Chapter 10: Miss-ing

934 155 8
                                    

Kassandra's POV

Ipinakita at itinapat ni Mccoy sa 'kin ang isang puting panty gamit ang dalwang daliri at parang nandidiri, ewan ko ba kung puti ba ito eh, parang madumi na. Ang korte ng panty eh, 'yung parang pang-beach, 'yung pupunta sa hati ng pwet 'yung bahagi sa likod na parte. Jusko naman.

Napayuko ako sa harap ni Mccoy dahil sa hiya at dahan-dahang napatingin muli sa kaniya pero iba na ang titig niya sa 'kin. Pinanliliitan na niya ako ng mata, aba aba.

Parang may ibig sabihin 'yung titig niya eh, parang nagtatanong ng sa-iyo-ba-ito-look.

"Hindi sa 'kin 'yan ha. Sabi ko nga sayo, freebies daw nila 'yan," pagtatangol ko sa sarili pero mukhang hindi kumbinsido ang lolo niyo mga pars.

"Ikaw ha, kapag ba magbibigay ka ng regalo ay bibigyan mo talaga ng panty?" Napahilamos ako sa mukha dahil sa tanong niya.

"Hindi nga sa 'kin 'yan. Ilang ulit ko ba dapat sabihin 'yun sa'yo Mccoy, gosh!" Bumuntong-hininga ako.

"Sige, maniniwala na ako," sabi ni Mccoy habang diring-diri sa hawak niyang panty.

"Pero sure ka talagang hindi 'to sa'yo?" Napatayo ako sa inis at pinanliitan siya ng mata.

Sa ganda kong ito magmumukha na akong sirang plaka kaka-ulit sa mga salitang kanina ko pa sinasabi.

"Hindi nga sa akin 'yan!" Idiniin ko pa talaga ang salitang 'hindi'.

Ilang minuto pa kaming nagbangayan dahil pinilit talaga ako ni Mccoy na angkinin ang panty.

Maya-maya pa ay napatigil kami sa pagbabangayan nang may narinig kaming humahangos na lalaki at patakbong lumapit sa pwesto namin at mabilis na hinampas ang lamesa dahilan para mapatayo kami habang humahabol pa rin ng hininga ang lalaki.

Naka-suot siya ng itim na t-shirt at itim na pants habang nakayuko pa rin.

T-Teka!

Baka holdaper 'to tapos kapag itataas na niya ang tingin doon na niya huhugutin ang kutsilyo o 'di kaya ang baril niya tapos itututok niya sa amin at sasabihin 'holdap 'to!"

Napatakip ako ng bibig ng unti-unti na niyang iniangat ang tingin at parang nagslow-motion ang lahat at napasigaw na nga ako.

"Huwag po! Wala po akong pera, maawa na po kayo!" Lumuhod ako sa papag habang nakayuko't nakataas ang dalawang kamay at nakapikit.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na animo'y mamamatay na ako!

Owemji!

'Di pa po ako ready, Panginoon ko!

Sandaling katahimikan at maya-maya'y umalingawngaw ang malalakas na sigaw at pagtawa. Napataas ako ng tingin at nakita kong sabay na nagtatawanan si Mccoy at 'yung holdaper.

H-Hindi natatakot si Mccoy?

Sana ganun din ako katapang!

Napatigil ako sa pag-aalala nang mamukhaan ko ang lalaking nasa harap ko ngayon. Tama!

Siya at si Ashwin, siya 'yung lalaking sinabi ni Nathan na driver niya daw. Owemji! 'Di pa ako mamamatay!

Napatayo ako at pinagpagpag ang tuhod habang patuloy pa rin sa pagtawa ang dalawang engot.

Nakakatawa ba 'yun?

"Siraulo ka talaga, Kass." Natatawang wika ni Mccoy.

Heh. Grabe.

"Akala ko kase holdaper si Ashwin, naka-itim kase eh, may lamay ba?" Bulyaw ko na dahilan para ikakunot-noo nilang dalawa.

"Kilala mo siya?" Tanong ni Mccoy at itinuro si Ashwin. Napatigil na sila sa pagtawa.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon