Chapter 41: Facebook

516 40 10
                                    

Trigger Warning!
: Emoji Warrior Ahead.

Kassandra's POV

"Cheers!" Sabay naming wika saka pinagsalubong ang mga baso naming may lamang Coke. Coke lang kase bawal kaming maglasing. Hehex.

"Kain na!" Asik pa ni Axel saka nauna nang lumantak ng mga pork na inihaw namin.

"Sige ubusin mo na naman 'yang mga taba, pepektusan talaga kita." Singhal ni Dominique saka pilit na inaagaw ang hawak ni Axel na tongs at nagbalibagan na silang dalawa.

Natawa na lang kami sa inasal nila na para bang mga batang walang muwang eh, puro naman sila abnormal.

Nasa sanggyupsalan kami dahil naisipan naming magcelebrate sa pagkapanalo namin tutal maaga natapos ang laro.

"Nga pala, hindi pa ba tapos sa pakikipagsugalan si Mccoy?" Tanong ni Adeline.

"Hindi pa raw, mamaya pa raw silang gabi matatapos sabi ni Mommy La." Anang Dominique habang nilalantak ang mga taba ng pork nang matapos silang magbardagulan ni Axel.

"Bakit? Namimiss mo si Mccoy? Pa'no naman ako?" Nakangusong tanong ni Brian.

Awtomatiko namang kumunot ang noo ni Adeline. "Yuck, sad boi."

Nagsitawanan kaming lahat dahil sa inasal ng dalawa.

"Basta ako ayaw kong maging sad boi, baka ma turn off sakin ang 'the one' ko." Singit naman ni Brian saka kumindat kay Edeline na kakasubo lang ng isang dahon ng lettuce na may lamang pork.

"Yiieeeee, kayo ha." Pang-aaway namin sa kanila. Sinusundot-sundot ko rin ang tagiliran ni Edeline dahil magkatabi lang kami.

Bale napapagitnaan ako ng pinsan kong kambal habang nasa harap ko si Dominique, sa kanan niya ang kambal sa banda at sa kaliwa si Axel at Clixto.

"Ikaw Dom, kailan mo pa liligawan si- uhk!" Daing ni Axel nang bigla na lang sinakal ni Dominique si Axel gamit ang braso nito.

"Kain ka na Axel, ito oh, sa 'yo na 'to lahat, tarantado ka." Usal pa ni Dom saka kinuha ang mga dahon ng lettuce para isubo sa bibig ni Axel.

Napalingon ako sa paligid, bakas sa mukha ng iba pang kasamahan ang pagpipigil ng tawa. Ang iilan din sa kanila ay pinanliliitan ako ng mga mata lalo na ang kambal kong pinsan.

Mga baliw.

Nagtataka man ay napatawa na lang ako sa kaharutan ng dalawang 'to.

Pero liligawan ni Dom?

Sino?

Kailan?

Luh?

Wala akong pake no.

Duh, wala kaya.

Umiling-iling na lang ako saka kumain ng mga pork. Baka maubos pa nila jusko.

-

"Bye!" Wika namin sa isa't isa saka nagsialisan na ang iba.

"Ba't 'di ka pa umaalis, Doy?" Prenteng nakatyo lamg kase siya sa likod ko habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

"Walang maghahatid sa'yo kaya, ihahatid na kita sa bahay niyo." Usal pa nito saka matamis na ngumiti.

Mula nung nangyari ang nakaka-traumang pagyayari noon ay medyo naging close na kami ni Doy. Si Budoy at Dominique ay iisa. Share ko lang. Budoy na kase ang gusto kong tawag sa kaniya. Hehex.

"Pupuntahan ko pa si Nanay sa hospital eh." Napatango siya sa sinabi ko.

"Edi, sasamahan kita do'n." Inakbayan niya ako saka kami naglakad patungo sa pwesto ng kotse niya.

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now