Chapter 42: Date

510 35 3
                                    

Kassandra's POV

"Ang pangit naman ng mga damit na 'to." Tinapunan lamang ako ng matatalim na titig ng kambal.

Nakaharap ako sa isang salamin na kita halos ang buong katawan ko. Naiinis ako sa suot ko, lalo pa't hindi ko bet ang kulay at style. Nakasuot ako ng isang cardigan kuno na kulay black, white crochet croptop na spaghetti type na top, isang loose pants na black naman para sa pambaba at isang sneakers na black sa paa ko.

Naiinis ako.

"Daig ko pa ang namatayan sa daming itim sa katawan ko." Daing ko saka inaayos ni Edeline ang buhok.

Hindi ko alam kung ba't ganito pormahan ko.

Istitik daw ika nga nila, ano ba 'yung istitik na 'yun? Tiktik?

"Tada! Done ka na girl." Sabay at nakangiting wika nila.

"Ingat kayo sa date niyo!" Wika pa ni Tita Marites na nakasilip pala sa likod.

"Tita naman." Nahihiya kong sabi. Partida, namumula na siguro ako ngayon.

"Tara na, nasa labas na si Budoy." Dagdag ni Tito Pancho na na-eexcite rin.

Lumapit ako kay Tita saka nahihiyang niyakap ang kanang braso nito saka kami bumaba. At tama nga si Tito na nandito na si Budoy, simple lang ang suot niya, isang short shorts, at peach colored t-shirt.

Halata ang gulat sa mukha niya habang hawak ang isang bouquet ng Gypsophilia, ang bulaklak na paborito ko.

"Ganda mo naman miss, kaso si Kassandra ang pinunta ko rito eh." Wika pa niya nang namataan niyang nakalabas na kami.

Kaagad akong natawa sa sinabi niya, "Siraulo ka talaga kahit kailan."

"Ay, si Kassandra ka pala? Akala ko kase isang diyosa." Mas lalo akong natawa sa sinabi niya.

"Abno!"

"Para pala sa diyosang kaharap ko." Ani nito saka inilahad sa akin ang bulaklak. Inamoy ko pa ito saka ngumiti.

"Thank you." Sinuklian niya lang ako ng isang matamis na ngiti.

Nagpaalam kaagad kami kina Tita at Tito saka kami pumasok sa kotse niya para kuno mag 'date' slash bisita namin sa puntod ni Tatay sa Davao City. First time ko 'to hehex.

Ngayon ang death anniversary ni Tatay at dahil busy sina Tita ay ako na lang sana ang pupunta kaso nag-insist si Budoy na sumama kaya heto. Isang bag ng mga gamit ang dala namin dahil 2 days at one night lang kami. Patungo na rin kami sa airport ngayon.

Kung iniisip niyo paano nangyari ito, pwes, hindi ko rin alam.

Matapos niya akong ihatid kagabi ay akala ko umuwi na siya ngunit may binili lang pala saka bumalik at ginawa ang kaganapang hindi ko inaasahan.

-

Natigil sa pagpo-proseso ang utak ko nang mabasa ang nasa bio ni Dominique.

Dominique Balderama
Hi, Kassandra Ylores, can I court you?

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong damahin dahil halo-halo na ang mga emosyon sa puso ko.

"O-Oo." Mahinang bulong ko kahit pa na wala namang nakaririnig.

Parang- parang gusto ko pero,ewan ko ba.

"Halika na dali!" Wika ni Adelin dahilan para matauhan ako saka niya ako hinila patungo sa terrace ng bahay namin.

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now