Chapter 29: Mystery

678 40 1
                                    

Kassandra's POV

Naka-higa ako ngayon sa kama at inaalala ang sinabi ni Dominique kanina.

Gusto kong pumunta kase nais kong makita kung paano magdiwang ng kaarawan ang mga mayayaman.

Pero. Siyempre may pero.

Sa araw na rin na 'yun ang kaarawan ni nanay, paano na 'yun.

Napapikit ako't humugot ng hininga.

"Itutulog ko na lang muna 'to." Bulong ko sa sarili at nagpakain sa antok.

-

"Bagong umaga!" Wika ko at nag-inat ng buto.

Napatigil ako saglit at pumikit sabay pinagdikit ang dalawang kamay.

"Lord, please bigyan mo po ako ng sign kung sasang-ayon ba ako sa sinabi ni Dominique." Pagdarasal ko't ngumiti.

"May naisip na naman akong katarantaduhan!"

Bulong ng isip ko.

"Lord, thank you talaga sa idea!"

Okay!

Let's start this day with a vote!

Tumayo na ako at ginawa na ang mga dapat gawin.

-

"Good morning, Tita Marites!" Ani ko pagkababa ko ng hagdan at naupo sa kusina.

"Magandang umaga rin, kain na, hija." Wika niya.

Inilagay niya naman ang isang plato ng kanin na may piniritong itlog, isang hotdog at isang baso ng kape.

"Tita, may tanong ako." Pauna kong wika.

"Oo o hindi?" Tanong ko sabay ngiti.

Kumunot ang noo niya at napahawak sa bewang niya gamit ang dalawang kamay sabay sabing," Anong klaseng tanong 'yan?"

"Sagutin mo na lang Tita, please."

Bumuntong-hininga siya at kalaunan ay sumagot din.

"Oo." Sabay kaming napangiti sa sinago niya.

Hehex.

Oo-1
Hindi-0

Maya-maya ay dumating si Tito Pancho na may dala na namang dyaryo.

"Magandang umaga, Kassandra at ang pinakamaganda kong asawa." Wika nito at lumapit kay Tita Marites sabay halik sa noo nito.

Hayst.

"Ba't ba ang daming langgam dito sa bahay." Pabiro kong sabi at nagtawanan kami.

"Oh, Tito may tanong ako."

Napaupo rin si Tito sa kaharap kong upuan.

"Oo o hindi?" Tanong ko.

Kumunot ang noo niya at napalingon sa gawi ni Tita Marites na animo'y humihingi ng tulong o clue.

"Aba malay ko, tinanong din niya sakin 'yan kanina." Patawant sagot ni Tita.

"Uh, eh. Ano ba dapat isagot ko?" Nalilitong saad nito.

"Mamimili ka lang kung oo o hindi."

"Hindi." Diretsong sagot niya.

Aus.

Oo-1
Hindi-1

"Thankies! Una na ho ako!" Pagpapaalam ko nang sumagot si Tito.

Siyempre nagtootbrush muna ako bago ako lumayas.

My Ugly Little Ehu GirlUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum