Chapter 66: Honeymoon

1K 44 1
                                    

Warning!
; Sarap Po, Gosh! (SPG)

Kassandra's POV

"Hngg..."

"H-Haaaa..."

"Ahhh...." daing ko habang pinapakiramdaman ang ginagawa ni Dominique sa isang parte ng katawan ko kung saan ay may butas doon.

"Huwag ka kaseng malikot." Wika niya. Naramdaman kong marahan niya itong minamasahe.

"G-Ginagawa m-mo..?" Nauutal kong wika at napapapikit sa t'wing dinidiinan niya ito nang pagmamasahe gamit ang kamay nito.

Narinig ko na lang ang marahan niyang pagtawa mula sa aking tainga saka lumapit sa akin at mariin kinagat ang aking kanang tainga.

Mas lalo kong napapikit ang mga mata dahil sa mainit na sensyasong nararamdaman ko mula rito.

Nakahiga ako sa kama habang siya naman ang nasa kanan ko nakahilata.

"D-Dom..." pagtawag ko sa pangalan niya.

Nararamdaman ko ang pag-init ng mukha ko.

Nagbabakasakaling itigil niya ang ginagawa niya pero sa halip ay mas lalo na pang diniinan sa pagkagat.

"D-Dom..." daing ko sa pangalan niya sa pangalawang pagkakataon.

Sa puntong iyon ay tumigil siya at muling pinaglalaruan ito gamit ang mga daliri niya.

"Ipapasok ko na ha." Bulong niya na nakapagpanindig ng mga balahibo ko.

Napalunok ako.

Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtusok nito sa butas.

Bumibilis ang pagtibok ng puso ko.

"Teka lang-...A-Aray." Daing ko sabay sabunot sa buhok ni Dominique.

"Kaunti pa lang ang naipapasok ko." Wika pa niya at tuluyang ibinaon ang dapat niyang maibaon.

"A-Ahhh..." napasinghap ako.

F-First time ko 'to!

"A-Ang sakit." Bulong ko pa matapos niya itong ibaon saka pa niya hinilot-hilot para hindi na ako masyadong masaktan.

Ang sarap!

Ang sarap sa pakiramdam na naipasok na!

Gosh! ^.^

"Oh, 'di ba. Sabi ko naman sa 'yo bagay ang hikaw na 'yan sa 'yo." Sabi niya at ngumingiting tagumpay.

First time ko kaseng butasan sa tenga dito sa kanang tenga ko kaya ayun, masakit pala.

"Dom naman eh, sabing dahan-dahanin mo." Umirap ako sa kaniya habang minamasahe ang tenga.

Buti na lang hindi ito dumugo.

T-Teka....

'Yung nagbabasa anong nasa isip mo huh?

Ikaw huh, you are suspicious huh!

Naku! Naku!

"Oh, siya. Matulog na tayo." Wika ni Dominique pero tumitig lang ako sa kaniya.

"Unless may gusto ka pang gawin sa honeymoon natin?" He smirked.

Napakagat ako ng labi saka dahan-dahang kinuha ang unan at...

INIHAMPAS SA MUKHA NIYA!

"Siraulo, pagod na ako. Bahala ka diyan!" Singhap ko saka humiga at nagpakain sa antok.

Tarantado talaga eh 'no kahit kailan.

Naaalala ko bigla ang katarantaduhan niya na ginawa nito bago ang kasalan.

"So, paano 'yun? 'Yung kasalan? Aber?" Taas-kilay kong tanong.

"Ayun na 'yun. Plano ko lahat ng iyon 'no. Kaya ako tumatawa sa cellphone kase may group chat kami, as in kaming lahat ng tao na naroroon sa simbahan sa araw ng kasal natin. Medyo nag-alinlangan pa nga ako na baka hindi ka sumipot, eh." Paliwanag niya.

"Malamang tarantado ka, sinaktan mo ako. Iyak kaya ako nang iyak nun." Malungkot kong wika na siya nang lumapit sa akin at niyakap ako.

"I love you so much, Pangga. At wala akong maisip na rason para hiwalayan ka o magcheat sa'yo. Kahit buhay ko pa ang kapalit, hindi kita iiwan at ipagpapalit." Dagdag niya saka hinaplos ang mukha ko para punasan ang luhang hindi ko namalayang tumulo.

"Good night, babe." Bulong niya at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.

Heto na muli ang mga tipaklong sa tiyan ko!

Hindi ko siya matiis at humarap na ako sa kaniya sabay higa sa kaliwa niyang braso saka yumakap.

"Good night din." Bulong ko. Yumakap din siya pabalik.

"Gusto ko ng sampung anak- aray!" Mabilis kong hinampas ang mukha niya dahil sa inis.

Nagsalubong bigla ang kilay ko saka ko siya pinanliitan ng tingin.

"Joke lang, 'to naman. Tulog na po tayo!" Pagiiba niya ng usapan at muling yumakap.

Nawala ang inis ko at napalitan ito ng saya.

"Sa dami nang pinagdaanan natin, finally, nandito na tayo." Bulong ko sa kaniya.

"Hmmm, gusto mo lang pala ng kwarto, edi sana pinagawa na kita-" hinampas ko ulit ng unan ang mukha niya.

"Umayos ka, I mean, ito na. Mag-asawa na tayo, ganern!" Napakamot siya ng ulo saka muling yumakap sa akin.

Ang rupok ko na, nawala bigla ang init ng ulo ko mga mars.

"Mas marami pa tayong pagdadaanan, pero pangako ko. 'Di na kita bibitawan at sabay natin 'yung lalabanan." Sagot niya na mas lalong nakapagbigay sa akin ng kaginhawaan.

"Let's now start our love story as the trailer is done already." He said and kiss my forehead.

Kahit isa lang ang noo ko.

"I love you, Doy."

"I love you so very much, Kass." Wika niya at dahan-dahang lumapit papalapit sa mukha ko.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko't naramdaman na lang bigla ang malambot niyang labi sa labi ko.

Isang halik na punong-puno ng pagmamahal ang naramdaman ko. Naglayo kaagad ang aming mga labi saka namin ipinagdikit ang aming mga noo.

"Ikakagalit ba ni San Pedro kung sa ibang langit kita dadalhin?" Bulong niya habang may nakalolokong ngiti sa mag labi.

Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko na animo'y gugustuhin ko na lang magpakain sa kama. Lumapit ang mukha niya sa akin saka na ako napapikit, maya-maya ay naramdaman ko na lang ang muli niyang paghalik sa akin na siyang sinabayan ko naman.

Sa lahat ng mga away, iyak, sakit, hinanakit, kirot at lumabay, sa wakas ay nakamit ko na ang tunay na pagmamahal.

Ang pagmamahal na nagsisimula pa lang at darating pa ang tunay na mga balakid.

Pero kampante ako, dahil sa pagkakataong ito, wala nang bibitaw, wala nang mawawala, sabay na namin itong tatahakin tungo sa walang hanggan.

Sa gabing ito, dito ako sobrang naging masaya.

Kasama siya.

My Ugly Little Ehu GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon