Chapter 21.

91 7 4
                                    

Chapter 21.

"Hey,"

Napaangat ako nang tingin sa tumawag sa akin saka nakita ang lalaki na bumili ng puro expired goods kanina. Nahagip ko pa ang mga balat at ubos na lalagyanan ng mga pagkain sa lamesang pinagkainan nila bago humarap sa kaniya.

"Yes po, sir?" Kalmadong tanong ko kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang masuka habang iniisip kung paano kinain ng lalaki ang mga pagkaing ilang araw na ring expired.

Ngumiti naman ang lalaki sa akin. Kasabay noon ay isang malaking tiraso ng kung ano mang pagkain na kinain niya ang nakita kong nasa gitna ng dalawa niyang malalaking ngipin sa harapan na sadyang nakakapukaw ng tingin.

"Hehe, bigay mo na pera ko Miss."

Sabi niya, pero imbes na pakinggan ko ang sinasabi niya, nasa malaking tiraso ng pagkain n nakaipit sa pagitan ng malaking ngipin sa harapan ang atensyon ko.

'Pa'no naman napunta yan diyan?'

Nandidiring tanong ko sa sarili ko.

Di'ba dapat maramdaman niya yang ganiyang kalaking tiraso ng pagkain sa ngipin niya at tanggalin? Bakit hindi niya muna tanggalin yan bago makipag-usap sa akin? Humarap na ba siya sa salamin?

How unhygienic.

'Sabihin ko ba sa kaniya?'

"Kinain niyo na po sir," sabi ko sabay tingin sa mga mata niya, napakunot naman siya ng noo.

"Anong kinain ko, edi ba inabot ko yon sa'yo?"

"Di'ba ho para sa bayad yon sa pagkain na nasa ngi-- kinain ninyo?"

"Miss,"

Biglang seryoso niyang sabi sabay hampas ng kamay niya sa counter.

"Kilala mo ba ako?"

"Hindi."

Mabilis na sagot ko sa kaniya, napamaang naman siya.

"Kanina, nakita mo ba yung ginawa namin kanina, miss?" Tanong niya ulit habang tumuturo.

Naalala ko naman ang makalat at maingay na pagkain nila sa harap ng camera kanina na parang vinivideohan ang sarili habang nakain. 

"Yes…"

Mahinang sabi ko.

"Tawag don live streaming mukbang, in short, and in other words, influencer ako. IN-FLU-EN-CER."

Napakurap kurap naman ako.

"Yes, so…?"

"Dapat hindi ko na kailangang bayaran ang kinain ko dahil nga influencer kami! Ako!" Sabi niya sabay turo sa sarili niya. "Dapat libre na yon kasi instant sikat na yung mga pagkain niyo dito dahil sa ginawa ko!"

"That is not enough reason for us to give you back the money you used to pay the foods you ate, sir. " Biglang sabi ni Tam sa likod ko, napatingin sa kaniya ang lalaki bago malumanay na nagsalita.

"Hindi ni'yo naiintidihan, influencer nga kasi kako ako."

"So what kung influencer ka?"

"Ay polpol,"

Nawala ang ekspresyon sa mukha ni Tam pagkatapos siyang tawaging ng ganoon ng lalaki.

"Influencer nga ako! Kaya dapat hindi na namin dapat kayong bayaran kasi napanood na nang mga viewers and followers ko ang pagkain ko dito! Sure akong dadami na ang customer niyo dito pagkatapos kong ipost yon kaya kapalit non, dapat ibalik ninyo ang pera ko! Puta, kulang pa nga yan eh! Dapat nga singilin ko kaya ng million kasi nga influencer ako! Prinomote ko kayo! Marami akong avid fans na bibili dito pagkatapos panoorin ang video ko! Kasi nga fans ko sila!"

My Love In Another World [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now