Chapter 55: Fanboy

604 34 1
                                    

Dominique's POV

Linis, linis!

Narito ako sa condo ko at nililinis ang gamit ko. Ilang araw na rin kase mula noong nilinis ko ito at sa tingin ko ay oras na para malinis ito lalo pa't may pupuntahan ako bukas.

Napatingin ako sa shelf kung saan naroroon ang mga album na binili ko. Ito ang mga kanta at album ni Kassandra simula noong naging sikat siya na mang-aawit.

May mga poster, magazines, at merchs ako na si Kassandra ang nagpo-promote. Sinusunod ko talaga ang galaw niya. Pati mga votings at pagkapanalo niya ay sinusundan ko na gumawa pa talaga ako ng mga napakaraming social media accounts sa iba't ibang social media sites para lang supportahan at ipagtanggol siya.

Sa mga votings ako mas nagfo-focus para manalo siya at nagtatagumpay naman ako. I mean, deserve niya naman lahat! Ang galing niya kayang mang-aawit.

Stan Kassandra everyone for brighter future! 😩✊

Umupo muna ako sa sopa saka binuksan ang cellphone ko. Sunod-sunod ang pag-congrats sa akin ng mga taong fans din ni Kassandra.

Si Kassandra.

Muling sumikip ang dibdib ko nang maalala ko nag araw na nasaktan ko siya. Hindi niya dapat naramdaman niyo.

Hindi dapat ako nagpakatanga.

-

December 25, 2019

Alas 7 pa lang ng umaga ay nagising na ako.

Mabigat pa man ang mga mata ay pinilit kong maglakad patungo sa banyo para maligo nang sa gayon ay magising ako.

Nasa banyo ako at nagbabanlaw nang sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang maalala kung gaano ka importante ang araw na ito ngayon. Naisip ko bigla ang dahilan ng puyat ko kagabi, halos buong araw kase akong nagdekorasyon sa kwarto ko sa bahay ni Mommy La.

Syempre, 1st anniversary namin kaya dapat todo effort 'to, ako pa mismo magagalit sa sarili 'pag hindi iyon nagustuhan ni Kassandra. Nang matapos akong maligo ay nagbihis kaagad ako ng damit.

Pupunta muna ako sa ospital upang magpagamot, ayaw kong sa kasagsagan ng pagdiriwang namin ng anibersaryo ay malilimutan ko ang kaisa-isang babaeng nagbibigay ng kulay sa mundo kong sing-kulay ng abo.

Napatigil ako sa pagsusuklay at napatingin sa sariling repleksyon sa salamin nang pumasok sa isip ko ang sakit ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ito kay Kassandra, oo, gusto kong sabihin. Pero hindi muna ngayon, hindi muna.

Ngumiti ako nang pilit saka ko ipinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili. Nang matapos ang lahat ay lumabas na kaagad ako ng condo para tumungo sa distinasyon upang matapos na ang appointment.

Sumakay ako ng kotse saka nagmamadali itong ipinaharurot. Hindi ako umuwi sa bahay ni Mommy La matapos kong magdesinyo dahil may nilagay akong lubid na nakakonekta sa isang malaking lalagyan sa gitna ng kisame na kung saan, sa oras na bubuksan mo ang pinto ay bubukas rin ang lalagyan at lalabas ang mga confetti saka nga papel na bituin na ako mismo ang gumawa. Napapangiti na ako habang iniisip ang magiging reaksyon niya.

Sa totoo lang, natatawa na lang din ako sa sarili ko. Ang laki kase ng pagbabago ko sa sarili para lang sa kaniya. Wala na nga akong bisyo eh, siya na lang. Hayst!

Nagiging corny na ako, help! T^T

Naging cringe na rin daw ako, hindi naman daw akk ganito sa ibang karelasyon ko, tanging kay Kassandra lang, sa kaniya lang talaga.

Bakit naman hindi 'di ba? Kase mahal ko siya ng sobra na kahit maging totoong mais pa ako wala akong pakialam basta si Kassandra ang papapak sa akin. ^o^

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now