Chapter 1.

799 40 129
                                    

Chapter 1.

"There is a big difference between fiction and non-fiction story... First of all, Fiction story is a story made out of imagination. It is a story base on imagination of the author. It was created solely of her fantasies and imaginations. It could be magical, fantasy, science, anything. Stories that is not based on something, that is not based on an actual story of someone or an event, stories that was out of this world and is very unlikely to happen. Those stories that revolves around something impossible are called Fiction... While non-fiction is something..."

'How peaceful...'

Taimtim na sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang isang kulay puting butterfly na may asul na patches sa pakpak. Banayad at swabe lamang ang pagaspas at paglipad ng mumunting paro-paro hanggang sa dumapo ito sa kalapit na bulaklak.

The white butterfly flutters it's wings before settling on the red flower.

Ang matingkad na kulay pula ng bulaklak ay mas lalong pinaganda ng paro-paro'ng dumapo dito.

'Oh kay sarap pagmasdan ang banayad na pagaspas ng paro-paro sa hangin na tila ito'y malayang malaya at walang kahit anong problema sa buhay.

Sumasayaw, sumasabay kung saan man umihip ang hangin.

'Sana ganyan din lang buhay ko... Pa-fly-fly lang...'

Yung ultimong kahit palipad-lipad ka lang, padapo dapo sa mga bulaklak, maganda ka parin at never kang kaiinisan ng tao.

"Sanaol..." mahinang bulong ko sa sarili ko.

"Yes, sanaol talaga Miss Milana."

Napapitlag naman ako sa aking kinauupuan saka tumingin sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko ang teacher ko na nakatayo sa mismong harapan ko.

"Gusto ko sanang itanong kung saan lumilipad ang utak mo habang nagdi-discuss ako, Miss Milana, kaso pagtingin ko palang sayo, alam ko na kaagad ang iniisip mo."

Napa-diretso naman ako ng upo saka nahihiyang tumingin sa aking guro.

"Kung ang gusto mo ay maging isa sa paro-parong yan, feel free. The door of my room is wide open for you to leave, Miss Milana, " May diin na sabi niya habang nakaturo sa pintuan.

"S-Sorry, sir." nauutal na paumanhin ko habang iniiwas ang aking tingin. Takot akong napalingon sa paligid ko para lang makita ang mga kaklase kong nakangisi habang nakatingin sa akin.

"It is not bad to dream for the impossible..." Ani niya saka tinalikuran ako. Pero bago siya bumalik sa pwesto niya sa harapan, binigyan niya muna ako ng masamang tingin bago nagpatuloy, "Pero sana naman kung mangangarap kayo, make sure it's reachable, hindi yung maging animal kayo! Nakaraan isa sainyo gustong maging patatas, yung isa naman gustong maging dinosaur para parorr-rorr lang daw siya. Ano ba naman yan!"

Pigil ang tawang tumingin kaming lahat sa teacher namin na nanenermon na naman sa harap.

"Can you please quit all your bullshits?! What is up with those inanimate things that you wanted to be?! Yan na ba ang impluwensya sa inyo ng gadgets?!"

Malakas na hiyaw niya sa room habang nakaduro sa amin. " That's audacity!"

Napatakip naman ako ng bibig nang maging kapansin pansin ang inis ng teacher namin sa aming klase.

"Kasalanan mo to..." napalingon naman ako sa tabi ko at nakita ang kaibigan kong si Hazel na nakangisi. Patawa tawa rin siya habang pinapanood ang teacher namin na sumabod sa inis sa harapan. It seems like seeing our teacher yell and get annoyed is an entertainment for her.

My Love In Another World [COMPLETED✓]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant