Chapter 13.

319 12 48
                                    

Chapter 13.

"Nakikain lang kami sa inyo kagabi ah." Nagtatakang sabi ko habang nakatingin kay Tam na nakahiga sa kama niya.

Nandito kami sa bahay nina Tam, sa mismong kwarto niya kung saan siya mismo ay naka-hilata dahil bigla bigla na lamang siya'ng tinamaan ng karma, I mean, sakit.

"Sniff!"

Malakas na singhot ni Tam na nagpakunot sa noo namin ni Hazel.

"Ewan ko nga din diyan eh," sabi ni Miss Mat, ate ni Tam, habang inaayos ang pagkakalagay ng kumot ni Tam sa kaniya. Tam looks really cold even though the AC of his room was already turned off. She looks at Tam in concern as she spoke, "He was all well and fine just last night, we even share the dinner, but just a morning after, he had fallen sick."

Miss Mat bit her lips.

She looks at Tam in worried as she continues to speak.

"I wanted to stay and take care of him, but I still have duty and works to finished that is due tomorrow so I can't, " she disappointedly said while looking at our direction.

Napakurap-kurap naman ako saka tumingin kay Hazel.

"Tsk, ayan kasi. Dahil siguro sa kadamutan niya yan, Miss Mat." Pabirong panunuro ni Hazel habang nakasimangot. "Sabi niya ililibre daw kami pero pagkahatid ng sasakyan namin pabalik eh kinalimutan na kami, buraot, karma yan Tam. Masarap ba?"

Napailing iling naman ako kay Hazel saka tumingin kay Miss Mat.

"Don't worry Miss Mat, we will take care of Tam in your stead." I said to assure her as she smiled to me.

"Of course, Miss Mat, we couldn't just left behind this idio-- I mean, our friend behind when he needed us. And you were the one who requested it, right? There is no way we could turn you down, Miss Mat." Malambing na sabi ni Hazel, tumango tango naman ako kahit pa sobrang halatang pinipilit niya lang na hindi murahin si Tam dahil panira ng schedule ang pagkakasakit niya.

Miss Mat lightly laugh at us and patted Tam in the head before standing up from sitting on the side of his bed.

"Alright, thank you so much in advance. Maaasahan ko talaga kayo. If you ever need anything, just call me. And feel free to roam the house and do something while Tam is asleep."

"Don't worry Miss Mat, hindi naman magagalaw ang mga kamay namin."

"Haha, I know. Just call me ate Mat outside the school, parang hindi naman tayo mga magkababata eh." Sabi niya sabay pabirong kumindat sa amin. Kinuha na niya ang mga gamit niya saka nagpaalam muna bago umalis. "Goodbye girls, please take care of my brother. I will surely owe you a lot this time." 

Nagpaalam na kami kay Ate Mat bago bumaling kay Tam na kawawang kawawa sa higaan niya.

"Pa'no ka kasi nagka-sakit overnight? " Tanong kaagad ni Hazel nang maiwan kami sa kwarto.

Umupo ako sa isang couch ni Tam sa kwarto niya at pinanood kung paano higitin ni Hazel ang thermometer sa bunganga ni Tam basta-basta.

"Aray ko naman!" Malakas na singhal ni Tam sa kaniya pero nginusuan niya lang ito.

"Ba't mo kasi nginungutngot yung thermometer? Ano toh? Pacifier?"

"Hindi naman ah! Ugh--!" Biglang napangiwi si Tam sa sakit atsaka mabilis na hinatak ang kumot niya para takpan ang mukha niya. Napakunot naman ang noo ko.

"Uy! Wag mong ibalot ang ulo mo at baka hindi ka makahinga niyam!" Malakas na sabi ko sabay hatak ni Hazel sa kumot ni Tam. 

"Ano ba! Masakit nga ulo ko!"

My Love In Another World [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now