Chapter 53: Spazzer

583 36 1
                                    

Kassandra's POV

Napahiga ako sa kama at napatitig sa kisame na may ngiti sa labi. Kakauwi ko lang mula sa gala namin ni Nathan. Matapos kase naming makipag-gardening session kag Nanay ay gumala muna kami.

Dinala niya ako sa isang lugar kung saan ay kami lang. Sa taas iyon ng bundok, nasa likod lang kami ng sasakyan niya nag-picnic habang nasa haral namin ang buong siyudad. Kitang-kita mula roon ang siyudad.

Naglaro pa kami ng tong-its at uno. Kung minsan pa nga ay nagjajaming kaming dalawa. Ang saya ko!

Napadako ang tingin ko sa cellphone ko nang tumunog ito. Galing sa manager ko at nagpapaalala lang tungkol sa meet and greet at kung anong oras ito gaganapin.

Matapos kung kumpirmahin ito ay naglog-in ako sa social media 7accounts ko at binabasa ang supporta ng mga fans ko patungkol sa meet and greet. Napukaw ang atensyon ko sa isang user na kung tawagin ng iba ay spazzer ito ang minsananug nag-uupdate sa mga fans ko patungkol sa ginagawa ko at minsan rin ay ang mga nangunguna para sa mga votings, streaming etc.

"Kass Aein..." basa ko sa pangalan nito. Alam kong hindi ito ang totoong pangalan niya pero okay lang.

Mabait ito at kung makipag-away sa mga basher ay grabe. Isasampal talaga niya mga achievements ko kaya sinusupportahan ko rin siya. Lahat ata ng social media sites ay may accounts siya at pare-pareho lang ang pangalan.

Parang Korean last name niya, kakatamad naman mag-search eh.

Marami na rin siyang followers, tapos minsan ay nagpapa-give away ng mga albums ko. Ang nakapagtataka lang ay hindi ko alam kung babae ba siya o lalaki, maging mga followers niya ay naco-confused rin.

Mukha ko ang profile pic niya at cover niya ay isang miyembro ng Teletubbies na si Tinky-Winky na inamin ko mula sa isang interview na mas bet ko si Tinky-Winky kahit cute din naman sina Laa-laa, Po at Dipsy. Sinabi ko ring gusto kong makita si Tinky-Winky in person kahit mascot lang ito.

Kass Aein • 3 mins ago

Panalo ako sa raffle, makakasali ako sa meet and greet! Makakakuha na ako ng personal autograph, mainggit kayo please! T^T

Napatawa ako nang mabasa ang latest post nito. Marami agad ang nagreact at nagcomment ng sanaol kuno, raffle kase ang trip ng lugar na 'yun at kung sino ang mabubunot ay siya lang ang makakakuha ng signed albums o autographs ko. Pero libre naman ito pati ang panonood ng mini concert ko.

Kass Aein • 3 mins ago

Panalo ako sa raffle, makakasali ako sa meet and greet! Makakakuha na ako ng personal autograph, mainggit kayo please! T^T

Kassandra Ylores
Congrats! (^o^)/

Nagreply ako sa post at nagsi-react naman ang lahat na sanaol pa rin kase napansin ko raw si Aein. Puro naman iyak na emoji ang pinapasa ni Aein dahil hindi raw siya makapaniwalang napansin ako.

Kass Aein • 3 mins ago

Panalo ako sa raffle, makakasali ako sa meet and greet! Makakakuha na ako ng personal autograph, mainggit kayo please! T^T

• Kassandra Ylores
Congrats! (^o^)/

• Kass Aein
Hala! I miss you po!

Nagulat ako sa reply niya. Hindi kaagad ako nakapagreact na para bang nakaramdam ako ng kaba na ewan ko ba. I feel uncomfortable. Maybe, nagkita na kami sa ibang meet and greet pero sa t'wing tatagalan ko nang pagbasa ito ay iba talaga.

My Ugly Little Ehu GirlWhere stories live. Discover now