Chapter 45: Broken Hearted

801 36 1
                                    

Kassandra's POV

Hinihingal si Dominique na umupo sa gilid ng pool maging ako rin matapos niya akong pakalmahin.

Napayuko saka napapikit bago tumayo at akmang aalis na nang hawaka niya ang braso. Humarap naman ako sa kaniya saka tinabig ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Kassandra ano bang problema?" Naguguluhan niyang tanong.

"Ikaw."

"Ikaw, ano naman ang plano mo? Kung sasaktan mo rin ako gawin mo na!" Sigaw ko na umalingawngaw sa buong silid.

"Kasalanan ko bang ganito ang hitsura ko? Bakit ba kase mas maganda siya kumpara sa akin?" Tanong ko sa sarili habang agresibong pinupunasan ang mga luha sa mukha ko.

Seryoso akong napatitig sa mga mata niya. Masyado ring malabo ang paningin ko ngayon dahil na rin sa mga luhang patuloy lang sa pagtulo.

"Kass, please." Lalapit pa sana siya sa akin ngunit nauna na akong humakbang papalayo sa kaniya.

"Ang O.A ko tignan pero ang sakit, Dom." Napahawak ako sa dibdib saka humagulgol muli.

"Umasa ako sa isang taong akala ko totoo ang intensyon." Napiyok pa talaga ako.

"Kassandra, hindi kita maintindihan-"

"Ako rin!" Singit ko.

"Hindi kita maintindihan, bakit noon inaaway mo ako ngayon bigla ka na lang nagpakilala ulit at nanliligaw ka pa. Ano ba ang plano mo?" Napaiwas siya ng tingin sa sinabi ko.

Nakita ko rin ang unti-unting pamumula ng mukha niya at panunubig ng mga mata.

"Hindi mo ako masagot 'di ba? Kase, lolokohin mo rin ako, 'no?" Namutangi ang nakabibinging katahimikan sa paligid namin.

Tama nga ako.

Nanunuya akong tumawa saka pumalakpak.

"Ang tanga ko- ano ba!" Sigaw ko nang bigla niya akong niyakap.

"Hindi kita lolokohin, mali ang nasa isip mo." Bulong niya.

Pilit ko siyang inilalayo sa akin pero sadyang malakas siya at wala na akong magawa.

"Tinatanong mo kung bakit kita nililigawan ngayon eh, noon ay binubully kita? Isa lang ang sagot dun, mahal kita." Napatigil ako sa pagpupumiglas.

Parang may humagod sa puso ko sa sinabi niya.

Pero hindi! Nangloloko lang siya!

"Bitawan mo ako!"

"Mahal kita simula pa nung una!" Singit siya sa pagitan ng mga sigaw ko.

"Hayaan mo akong magpaliwanag, please." Kumalma ako saglit saka niya ako inilayo mula sa kaniya habang hawak niya ang magkabila kong kamay.

"Gusto kita noon pa sa elementarya, binubully kita kase naiinis ako, naiinis akong pinapansin mo ang ibang kaklase natin habang ako- hindi mo ako nakikita o pinapansin, Kassandra." Naiiyak niyang wika.

"Sa kagustuhan kong pansinin mo ako ay binully kita para makuha ang atenyson mo, kahit sa maling paraan ay ginawa ko, pansinin mo lang ako. Kahit alam kong labag sa loob mo." Tuluyan na nga siyang napaiyak.

Sumisikip ang dibdib ko sa sinasabi niya.

"Noon, ako sana 'yung Romeo mo eh, kaso, si Nathan ang gusto mo noon kaya pinaubaya ko na lang. Baka magback-out ka pa bilang Juliet, pangarap mo pa naman 'yun." He sarcastically laugh and places a bitter smile while looking at me.

"Ngayon na may pagkakataon na akong makasama ka, ligawan ka, pero heto ka na at iniisip na nanloloko lang ako." He said in a crack voice.

'Di ko maiwasang mapaiwas nang tingin dahil sa lahat ng sinabi niya. Napayuko siya sa harap ko saka dahan-dahang binitawan.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon