Chapter Thirty One

394 20 1
                                    

Chapter Thirty One

LUSH,

PAGKAUWI ko sa bahay saka ko lang naalala na lowbat pala ang cellphone ko kaya habang kumakain ay nag-charge na lang muna ako.

Pare-parehas kaming tahimik habang nasa hapag-kainan. Walang nagsasalita. Kahit si Lyzee ay tahimik lang din.

Pasulyap-sulyap ako kay Mama. Checking her if she's fine. Hanga ako sa tatag at tapang na meron s'ya. Pagkatapos ng nangyari sa kanilang dalawa ni Papa heto s'ya at patuloy na lumalaban hindi lang para sa sarili n'ya kundi alam kung para rin sa 'min. She started working para masuportahan ang kailangan namin while setting aside her broken heart. I wonder kung anong magiging reaksyon n'ya once na umamin ako — agad akong umiling. No. I'm not gay nor bisexual. Nah.

"Alexander," Malumanay na tawag ni Mama sa 'kin. Agad akong napataas ng ulo at tumingin sa kan'ya.

"Alexander, tumigil ka muna sa pag-aaral mo."

Automatic na huminto ang mga kamay ko sa paggalaw. Clueless akong tumingin kay Mama pagkatapos ay kay Lyzee. Hindi s'ya tumitingin sa 'kin na parang kinakabahan.

"Anong ibig mong sabihin, Ma?" May kaba sa dibdib na tanong ko.

"Tumawag ang Tita Shaiara mo. Gusto n'yang sumunod tayo sa London sa lalong madaling panahon."

"What?" Tama ba 'yong narinig ko? Gusto ni Tita na sumunod kami sa London kapalit ng pag-aaral ko? Kapatid ni Mama si Tita Shaiara. Bunso ito sa kan'ya, pero nakapangasawa ito ng taga-London at doon na rin tumira. Mas maagang nag-asawa si Tita Shaiara kesa kay Mama mabuti na lang at may kaya sa buhay ang naging asawa n'ya.

"Pa'no ang pag-aaral ni Lyzee?"

"Inaasikaso na ng tita mo ang pag-transfer n'ya roon. Ang tita mo na rin daw ang bahalang magpa-aral kay Lyzee tutal college na rin naman ang pinsan mo."

"Pa'no 'yong asawa n'ya?" Ayon sa kanila mabait naman daw ang asawa ni Tita, pero parang wala na akong tiwala. Mas lumala ang trust issue ko.

"Pumayag naman ito saka, pera naman ng Tita mo ang gagamitin n'ya hindi pera ng asawa n'ya."

"Bakit ang bilis? Pa'no ako? 6 months na lang ga-graduate na ako."

Huminga si Mama ng malalim. Kakaiba din ang ekspresyon ng mukha n'ya. Kitang-kita ang nangingitim na bags sa ilalim ng mata n'ya. Mukhang anumang oras ay babagsak na ang antok at pagod n'yang mata. Mukhang may problema.

"Pwede namang magpa-iwan ako dito, e."

"Hindi kita pwedeng iwan dito, Alexander. Wala kang matutuluyan dito. Kailangan nating ibenta itong bahay pambayad sa mga utang na iniwan sa 'tin ni Eduardo."

"Ano, Ma?!" Napataas ang boses ko matapos marinig ang sinabi ni Mama. Nagkaroon na rin ng linya ang pagitan ng aking dalawang kilay. Utang? Anong utang?

"Matagal na palang wala sa kompanya si Eduardo. Tumutuloy s'ya sa kabet n'ya habang nagsisinungaling sa 'tin. Nakausap ko kahapon ang dati n'yang amo at ipinakita sa akin ang naiwang utang sa kompanya na hindi ko alam kung bakit nagka-utang ng gano'ng kalaki." Nag-crack ang boses ni Mama sa huli n'yang sinabi. Hindi ako maka-angat ng tingin. Ayokong nakikita s'yang umiiyak at nahihirapan.

"Ka-Kalahating milyon. Saan natin hahagilapin ang gano'n kalaking pera? Sinubukan kung kontakin si Eduardo, pero hindi n'ya ako sinasagot tapos may nakapagsabi sa 'kin na nakita s'ya sa airport papuntang Cebu kasama ang kabet n'ya."

Hindi ako makapagsalita. Tuluyan ko ng nabitawan ang hawak na kutsara at parang gustong isuka ng t'yan ko ang lahat ng kinain ko. Pakiramdam ko ay tumahimik ang mundo.

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now