Chapter 35: Napkin

570 38 3
                                    

Kassandra's POV

"Ito oh, Pancit Canton, ChiliMansi flavor. Masarap 'to tapos madali lang lutuin." wika ko kay Nathan na ngayon ay 'di na maipinta ang mukha.

Sampung minuto na kami rito sa stall ng mga pansit canton kase 'di pa rin siya makapili kung ano ba raw ang mas masarap, first time niya raw kasing makatikim nito.

Juscolored.

Ano bang ipinakain sa kaniya nung bata pa siya, au?

Kayo na bahalang umitindi, hehex.

"Let's just buy 10 pieces each of its flavor, I guess?" Napalingon siya sa akin.

Kumurap-kurap ako bigla sa sinabi niya.

"Hulaan ko, gusto mong maranasan magka-almonaras no?" Tanong ko habang hindi pa rin makapaniwala sa sinabi niya.

Kumawala siya ng buga at muling napatingin sa mag cantonesss.

"What is almoranas by the way?" Napasapo ako sa ulo ko sa itinanong niya.

Gustong-gusto kong kasama si Nathan pero pri, minsan nakakapagod nang magpaliwanag!

-

"Ba't 'di niyo na lang ginawang noodles 'tong pancit canton sayang may sabaw pa sana tayo." Nanunuyang wika ni Dominique.

Kakabalik lang namin kanina ni Nathan at kaagad kaming nagluto ng limang pancit canton na iba-iba ang flavor kung kaya't hindi marunong magluto si Nathan ay ayun, malata ang noodles.

Tinitigan ko naman si Nathan na nasa kaharap ko lang sa mesa saka siya nginitian. Ngumiti rin naman siya na ikinatuwa ko.

"Okay lang naman, at least nandoon pa rin 'yung lasa." Ani ko.

Nagkatinginan silang lahat sa akin. Ngumiti ako kahit na naiilang saka sila sabay na umiiling.

"Anyways, may k'wento ako-"

"Wala kaming pake." Singit ng demonyong si Dominique.

Bwesit na lalaki, "Ikaw ba kausap ko?"

"Ba't iniisip mo rin bang kausal kita, Kassandra?" Nagpako ang tingin naming dalawa sa isa't isa. Ang makinis at maamo niyang mukha ay nakakapagpatibok ng puos ko dahilan para mauna na akong umiwas ng tingin.

"So, 'yun na nga. Habang papunta ako rito alam niyo may nakasabay akong matandang babae na may dalang balde." Pag-iiba ko ng usapan habang abala at tahimik na nakikinig sa akin ang iba.

"Ano'ng nangyari?" Tanong ni Nathan sabay tsk naman ni Dom. Duh...

"Habang nakasakay ako sa jeep, may sumakay na matandang babae na may dalang balde saka umupo sa dulo ng jeep. Nang makasakay siya ay may naamoy kaming hindi kaaya-aya. Hindi naman sa pagiging judgemental pero feel ko, namin ng mga pasahero na galing sa balde ang amoy dahil hindi naman ito mabaho bago siya sumakay." Pag-kwento ko sa kanila.

"Anong klaseng baho?" Tanong ni Axel.

"Para siyang mapanghe, na medyo nakakahilo na ewan ko ba. Hindi ko talaga maisip kung gaano 'yun kaamoy basta may asim din siya, mas maasim pa sa Cracklings."

"Tapos?" Hirit ni Dom. Naparolyo ako ng mata saka tinapos ang kwento.

"Dahil na rin sa baho nun ay hindi na nakapagtimpi ang mga pasahero kaya nagtanong ito kung ano ang laman ng balde. Ngunit ang sagot lang ng ale ay 'bakit, bibili ka ba? Ayun, umiling ang lalaki saka pinabayaan namin." Lumunok muna ako ng laway.

"Ilang segundo lang ay nagtanong din ang driver kung ano nga ang nasa loob nito dahil hindi na namin kaya ang baho pero ganun pa rin ang sagot ng ale, 'bakit, bibili ka ba?" Hanggang sa sunod-sunod na sila nagtanong at ganun lang ang sagot niya. Hanggang sa..."

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon