Chapter 50: Celebration

554 35 0
                                    

Kassandra's POV

February 13, 2019

Nakahilata ako sa kama dahil sa pagod. Kakatapos lang kase ng rehearsal namin para sa paparating na comeback ng banda.

Matapos ang buwan ay nasali na ako sa banda nila bilang female vocalist, kasali na rin si Mccoy at tatlo na kaming vocalist. Hehex. May isang kompanya ring nagma-manage sa amin para sa unti-unting pagkilala sa amin ng industriya ng musika.

ABCD Band na rin ang pangalan ng grupo, nagkausap na kami na ganoon pa rin ang pangalan kase hindi naman alam ng fans na initial nila Dominique ang meaning noon at noong nagkausal kami, nagsalita akong "After Banat Charot Dapat" ang ipalit na pangalan kase nga personal rule ko iyon pero ayaw nila. Kaya napaisip si Dominique ng bagong meaning nun at 'yun ang "Ang Banda, Craulo Dapat" bale nag-away pa talaga kami dahil kung siraulo si Dominique, bakit niya pa kami dinadamay 'di ba?

Pero sumangayon na rin kami para unique. Sa comeback namin ibabalita ang meaning nun hehex.

Noong una ayaw ko talaga kase baka puro bash lang ang makukuha ko pero laking gulat ko nang isang mainit at malaking pagmamahal ang ibinigay nila sa akin at sa buong banda. Ang saya.

Noon iniisip ko talaga na 'pag may itsura ka, mas mamahalin ka.

If you are beautiful you are loved and well respected. But if you are not, you will be treated disrespectfully, neglected and disregarded.

But, I was wrong.

Mag-aalas dose na ng gabi, magbi-birthday na ako. Ayaw ko sanang magcelebrate kaso, napilitan ako dahil sabi ni Nanay kase isang beses lang daw iyon mangyayari sa isang babae. Napagplanuhan na rin namin na sa isang five star hotel ito idaraos dahil marami akong bisitang dadalo.

Ngumiti ako saka ko kinapa ang cellphone sa gilid ng kama ko saka akk naglog-in sa facebook app. Puro mga papuri at excite mula sa Alphabets- tawag namin sa mga fans namin ang puro post about sa comeback namin. May iilan ding mga bashers pero sila inaaway rin naman ito ng mga true avid fans namin.

Nagrereply naman ako sa kanila. Nakikipag-interact ako sa mga fans ko dahil alam ko rin naman ang feeling na maging fans noon. Napadako naman ang tingin ko sa messenger dahil online pa si Dominique.

Langga-nisa Seller

Kassandra:
At bakit gising ka pa, aber?

Dominique:
Wow, nagsalita ang taong dapat na magbeauty rest ngayon dahil special day niya bukas.

Kassandra:
Siraulo, matutulog na ako.

Matulog ka na rin ha!

Dominique:
Yes po madam.

Good night po, I love you, Pangga!🙊❤

Kassandra:
Good night din, Langga-nisaq!😍

- Sent -

In-off ko na ang cellphone ko pagkatapos at nakangiting pumikit sa higaan. Nagtutulugan lang talaga ako pero hindi ako makatulog! Bumuntong-hininga ako saka nagconcentrate na makatulog nang makarinig ako ng tunog mula sa cellphone ko pero hindi ko ito pinansin.

Kailangan kong matulog! -,-

Hindi ko na alam ang gagawin kaya tumitig na lang ako sa kisame. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatitig nang bigla na namang tumunog ang cellphone kaya naiinis ko itong kinuha. Mga message pala ito mula mismo sa isang number. Inopen ko rin ito at laking gulat nang makita kung sino at ano ang sinend nito.

Demon-ique

12:00 A.M.

Dominique:
Happy Valentines Day!

1:43 A.M.

Dominique:
Happy Birthday, Langgaq!

- Seen -

Ngayon ko lang napansin na hindi ko pa pala napapalitan ang number ni Dominique rito sa mismong messages ng cellphone ko.

Sa kabila nito ay ang mga text niya at mga oras na sinend niya ito. Siya na ata ang pinka-sweet na lalaki sa mundo! Help!

Pikit-mata akong tumihaya sa kama at kinuha ang isang unan para yakapin, inisip kong si Dominique ito saka nagpakawala ng kilig.

Jusko parang hindi na talaga ako makakatulog nito! T^T

-

"Happy Birthday, Kassandra!" Bati ng mga kabanda ko sa akin nang makarating sila rito sa bahay.

"Salamat!" Kinuha ko ang mga regalong hawak nila. Iba-iba ang mga hugis at laki nito na nakakapagduda sa akin.

"Si, Dom?" tanong ko dahil hindi pa siya dumarating. Trip nun?

Nagkibit-balikat silang lahat. "Akala namin nandito na, eh."

Tumango ako saka bumuntong-hininga. Okay lang, maaga pa naman.

Nandito na ang lahat sa hotel na ipagdadaraosan namin ng kaarawan ko, pati si Nanay ay nandito na. Ang saya ko pa naman dahil kulay purple ang theme ng birthday ko at nakasuot din ng kulay lilang kulay ang bisita. Tapos, ang ganda ng suot kong gown, mala-Disney princess.

"Happy Birthdag, Pangga." Nabuhayan ako ng diwa nang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Dominique na dahan-dahang naglakad patungo sa gawi ko.

Nirorolyo pa niya ang dalawang kamay saka bumaril sa ulo ko pataas at sa muling pagbalik nito ay naka-finger heart na ang daliri niya. Signature pose niya raw ito sa akin dahil para ako raw ang nagpapaikot sa mundo niya at binaril ko raw siya ng pag-ibig ko. Sa'n niya ba nakukuha ang mga ideyang ito! T^T

Niyakap niya ako ako kaagad at hinalikan sa noo nang makalapit siya sa akin. Napaluha ako bigla dahil akala ko 'di siya sisipot.

"Uy! 'Wag kang umiyak, papangit ka niyan. Sorry naman, na traffic lang eh." Malungkot niyang wika.

"Okay lang, basta ang importante, nandito ka na." Wika ko at akmang hahalikan siya nang sumingit si Flora sa amin. Ang manager namin.

"Ehem! Magsisimula na ho tayo, mahal na prinsesa. Mamaya na ho kayo mag-PDA." Ani nito saka kami nagtawanan.

Sinimulan na nga namin ang event. Ang saya at ang ku-kwela ng lahat. Mula sa mga message nila sa akin at mga pa-talent portion nilang nakakamangha't nakakatawa. Maganda ang daloy ng eveng hanggang sa napadako na nga sa 18 roses ang event. Buong programa ay nakatuon ang atensyon ko kay Dominique na todo-supporta.

Inanunsyo na ng host na 18 roses na ang gagawin kaya tumayo ako sa silyang inuupuan at kaagad namang tumakbo si Dominique para alalayan akong bumaba. Gosh! Lahat na lang ng ginagawa niya ay nagdadala ng kilig sa akin, bakit ganoon!?

Siyempre, si Dominique kaagad ang first dance ko. Patawa-tawa kaming sumayaw dahil may binubulong pa siyang mga pick-up line.

"Do you have a pencil?" He asked while we dance.

"Why?"

"Because I'm about to erase your past and write our future instead." Wika pa niya na ikinangiti ko.

Natapos ang sayaw namin at ibang na naman ang sumasayaw sa akin. Nakakailang tingin din ako sa pwesto ni Dominique dahil parang naiinis at iba ang paningin ni Dominique sa mga lalaking kasayaw ko eh mga kabanda lang namin 'yun at mga production team ng banda.

Natapos ang lahat at muli ang last dance ko ay si Dominique. Kaya ang saya na ng mukha niya saka nagpick-up lines ulit.

Please ang corny na niya! 😭✋

"Are you mixed?"

"Why?"

"Because you look 50% fine and 50% mine." Gosh, ayukonaaaaaa!!

"Siraulo ka talaga!"

Natapos ang sayawan at muli kaming nagsigalak sa event. Kasama ko si Nanay na ngayon ay sinasayaw ni Dominique.

Ito na ata ang pinakamasayang kaarawan sa lahat.

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now