"You can rest here," offer nito sa kan'ya. Hindi naman na siya nag-inarte pa at nahiga na roon.

Louisse was planning to mind her own business, pero mukhang wala yatang plano si Zairus na patahimikin ang buhay niya. Ilang dipa rin ang layo nito sa kan'ya, nakaupo sa mini sofa na naroon. "I have a question."

Hindi siya sumagot at pilit niya pa ring inaabala ang sarili sa pagbabasa.

"Who was your first kiss?"

Natigilan ang mga mata niya sa pagtingin sa mga nakasulat sa libro at nagtatakang binalingan niya ng tingin ang lalaki. "Why are you asking?"

Nagkibit-balikat naman ito at pinagsalikop ang mga kamay. "For us to have a conversation."

Pinigilan ni Louisse ang sumusupil niyang ngiti. He's trying to get her attention.

"You already knew the answer," aniya at muling ibinalik ang tingin sa libro. Pero hindi naman na pumapasok sa kan'yang isip ni isang salita mula roon.

"Si Arthur?" Hindi makapaniwalang sambit nito.

"Who do you think?" hindi niya mapigilang magkaroon ng sarkasmo ang tinig. "He was my first love."

"Unfair," komento pa nito. "Samantalang ikaw ang unang babaeng minahal ko."

Bumilis ang tibok ng puso niya at mahigpit na nahawakan ang libro. "Sinong niloko mo? Si Lena ang babaeng una mong minahal," aniya para mapagtakpan ang nararamdaman.

"Ikaw ang sumagip sa akin sa balon na iyon."

"Pero si Lena ang nakasama mo ng ilang taon." Hindi man niya gusto ay may pait na lumabas sa kan'yang boses.

"I didn't know that she pretended as you."

"And I pretended as she," mabilis niyang sagot na nakapagpatahimik sa lalaki.

Dumaan ang ilang sandaling katahimikang iyon sa pagitan nilang dalawa ngunit kalaunan ay binasag din nito. "Can we forget the past?"

Mabilis ang naging pagbaling niya sa gawi nito. Punong-puno ng sinseridad ang mga mata ni Zairus na siyang nagpalunok ng sarili niyang laway. "Can you?"

Matagal pa silang nagtitigan na dalawa bago ito matipid na sumagot. "Oo."

Tuluyan na niyang iniwas ang tingin sa lalaki. "But what I did to you was unforgiveable, Zai. Just like what you told me before, we took advantage of you."

"Kung walang kapatawaran ang nagawa mo sa akin ay sa tingin mo ba ay dadalhin kitang muli sa isla ko?"

Tuluyan na niyang isinara ang libro at napabuntong-hininga. "I don't know what you're plotting, Zai. If you're planning to make a reven-"

Hindi niya na nagawang matapos ang sasabihin nang bigla itong tumayo na naging dahilan nang paglingon niya sa gawi nito. Bakas ang frustration sa mukha nito.

"Revenge?" He blurted it out. "Iyan ang iniisip mong dahilan kaya kita dinala rito?"

"What else could it be, Zai? You're mad at me, aren't you?"

Tumawa ito ng pagak. "I didn't wait for you just to make a revenge, Louisse. I waited for you because-" pinutol nito ang sasabihin saka nag-iwas ng tingin. Tila hirap na hirap itong sabihin ang tumatakbo sa isipan.

Tumayo na rin si Louisse at hinarap si Zairus. Pero siniguro niyang may sapat silang distansya sa isa't isa. Ayaw niyang bumigay dito at sa huli ay siya na nanaman ang masasaktan.

"Ano pa bang sapat mong rason? Wala naman na, hindi ba?"

Nang hindi nito sagutin ang kan'yang tanong ay naiiling na lang siyang umatras. "Dumaan na ang ilang taon pero duwag ka pa rin, Zai." Nang dahil sa sinabi niya ay napalingon ito sa kan'ya. Ni hindi niya na mabasa ang emosyon sa mga mata nito. "Duwag ka pa rin," pag-ulit niya at pumasok na sa loob.

The UnWanted Billionaire Donde viven las historias. Descúbrelo ahora