Chapter 14: Drive

833 134 6
                                    

Kassandra's POV

Mabilis akong umiwas ng tingin matapos ang ilang segundong pakikipagtitigan sa repleksyon ni Dominique sa salamin at kumurap-kurap ng iilang beses.

Hayst, baka kinakabag lang ako.

Kahit kailan ay 'di ko nakitang ngumiti si Dominique kung kaya't napaka-imposible ng iniisip ko.

Napaka-demonyo nun tapos ngingiti?

Pero try natin, baka totoo nga.

Dahan-dahan kong idinulas ang mga mata ko sa pwesto kung saan ko nakita ang repleksyon ni Dominique na nakangiti habang marahang kinakagat ang pang-ibabang bahagi ng labi.

Nang mapadpad na ang tingin ko roon ay nawala na ang nakangiting repleksyon ni Dominique.

Wews, nababaliw ka na talaga, Kass.

Napa-iling naman ako habang pinipikit ang mga mata at sinasabing illusyon lang 'yun. Grr.

"Nababaliw ka na ba, Kass?" Tanong ni Mccoy.

"Oo, kay Dominique-" s-sagot ko?

"Ha?"

"Ha?" Sabay kaming nagkatitigan ni Mccoy habang nakikita sa mukha nito ang pagkalito.

"Hakdog," sagot ko at nagpeke ng tawa.

He he he, bwesit 'yun ah.

"May narinig ako eh," bulalas pa ni Mccoy habang nakatingala.

Jusmaryusep!

"W-Wala 'yun no, s-sabi ko nga, ha-hakdog 'di ba?" Sagot ko habang naiilang dahil baka marinig ni Mccoy ang lakas ng kabog ng puso na animo'y tatakas na sa anumang oras.

Maryusep! Sana kainin na lang ako ng lupa.

"Bakit ka namumula?" Napa-iwas ako ng tingin sa itinanong niya.

Ipinaglihi ata kay Boy Abunda si Mccoy at nakakakaba ng mga tanong.

Nakakapanlumo naman ang mga titig ni Mccoy na animo'y kinikilatis ako.

Jusko! Nananawagan ho ako sa pitong mga santo na nawa'y may tumulong sa 'kin.

"Hija at hijo, halina't kakain na tayo," paanyaya ni Mommy La na nakatayo sa pinto.

Nakahinga na ako ng maluwag at patakbong tumungo sa pwesto ni Mommy La at yumakap.

"Hulog ka ng langit, Mommy La," bulong ko.

Kahit na hindi ko nakikita ang mga hitsura nila dahil nakasiksik ang mukha ko sa balikat ni Mommy La ay alam kong 'di maipinta ang hitsura nila ngayon dahil sa pagkalito.

Pero atleast ay hindi ako nahuli ni Mccoy sa katangahan ko 'di ba?

Bakit ko nga ba 'yun nasabi?

-

Sabay kaming tatlo sa pagbaba ng hagdanan at umupo na sa isang bilugang mesa na may apat na upuan.

Nasa harap ko si Mommy La at nasa kanan ko si Mccoy.

"Kain na kayo," wika pa ni Mommy La at nagsimula na akong sumandok ng kanin at ipinares ko na rin dito ang luto ni Mommy La na Chop Suey.

Sinumulan ko na ring tikman ang luto niya at muntik ko nang makalimutan ang pangalan ko sa sarap.

Grabe ang galing pala magluto ni Mommy La.

Napatingin ako kay Mommy La na nasa harap ko habang nasa loob ng bibig ko ang mahigit sa tatlong subo ng kanin at ulam. Nagthumbs-up naman ako kay Mommy La at mukhang naintindihan niya ang ibig kong sabihin dahil napangiti siya at nagsimula na ring sumandok ng kanin at ulam.

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now