Chapter 57: The Past

646 33 0
                                    

Kassandra's POV

Kinabukasan.

Kaharap ko ang salamin pero hindi pa rin ako sigurado kung ako ba ang nakikita ko ngayon mula sa mga namumugto kong mga mata na kagagaling lang sa buong gabing pag-iyak. Hindi ako nakatulog sa halip ay umiyak lang ako nang umiyak, nagbabakasakaling maubos ko sa pag-iyak ang mga luhang may dalang sakit sa puso ko.

Pero bigo ako.

Inayusan ko ang sarili ko dahil may pupuntahan pa ako. Kailangan kong puntahan ang kuwarto ni Dominique sa bahay ni Mommy La kung totoo ba ang pinagsasabi ni Dom. Ilang minuto lang ako nag-ayos bago ko tinunggo ang bahay nila.

Sa buong minuto ng biyahe ay hindi wala sa isip at puso ko ang kaba. Pero mas namumutangi ang sakit ko sa nangyari kahapon. Alam kong may pagkakamali ako dahil may mga nasabi akong masama sa ina kong dapat ay hindi ko ginawa. Hihingi rin ako ng tawad sa kaniya, gagawin ko talaga.

Ni hindi ko namalayan ang oras at natungo ko na pala ang destinasyon ko, kaagad akong bumaba sa taxi saka napabuntong-hininga nang maharap ko na ang pinto ng bahay nila. Dahan-dahan akong naglakad patungo roon saka pinihit ang doorknob nito. Bukas ito kaya mas lalong napabilis ang pagpasok ko. Hindi na ako nag-atubiling naglakad kung saan naroroon ang kwarto niya. Sa baway hakbang na ginagawa ko ay may bigat dito, sumasabay rin ang mabigat kong paghinga hanggang sa nasa harap ko na nga ang pinto.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob ng kwarto niya ay bumungad sa akin ang pagputok ng isang bagay mula sa kisame nito saka dahan-dahang nahuhulog ang mga maliliit na ginunting na papel, kung titignan ay mga confetti ito. Napatawa ako nang mapakla habang inililibot nag tingin sa buong kwarto.

Parang hinaplos ang puso ko sa bawat larawang naka-dikit sa apat na sulok ng kwarto, mga larawan namin ito ni Dominique, ang iba ay solo pic ko. Hindi na ako magtataka kung bakit panay ang pagkuha niya noon sa akin ng mga litrato. Sa harap ko naman kung saan naroroon ang kama ay may letter balloons na nawalan na ng hangin pero mababasa pa rin.

'Happy 1st Anniversary, Palangga'

Tuluyan na akong napaluha mula sa handa niya sana sa unang anibersaryo namin. Ang ilang sa mga larawan ay nahuhulog na, halatang matagal na araw na itong hindi pinasukan at may mga bahay-gagamba na ang kwarto. Sa kama ay may isang pulang making box na napapalibutan ng tuyong petals ng roses. Lumapit ako rito saka binuksan ito.

Isang kamera.

Kaagad kong binuksan ang kamera at nakita ang isang short video clip. Isang babae at lalaking sumasayaw, kami ito ni Dominique noong sinagot ko siya. Naalala kong nata-take pala siya ng video para sa ebidensya niya kay Mommy La kaya nakunan rin pati ang munti naming pagsayaw.

Matapos ang clip na iyon ay marami pang sumunod gaya ng mga araw na pumupunta kami ni Dominique sa dagat, mga kalokohan namin na kinukunan niya pala ng video. Umiiyak akong natatawa sa panonood ng video nang naaalala ang mga araw kung saan ay masaya pa kami, hanggang sa umabot sa clip na natutulog ako. Nagvo-voice over din siya.

"Hi vlog, this is my guys!" Bati nito na dahilan sa pagtawa ko.

"Ito pala ang prinsesa ko, ang himbing nang tulog oh, sarap pakasalan. Mahal na mahal ko 'to, kahit patay-gutom." Dagdag niya.

Patuloy lang akong nanunood at nakikinig sa mga sinasabi niya at umabot na sa oras kung saan ay may winika siyang nabigay ng kirot sa puso ko.

"If the day will come when I can't remember you anymore, just read this letter and you will remember how much I love you." Ani niya saka ipinakita ang isang kulay purple na envelope at natapos ang video.

Lubusang bumuhos ang luha ko. Magkahalong saya at lungkot ito. Magiging masaya ba ako dahil naging tapat siya sa akin o malulungkot dahil sa biglaang pagtaboy ko sa kaniya?

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now