Chapter 9.

333 17 10
                                    

Chapter 9.

• Hey.

Napapitlag ako sa aking kinauupuan nang marinig ang malumanay na boses sa isip ko. Napangiti rin ako pagkatapos makilala ang boses na iyon.

"Hey. " Galak na bati ko rin sa kaniya pabalik.

Napaayos ako ng upo saka nakangiting tumingin sa labas ng bintana ng kwarto ko.

I heard your conversation with your friends.

Panimula niyang sabi, napamulagat naman ako.

"Conversation? Ahh, you mean 'yung tungkol sa Foundation Festival namin?"

• Hmm.

"Ah, wala lang yon. Yung school kasi namin taon taon nagdiriwang ng pagkakapatayo nito. Ewan ko ba, parang birthday lang ganon."  Natatawang kwento ko. Natawa rin siya.

• Ah yes, foundation day. We recently had ours, too.

"Oh? Meron din kayo?" Kuryos na tanong ko.

• Uhuh. However, our foundation day is not as complicated as yours. We don't have theme or whatever. It's just a holiday day in our school where you could either be absent, and that is fine, or go to school, and that is also fine. Nothing special.

"Ha?"

Napakurap kurap naman ako bago malakas na tumawa.

"Hahaha! Ganun lang?"

Natatawang sabi ko. Tumawa rin siya.

• Yes. Well, my school-- let's just say they are a bit stingy when it comes to giving us leeway. They are always strict and over the top. I guess it is a given since my school is a prestigious school.

Tahimik lang ako habang nilalarawan niya ang kaniyang eskwelahan.

"My school was also prestigious," I said. "But my school are always genuine when it comes to its student's productivity so we often have extracurricular activities and programs. Wala kayo non?"

Mahinang tanong ko habang nilalaro ang buhok ko. Hindi ko maipaliwanag, pero may kaunting awa akong nararamdaman para sa kaniya.

• Hmm, we also have things like that. But most of them are funded by outsiders who hope to have some influence inside our school.

"Ah, yes. You mean company's program? Marami rin sa amin yan."

Dahil kabilang ang eskwelahan namin sa mga kilala at sikat na eskwelahan na maraming estudyante na galing sa mga tanyag na pamilya, maraming kompanya ang pumupunta at bumibisita sa amin.

Most of them are small companies who was hoping to gain some attention by some students who was an heir or an heiress to big companies.

Napabuntong hininga naman ako nang maalala nanaman ang mga pangyayari nung freshmen palang kami nina Hazel at Tam sa school.

It was so chaotic that time.

'If it wasn't for Tam helping us that time, Hazel and I would have been in so much trouble.'

• By the way, kumain ka na?

Napatigil ako sa pag-iisip at nagtatakang kumurap kurap nang marinig ang sinabi niya.

"Kung kumain na ba ako?" Patanong na sabi ko dahil hindi ko masyadong naintidihan ang sinabi niya.

• Yes. It should be evening there, in your world. That's why I'm asking, have you eaten yet?

My Love In Another World [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now