Chapter 17: Affection

823 126 8
                                    

Kassandra's POV

Natapos na ang klase.

"By friday, pumunta kayo sa bahay ko at may kailangan pa tayong pag-usapan tungkol sa reporting." Wika ni Dominique at napatango kami ni Nathan bago siya umalis ng silid.

Binalik ko muli ang atensyon sa mga gamit kong nakakalat.

"I-I'm sorry."

Napatigil ako sa pagliligpit nang magsalita si Nathan at dahan-dahan kong iniangat ang tingin sa kaniya.

"Para saan?" Nagtataka kong tanong.

Bumuntong-hininga siya at sumagot, "For being cold at you."

Ah, 'yun ba.

"Wala na 'yun, dapat nga ako ang hihingi ng tawad sa'yo dahil na out of place ka tuloy sa harutan namin," sagot ko at ngumiti ng pilit.

"So, sabay na tayong umalis?" Nakangiti nitong tanong.

"G!" Ani ko.

Medyo mabigat pa ang pakiramdam ko dahil kanina pero ngayon, kung kailan ko nasisilayan ang mga ngiti ni Nathan ay siya ring pagkawala ng lungkot at bigat sa dibdib ko.

Kahit wala akong dibdib.

Hayst.

;(

"Alam mo naman siguro kung saan ang bahay nila 'di ba?" Tanong ko habang naglalakad kami ni Nathan sa hallway.

"Oum," sagot nito.

'Yun lang?

Gusto kong wakasan ang nakabibinging katahimikan sa paligid namin dahil naka-iilang din ang mga estudyanteng panay ang tingin sa amin ni Nathan. Ang iba pa ay nagbubulong-bulungan.

Aba, hindi halata na chismosa sila no?

Hindi.

"Okay lang ba kung ako na ang maghatid sa'yo pauwi?"

Napatigil ako sa paglalakad nang humarang si Nathan sa harap ko kahit pa na nakapalibot sa amin ang mga estudyanteng chismosang palaka.

Nagdadalawang isip naman akong sumagot sa kaniya dahil nakakahiya at higit sa lahat ay baka magtampo si Mccoy.

"Ano kase-"

Kaagad akong napatigil sa pagsasalita ng biglang tumunog ang cellphone ko, may nagtext ata.

Mccoy Fung8

Mccoy:
Hoi panget!

Sorry 'di kita maihahatid ngayon, may
project kaming ginagawa baka gabihin ako.

Sorry. ;((

-Seen-

Napakurap-kurap ako ng ilang segundo sa nabasa.

Wow.

Timing talaga eh no?

"I'll accept that as a 'yes', Kass," wika ni Nathan at kaagad na hinablot ang kanang kamay ko nang maipasok ko na muli ang cellphone sa loob ng palda ko.

H-Hala!

As for now, humihinga pa naman ako.

Pero 'yung puso parang sasabog na sa sobrang saya!

Shems!

-

Nasa loob na ako ng kotse ni Nathan at tulad lang ng huling paghatid niya sa akin ay tahimik lang kami.

Ayaw ko nang magsalita at baka magwala pa ako sa sobrang tuwa.

Naku!

Mukhang may mapupuyat na naman kakaisip ng prince charming niya mamaya!

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now