. Sa tingin ko, sisikat siya roon. Swimwear kase kaagad ang portion. Hanep!

Hehex.

"And last but not the least, contestant number 10, from the Lightning Eagles!" Naghiyawan naman ang lahat ng estudyante sa grade level namin nang lumabas si Dominique na naka swimwear.

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now