Minsan tuloy napapaisip ako na baka crush niya ko. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Nababaliw na nga ko. Epekto ata to ng di pagkain ng tama. Hays.

Pagkadating namin sa bahay. Nagluto na agad ako. At pagkaluto nun tinawag na ni Yobab ang aming guest.

Para akong tanga. Di ko alam kung kinikilig ako. Haha. Ang abno talaga.

Umupo ako sa tabi ng bestfriend ko.

"Oy Esang! Tabihan mo yang bisita mo." pang-eepal ng nanay ko. Kainis! Kung pwede lang ako umangal. Hay. Takot ko lang masungalngal ng nanay ko -__- :3

Nakita kong napapangiti si Jasmine. Nakakayamot. Aasarin nanaman ako nun. Haaay! Isa pa tong Ray-earth na to!

Dahil sa "bisita ko" ang katabi ko kailangan ko siyang asikasuhin. Hay. Nahihiya ako.

Pinag sandok ko siya ng kanin, at pati ng ulam. Gosh. Kinakabahan ako. Baka di niya magustuhan yung luto ko. Kasalanan to ng nanay ko eh?

Nang lahat na kami may pagkain, nagsimula na kaming lahat kumain.

"Ano masarap ba?" tanong ni Mama. Hay sana mag sinungaling ang nanay ko na siya ang nagluto nun. Ayokong maging famous. Nakakahiya guys. Hahaha. Kdot.

"Opo. Napaka sarap po ng luto niyo." sagot ni Raymond.

"Ay hindi ako ang nagluto nito. Si Esang. Ang galing niya no?" sabi ni Mama.

I'm so flattered! Napatingin pa siya sakin atsaka bumalik ang mata sa pagkain sabay ngiti.

Yung ngiti niya. Hay... Naiimagine ko tuloy ang future ko kung ako ang mapapangasawa niya. Ipagluluto ko siya araw-araw. Tapos hahalikan niya ko sa cheeks sa sobrang sarap ng luto ko... Haaays... Hmmm... Ansarap talagang iimagine ang ganung bagay...

"Oo nga pala. May girlfriend ka ba?" tanong ni Mama. Dahil sa tanong na yan nabalik ako sa katinuan.

"Wala po." sagot ni Raymond. Tss -__- sinungaling.

"Ay talaga? Alam mo si Esang bawal pa mag boyfriend yan. Pero gusto ko na siyang payagan." sabi ni Mama. Napatingin ako sa mga sinabi ni Mama sa kanya at saka napangiti ulit si Raymond.

"Talaga po?"

"Oo naman. Dalaga na yan si Esang tignan mo nga oh? Kahit bukas mag asawa na yan kasi marunong na magluto!" sabi pa ni Mama. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. Napatawa na si Raymond ng malakas pati na rin silang dalawa ni Jasmine. Nakisabay na lang din ako.

Nagpatuloy pa yung kwentuhan nilang dalawa. Hanggang sa umuwi na si Mama sa bahay namin. Hindi na siya nagpahatid samin, pero inantay naming tatlo na makasakay siya ng tricycle papalabas ng subdivision.

"Bye po tita." paalam ni Raymond sa nanay ko.

Nang naka-alis na si Mama, nagkatinginan kaming dalawa. Ang magaling ko naman bestfriend, iniwan ako kasama ang kapre na'to.

"U-una na ko sa loob ha?" sabi ko sa kanya.

"Uh... Alli, sorry nga pala sa ginawa ni Valerie sayo." bigla akong napatigil.

Nakuha ko na yung gusto kong sabihin niya sakin.

"Ayun ba? Wala yun. Wag ka na lang lumapit sakin. Di na rin ako lalapit sayo. Paki-sabi sa kanya na, sorry di ko alam, kayo na pala ulit." sabi ko ng di siya nililingon.

"Wala naman na talaga kami eh? May brazillian na siyang boyfriend na mukhang di naman tuli." sabi niya.

"Sorry talaga sa ginawa niya. Nakita ko yung pasa sa braso mo kanina. Siya ba may gawa niyan?" tanong niya pa.

Hindi ako sumagot.

Naramdaman ko namang naglakad siya. Bigla niyang ginulo yung buhok ko.

Naglakad siya patalikod, "By the way... Ang sarap ng luto mo. Ngayon lang ako nakatikim ng matinong adobo." atsaka siya pumasok sa apartment niya.

Bigla akong napangiti ng bongga! Ang heaveeeeen! Haaays. Ang sarap sa feeling.

-kinabukasan-

"Kids, mamaya sa bahay kayo mag dinner." sabi ni coach pagkatapos ng practice nila.

"Yes coach!" sagot naman nilang lahat.

Nakita ko naman si King na nakaupo lang sa bench at hawak ang phone niya. Mukhang may problema si King.

Nilapitan ko si AJ para itanong sa kanya kung anong nangyari kay AJ sila kasi halos ang magkasundo.

"Hindi ko nga rin alam eh? Di pa kami nakakapag usap." sagot sakin ni AJ. Nilapitan ko na si King.

Lagi akong tinutulungan ni King. Siya ang unang tao na nag-ooffer ng tulong kapag may problema. Kaya bilang ganti siya naman ang tutulungan ko.

"King. Ayos ka lang ba?" tanong ko.

Ngumiti lang siya sakin pero alam kong may mali sa mga ngiti niya.

"Ayos lang ako." sagot niya. Tinapik ko ng pabiro ang braso niya.

"Muka mo ayos. May problema ka ata eh?"

"Kwento ko na lang sayo mamaya sa dinner." sabi niya. Saka umalis.

Ngayon ko lang nakitang matamlay si King. Nung isang araw lang ang saya-saya niya, tapos biglang lungkot naman niya.

Nang pabalik na ko sa team, nahuli kong nakatingin sakin si Raymond pero bigla niya ring iniwas.

Gago niya talaga.

-RAYMOND'S POV-

Nagseselos ako. Sobra sobra. Bakit kailangan pa niyang lapitan si King? Pagkatapos ng lahat? Haha. Joke lang.

Hays. Mukhang kailangan ko na talagang kumilos para mapasakin si Alli.

Wala eh? Mahal ko na po siya mga kapatid!

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Hi ppl :'>

-zandy_fragileheart<33

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now