Umiling naman siya. "It's fine. Dapat ko nang sanayin ang sarili ko na wala na silang dalawa."

Bigla ay napatingin ito sa folder na nasa kan'yang gilid. "What's that for?" hindi na nakatiis pa itong magtanong.

"I'm trying to find a job. Kaso lahat ng napupuntahan ko ay wala ng mga vacant position. Ang mga pinasahan ko naman ng resume ko ay wala pa ring response. But I'm still trying my best to get a job."

Tila nakuha na niya nang tuluyan ang atensyon ng dating kaibigan. "It's a good thing. AlZero has a vacant position in HR Department. If you want, I can give you my business card which contains my email. Send me your resume."

Nabuhayan siya sa narinig. "Are you sure?"

"Definitely, yes." Ngumiti ito dahilan nang paglabas ng mapuputi nitong ngipin.

"Hindi na ako tatanggi."

Inabot nito ang calling card sa kan'ya na mabilis niya namang inilagay sa kan'yang sling bag. Saktong dumating na rin ang order nila. Tumagal din sila ng isang oras sa restaurant na iyon bago sila nagpaalam sa isa't isa.

"I can give you a ride," offer nito.

Mabilis naman siyang napailing. "No need. Malapit lang naman dito ang apartment ko," tanggi niya. "At isa pa, feel ko maglakad-lakad ngayon."

Napatango naman ito saka na sumakay sa kotse. Ibinaba pa nito ang side mirror at nag-wave sa kan'ya, gano'n din ang kan'yang ginawa. Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan nito ay nagpasya na si Louisse na tuluyang umuwi sa kan'yang apartment. Pagkauwi niya ay nagdadalawang-isip siya kung tatawagan si Ezekhiel. Kaya minabuti niyang i-email muna ang resume sa information na nakalagay sa calling card na ibinigay sa kan'ya ni Tonyo.

Matapos no'n ay naligo na siya at nang makapagbihis ay kaagad niyang tinungo ang kusina. Sa lamesa ay inilapag niya ang cellphone na noon niya lang ulit nabuksan. Hindi niya pinansin ang mga text at calls na bumungad pagka-on niya no'n, ang atensiyon niya ay nasa calling card ni Ezekhiel na nasa tabi ng kan'yang cellphone.

Ilang minuto rin siyang nakipagtalo sa kan'yang isipan bago tuluyang i-dial ang numero nito. Ilang minuto pa ang dumaan bago may sumagot sa kan'yang tawag.

[Hello?]

Tila siya nabunutan ng tinik sa dibdib nang si Ezekhiel na ang sumagot. Sinubukan niya kasi itong tawagan pero secretary nito ang palaging nakakasagot.

[Hello? Who's this?] muli itong nagsalita.

Huminga muna siya ng malalim bago ito sagutin. "This is Louisse. Can we meet?"

Nang dumaan ang ilang minutong katahimikan ay biglang nailayo ni Louisse ang cellphone sa kan'yang tainga sa pag-aakalang wala na ito sa kabilang linya. Pero kaagad niyang ibinalik ang cellphone sa kan'yang tainga nang marinig ang boses ng isang babae.

[Sino 'yang kausap mo? Babae mo 'yan, noh?]

Kahit hindi magtanong si Louisse ay alam niyang si Sachza iyon.

[Stop it. I'm talking to Louisse.] Dinig niyang sagot ni Ezekhiel.

[And who the hell is Louisse?]

[Malalaman mo rin mamaya.] Maya-maya lang ay narinig niya ang tila paglakad nito. [Nasaan ka?]

Tukoy niyang siya na ang kausap nito. "Sa apartment ko."

[Stay there. I'll send someone to pick you up.]

Hindi na nito hinintay ang sagot niya at kaagad nang ibinaba ang tawag.


The UnWanted Billionaire Where stories live. Discover now