Chapter 61: Late Night Calls

541 32 2
                                    

Kassandra's POV

"Basta libre mo, ha?" Asik ko habang nasa kabilang linya si Dominique.

"Yes, madam! Tagal naman mag-alas 3!" Naiinis na wika nito.

Napatawa ako habang iniimagine ang mukha niya.

"Sira, tapusin mo muna 'yan. Ibababa ko na, bye!" Pagpapaalam ko rito.

"Ocakes! Byerz!" Wika rin nito saka ko binaba ang tawag na may ngiti sa labi.

Dalawang linggo na ang lumipas nang humingi ako ng tawad kay Dominique na siyang tinanggap niya at balik na rin kami sa pagiging magkaibigan.

Kahapon nga lang ay nagreunion kaming magbabarkada sa sanggyup-salan na kinainan namin noon. Naayon ang lahat ng bagay ngayon, ang saya.

Buo pa rin ang banda at ngayon, si Dominique na ang song writer nila na todo supporta sa buong banda lalo na kay Mccoy.

"Kass! Tignan mo may gaganaping concert si Taylor dito sa Pinas!" Gulat na gulat na wika ni Nathan sa akin saka ipinakita ang announcement.

Bumilog din bigla ang mga mata ko nang mabasa ito.

Sa susunod na taon pa ang concert at gaganapin sa MOA, naku! Kailangan ko na mag-reserve.

Pero hindi pa pala open, mukhang kailangan kong mag-abang abang sa anumang oras ah. -,-

Nagkatitigan kami ni Nathan saka kami napatayo at nagsi-talunan sa tuwa. Nasa ganoong pagkakaton kami nang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang babaeng producer.

"Uhm, maam and sir. Magsisimula na po ang shooting." Ani nito saka namin tinanguan at umalis.

Nagtitigan kami ni Nathan saka nagtawanan.

Matapos kase ang pangyayari noon sa bahay nila ay unti-unti ko na ring pinapalapit ang sarili sa kaniya bilang kapatid and now, tanggap na namin.

Buhay nga naman. Magkasama kami ni Nathan sa isang teleserye, alam na rin maging ng buong media at mundo ang tungkol sa pagiging magkapatid namin ni Nathan dahil may pagkakataon noon sa isang fast talk na magkasama kami at doon na rin namin inaminn ang lahat-lahat maliban lang sa katotohanang ang tatay nito- namin ang nagsunog sa isang auditorium.

Sa totoo nga niyan ay tinatawanan na lang namin ang nangyari noon. At botong-boto rin siya kay Dominique para sa akin na umabot na sa puntong nagsisinungaling siya sa manager ko para lang maka-date ko si Dominique.

Hehex.

-

Humagalpak ako sa kama ko matapos akong umuwi sa bahay mula sa shooting namin kasama si Nathan.

Ang sakit ng katawan ko at medyo naiinis pa ako dahil gabi na natapos ang shoot. Hindi tuloy kami nagkita ni Dominique. T^T

"Nak, kain na tayo." Anang ni Nanay na kakapasok lang sa kwarto ko.

Ngumiti ako rito saka tumango, "Susunod ako, Nay. Magbibihas lang muna ako ng pam-bahay."

Sumang-ayon si Nanay saka napangiti rin bago umalis. Nagmamadali akong tumayo saka naghanap ng damit na ibibihis ko, kinuha ko lang ang isang nighties ko saka sinuot.

Hindi mawaglit sa isip ko ang pangyayari ngayon. Nasa iisang bahay na kami ni Nanay, kasama sina Tita Marites at Tito Pancho, wala nga lang ang kambal dito dahil nasa New York sila dahil sa modeling nila roon. Si Daddy naman- si Ethan ay sumuko na sa pulisya at inaayos na sa korte ang kaso. Ang mga biktima naman sa auditorium noon ay hindi na nagpataw ng kaso, tanging kami na lang ni Nanay kaya't pinag-uusapan pa namin ang mangyayari.

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now