Chapter 44: Pool

574 34 0
                                    

Kassandra's POV

Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kahapon sa biglaabg joke ni Dom kaya abala ako sa panonood ng mga nakatutuwang video sa epbi dat kom para malimutan ito. Kanina ay pinanood ko ang isang voice over na mga movies na na-summarize na ng gagawa nito gaya ng batang may pakpak tsaka isa sa mga gusto kong panoorin dito sa epbi ay 'yung mga Chinese na tao na kakainin ang pagkain ng Nanay nilang suplada at ang ending ay gagawa lang din naman sila ng pagkaing kagaya nang nakain nila.

Parang timang lang, napakahirap pa silang nakawin ang naturang pagkain pero magluluto rin naman pala sila ng kagaya ng naturang pagkain. Ba't di na lang siya magluto, kakainin din naman.

Nasa ganoong kaganapan ako nang biglang may bumisina sa harap ko. Kamuntik ko pang matapon ang cellphone dahil sa pagkabigla.

"Pasmile-smile ka na diyan ha, baka may ka-internet love ka na sumbong talaga kita kay Kuya." Kumunot-noo ako sa itinuran ni Mccoy.

"Parang timang lang." Tanging sagot ko bago ako sumakay sa motor niya patungo sa campus.

Namiss ko rin 'tong mokong na 'to dahil lagi na lang busy sa acads niya, mabuti rin naman kase kahit papaano ay sumiseryoso na siya sa pag-aaral.

Matapos lang ang ilang minuto ay dumating na kami sa campus. Ganoon pa rin ang pangyayari at walang nagbago.

"May sasabihin pala ako sa 'yo, nakakainis si Kuya." Ani nito saka ngumuso na para bang batang kinunan ng kendi.

"Bakit?" Natatawa kong tanong habang nagsisimula na kaming maglakad.

"Siya na raw hahatid at susundo sa 'yo patungong impyerno." Napatigil ako saglit sa sinabi nito saka seryosong napatitig.

"Joke, pero sabi talaga ni Kuya na siya na raw hahatid at susundo sa 'yo, eh." Nagpeace sign siya habang nakangiti.

Ngumiti na lang din ako kunwari masaya ako sa sinabi niya. Ano ha talagang trip ni Dom!?

Nag-usap pa kami ng mga bagay-bagay gaya ng progress niya sa pag-aaral at ang pagiging bagong ka-tong its niya kay Mommy La. Sa t'wing kulang kase ng kalaro sina Mommy La at ang mga amiga niya ay siya ang papalit dito.

HAHA sugarol!

Nang matungo na namin ang silid ay nagpaalam na kami sa isa't isa saka ako pumasok sa silid. Nadatnan ko sina Nathan at Budoy na nag-uusap. Hmm?

Agad akong umupo sa upuan at tinanong kung ano ang pinag-uusapan nila at para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nila.

"May long quiz tayo ngayon. Kaya nga pinahiram ko muna kay Nathan ang notes ko eh." Sagot ni Budoy.

Napakamot ako ng ulo sa sinabi niya at kaagad na kinuha ang notes ko pero wala itong laman. Hindi pala ako nakinig kahapon! Hihiram pa sana ako ng notes kaso huli na ako dahil pumasok na ang guro namin.

Amporkchop!

-

Natapos ang long quiz at sabog na sabog ang utak ko. May sagot naman ako, 'di ko nga lang sure kung tama lahat.

Hayst.

"Nathan, may naghahanap sa 'yo roon sa principal's office." Sabay kaming tatlo na napalingon sa pintuan ng silid namin at nakita ang isa sa mga estudyante rito sa campus na babae at abala sa paglalagay ng liptint sa labi nito.

May liptint din ang pisnge nito. Nagmumukha tuloy siyang sinaing na sa t'wing ilalagay mo ang piraso ng hotdog 'pag niluluto pa ang kanin.

Napadako ang tingin ko kay Nathan at binigyan siya ng sasama-ka-sa-lunch look. Mukhang naintindihan niya rin naman kase sumagot siya.

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now