Chapter 30: Birthday

650 38 3
                                    

Kassandra's POV

Simula na naman ng bagong araw.

Handa na akong sumalang sa bagong pagsubok ng buhay.

"Hindi ba sabi mo sakin na gumawa kayo ng cake ni Rouchi?"

Paulit-ulit na lang talaga itong tinatanong ni Mccoy habang naglalakad kami sa hallway ng unibersidad.

Walang klase dahil abala ang mga estudyante at mga guro para sa paghahanda sa Intramurals. Nandito lang ako para kunin ang cake na ginawa namin ni Rouchi.

Oo, 'di ko pa kinuha noong gumawa kami ng cake kase naisipan kong 'yun na lang ang ire-regalo ko kay Nanay.

Char.

"Oo nga kase, hindi ko muna dinala kahapon kase ngayon ko pa kukunin." Tumigil ako sa paglalakad habang nagpapaliwanag.

"Ba't ngayon pa- ay, oo nga!" Napasapo siya sa noo niya.

"Birthday ng mudra mo." Dagdag pa nito.

"Buti naman at naintindihan mo na dai." Napailing-iling na lang ako sa katangahan ni Mccoy.

Akmang lalakad na muli ako nang marinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Lalim nun ah."

"Hindi kase ako makakasama sa'yo ngayon." Malungkot na ani nito.

"Tambak ako ngayon ng mga projects at paper works eh." Paliwanag pa niya.

Malungkot akong napangiti, si Mccoy lang kase ang kasama ko sa t'wing magdidiwang kami ng birthday ni Nanay. Wala talagang pinapalagpas si Mccoy na araw, hindi lang dahil sa patay-gutom siya kundi close rin sila ni Nanay, noon.

"Dami mong sinabi, okay lang no, 'to naman parang tanga." Bahagya ko pa siyang hinahampas sa kanang braso niya saka kami sabay na nagtawanan.

"Don't worry, may ipapalit naman ako." Napatigil ako sa pagtawa at seryosong napatingin sa kaniya.

Luh?

'Wag mong sabihing si Dominique!

No!

Nakangiti pa rin si Mccoy na animo'y nababasa niya ang nasa isip ko. Magsasalita pa sana ako nang marahan niya akong itinulak at kaagad na tumakbo papaalis.

Aba!

"Bwesit!" Sigaw ko na umalingawngaw sa buong hallway.

Halos lahat tuloy ng mga estudyante ay nakatingin sa'kin.

Mamatai ka na Mccoy!

-

Nakuha ko na ang cake at nandito ako sa loob ng silid para magpahinga. Nakakatamad kaya maglakad.

Biglang tumunog ang cellphone ko, nagtext pala si Tita Marites kaya nagchat-chat muna kami.

Char.

Tita Marites

Tita Marites:
Hija, mauna ka na sa ospital at hindi ko pa natapos ang niluluto ko.

Susunod lang kami ng Tito Pancho mo, ha?

Kassandra:
Okay poo!

-Seen-

Napasandal ako sa inuupuan saka nagpakawala ng buntong-hininga.

Mukhang mag-isa akong pupunta sa ospital nito, ah.

-

Nakasandal akong napaupo sa waiting shed habang naghihintay ng masasakyan. Maaga pa naman din, alas diyes y medya pa naman.

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now